Chapter 17- Party and a Whole Lot of Drinks

1.8K 55 0
                                    

Liezel POV

Sunday morning......

"Nay! Nay! gising na po maghahanda pa po tayo ng agahan."

"Oo ito na ikaw naman masyado pa yatang maaga tignan mo kaya yung bintana madilim pa."

"Si nanay talaga nagbiro pa syempre na madaling araw pa lang naman ah, tsaka ganun naman na ang ginagawa natin tuwing umaga kasi naka-assign ka dun." sabi ko sa kanya habang tinatayo siya

"Ok para pagkatapos magpapaalam ako kayna sir Antonio at maam Beth na magsisimba tayo. Sige na anak maligo ka na at mauna ako sa baba para makapagsimula na ng agahan."

Pumasok na ako sa banyo para makaligo at nang matapos ay nagbihis na ako ng damit panglabas dahil magsisimba kami ngayon.

"Nak halika dito pakilabas naman itong fried rice at tinapay, ilagay mo sa mesa."

Nilabas ko ang mga pagkain na nailuto na ni Inay at naglagay na rin ako ng plate, spoon, fork at glass para kapag nagising na sila ay diretso kain na lang.

7:00 am..........

"Good morning everyone!" masayang bati ni sir Antonio kasama niya papasok ng dining area si maam Beth.

"Manang Fe di pa ba bumababa ang mga bata?" tanong ni maam Beth

"Hindi pa po maam, sinubukan ko pong katukin yung pintuan ni sir Tristan ang sabi po ay mamaya na lang daw po, inaantok pa siya. Si maam Chelsea naman po nag-aayos pa po sa taas ng isu-suot niya para sa party mamaya at mag-skip na lang daw po siya ng breakfast."

"Hay! Naku mga teenagers talaga, hayaan mo na Beth mabuti pa kumain na tayo." Kakausapin ko na lang sila mamaya. Luz paki-abot naman iyong newspaper."

Ini-abot ni Inay ang dyaryo kay sir Antonio at bumalik na siya sa tabi ko. Natapos na rin naman kaming kumain kaya nandito lang kami nakatayo habang nag-aantay ng mga pwede pa nilang iutos.

"Liezel huwag mong kalimutan na sasamahan mo si Chelsea mamaya sa party. Pagpasensyahan mo na ang anak ko, minsan may pagka-moody lang pero mabait yun. Palagi mo sana siyang babantayan sa lahat ng oras dahil ayokong madamay siya sa gulo o kaya magsimula siya ng gulo, mahirap na at last year na niya sa college. Nandoon naman si Tristan pero alam kong kasama niya palagi ang barkada niya, kaya may time na hindi niya matutu-tukan ang kapatid niya. " ani ni sir Antonio

"At isa pa meron naman din sasama sa inyo para mabantayan kayong dalawa ni Chelsea, babae pa naman kayo at party with a whole lot of alcoholic drinks ang pupuntahan niyo. Don't worry kasi I know them personally, they will not disappoint me at they are responsible enough para maging taga-bantay ninyo." sabi naman ni maam Beth

"Wala pong problema sir, maam." nasabi ko na lang

"Just have fun and make a lot of friends. Don't do things that you will regret later. Yun lang ang payo ko. Tama ba ako Luz?"

"Naku sir tama po kayo, nasabihan ko na rin naman itong anak ko, wag na rin po kayo masyadong mag-alala kasi si Liezel na po ang bahala kay maam Chelsea." sabi ni Inay

"Sige makakaalis na kayo, alam ko naman na nagsisimba kayo tuwing linggo."

"Salamat po maam. Sige po mauna na po kami."

Nagtungo na kami sa simbahan ni Inay. Pagkatapos ng misa ay kumain kami sa labas ng simbahan ng fishball at kikiam. Kinausap ako ni Inay habang papabalik na kami ng mansyon, nasabi nga niya na mag-ingat daw kami sa party na pupuntahan namin. Hindi siya katulad nung mga napuntahan ko sa baryo before dito sa maynila mas wild pa daw. Malaki daw ng tiwala sa akin ng mga Sy kaya dapat di ko sila biguin dahil baka pati siya ay matanggal sa trabaho. Sabi ko naman kay Inay na ipinapangako kong walang magiging problema at mag-iingat ako.

