Alex Pov
Ayokong alisin ang pagkakahawak ko, natatakot ako na baka hindi ko na siya makita ulit.
May galit pa din sa aking puso pero ng makita ko na may anak na siya unti-unting nawala iyon dahil alam kong masaya na siya kasama ng bata at ng asawa niya.
"Bitawan mo ang nanay ko! Bitaw!" sabi ng bata habang hinahampas ako
"May anak ka na pala?" tanong ko habang nakahawak pa din sa kanya
"Bitaw na po." pangungulit ng bata
"Alex, please akin na ang kamay ko, kawawa naman yung bata." mahinahong sabi niya sa akin
Tinignan ko lang si Alexa, ngayon mas narerealize ko na magkamukha nga sila.
Bumitiw na ako at agad na nilapitan ni Liezel ang anak niya.
"Alexa, hindi kita tinuruan para manakit, say sorry."
"Ayaw! Sinaktan ka niya. Bad siya."
Ang swerte naman ng napangasawa niya bukod na nasa kanya na si Liezel may makulit pa na Alexa.
"Sige na anak, please, para kay nanay."
"Magkakilala pala kayo?" singit naman ni Mrs. Mabini
"Ah eh mam Althea, naging kaklase ko po siya matagal na. Anak, sige na."
Lumapit sa akin si Alexa at..
"Sorry!"
"Bleh!" 😝
"Alexa!" sigaw ng nanay niya.
Tumakbo ang bata at nagtago sa likod ni Mrs. Mabini.
"Ako na ang bahala sa kanya, mukhang marami kayong dapat na pag-usapan."
"Mam Althea hindi na.."
"Salamat po."
Naiwan kaming dalawa, kung mapapansin niyo Liezel na ang tawag ko sa kanya at hindi na Jen well ganoon talaga, wala na kami eh! At isa pa may pamilya na siya.
"Aalis na lang ako Alex kailangan ko ng iuwi ang anak ko."
Bago siya tumalikod nagsalita na ako.
"Masaya ka ba?"
"Ha? Ano ibig mong sabihin?"
"Naging masaya ka ba nung lumayo ako?"
Ilang minuto ding walang umimik sa amin patuloy sa pagtiti-tigan.
"Di bale na, kalimutan mo na lang yun. By the way I'm happy for you. Siguro masaya din ang pamilya mo lalo na ang kuya mo kasi nagkapamilya ka at lalaki pa ang nakatuluyan mo." sabi ko habang papalapit sa kanya
"Pak!"
"Ang Tanga! Tanga mo."
Ako pa ngayon ang tanga! Ang sakit nun ah, mabigat pa rin ang kamay niya.
"Bakit mo ako sinampal?"
"Kasi ang Tanga mo, wala kang kwenta, sabi mo, di mo ako iiwan, mamahalin mo ako, hindi ako masasaktan. Pero pero.."
Humagul-gol na siya sa pag-iyak, bakit ganoon parang kasalanan ko pa. Parang may nagawa akong malaking mali. Minahal ko naman siya di ba? Binigay ko ang mundo ko ang buhay ko para sa kanya. Ipinaglaban ko naman, I tried so hard to make it work pero in the end ako ang nasaktan at siya ang nagkamali.
Sinubukan ko siyang hawakan sa mukha para patigilin na din, ayaw na ayaw ko kasing nakikita siyang umiiyak but I didn't do it kasi..
"Ako na ang may kasalanan pero sana maamin mo din na may mali ka din. Hindi lang ikaw, ako din nasaktan, sobra-sobra pa nga. Bye."
I immediately went inside kapag nagtagal pa ako hindi ko na mapigilan at bumalik pa ang loob ko sa kanya.
"Eto na pala yung magaling kong kapatid eh. The perfect daughter."
"Not now Andy, bigyan mo naman ng konting respeto si Dad."
"Okay okay sorry pero matagal din niya akong pinahirapan kundi dahil sa mga nakilala ko baka nabaliw na ako. Anyway pupunta lang ako sa kwarto ko nakakapagod ang byahe. Babawi muna ako ng tulog. Si AJ pala baka madaling araw na makadating, may emergency lang sa ospital."
"Mabuti pa nga."
Umalis na siya at may bigla na lang bumangga sa akin.
"Ansama mo talaga, kanina sinaktan mo si Inay ngayon naman pina-iyak mo siya. Akala ko mabait ka."
"Alexa!" sigaw ni Liezel
"Nay eh kasi siya eh."
"Tara na iuuwi na kita. Mam Althea, pasensya na po pero kailangan na po talaga namin umuwi."
"O sige mag-ingat kayo, ako na ang mag-aasikaso dito kung may kakailanganin pa."
Lumabas na ang mag-ina, habang papalayo sila, di mawala yung uneasiness na nararamdaman ko.
"Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyong dalawa. Wala din akong paki-alam sa nakaraan niyong dalawa. Pero sana naman kinausap