7:00 pm...........

"Nay ayos na po ba itong suot ko para sa party?" tanong ko habang nakaharap sa salamin

"Ayos lang anak, mas maganda nga yung simple lang kaysa naman yung parang ibang bata diyan sa labas ngayon pa-iklihan ng suot. Okay na iyan."

"Salamat po nay."

"O yung mga bilin ko huwag mong kakalimutan ah, lalong-lalo na yung tungkol sa pag-inom."

"Opo, iti-txt ko na lang kayo sa mga mangyayari."

Nagmamadali na akong bumaba dahil kanina pa tumutunog ang telepono ko, kilala ko naman kung sino iyon eh! Di ko lang sinasagot baka masigawan pa ako.

"Inday ano ba naman ang tagal mo dapat kanina pa tayo nakaalis." pasigaw na sabi ni maam Chelsea

"Chelsea! Tigilan mo nga yang kakatawag ng Inday sinabi na nga may pangalan yung tao." ani ni sir Tristan

"Kuya bakit ba eh yun ang gusto ko, tsaka bakit nandito ka pa di ba kasabay mo yung barkada mo."

"Nangako ako kay Liezel last time na siya ang plus one ko, kaya ako ang kasama niya sa party."

"Ikaw ang bahala kuya, nakakahiya lang kasi anak ng katulong kasama mo."

"Chelsea!"

*Honk!**Honk!*

*Honk!**Honk!*

"Ayan na ang sundo ko, mauna na ako kuya."

Lumabas na si maam Chelsea at naiwan kami ni sir Tristan sa loob.

"Liezel buti na lang at pumayag kang sumama sa party. Ready ka na ba?"

Sumakay na ako sa sasakyan ni sir Tristan at tahimik lang kaming dalawa sa biyahe papunta sa bahay ng birthday celebrant.

After 30 minutes......

"Happy Birthday!" sabay-sabay na sigaw ng mga tao.

"Liezel! pupunta ka pala dito?

"Oo Ange, pasensya na at di kita nasabihan. Niyaya kasi ako ni Tristan kapalit nung pagtuturo ko sa kanya at yung parents naman nila Chelsea sinabihan na bantayan ko siya."

"Ayos lang at least ngayon alam ko may makakasama ako."

"Di ko akalain na pupunta ka sa ganitong party, kaya nung nabanggit ni Tristan na pupunta ka nagulat ako."

"Hahahaha! I attend parties here and then pero di lang ako masyadong umiinom at minsan just to have a talk with some of my friends medyo strict din naman yung parents ko kaya siguro bihira lang. Ikaw nga ang nakakagulat eh, sabi mo di ka sanay sa mga party ganito dahil wala naman sa probinsya"

"Totoo naman, sa katunayan ang mga birthday party namin sa baryo kainan at kantahan lang pero minsan may konting inuman pero yung mga matatanda lang."

"O siya tama na nga, halika punta tayo doon para makakuha ng food and drinks."

"T-teka nasaan na si Tristan at si Chelsea?" pag-aalalang tanong ko.

"Nandyan lang iyon, mabuti pa kumain ka muna tapos tsaka natin sila hahanapin, sasamahan pa kita."

Sumama na ako kay Ange para kumuha ng makakain para mabilis din matapos dahil nga kailangan ko mahanap kahit si maam Chelsea lang dahil baka mapagalitan ako or worst mawalan ng trabaho si Inay kapag may nangyaring masama doon.

Sumama na ako kay Ange para kumuha ng makakain para mabilis din matapos dahil nga kailangan ko mahanap kahit si maam Chelsea lang dahil baka mapagalitan ako or worst mawalan ng trabaho si Inay kapag may nangyaring masama doon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong seventeenth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon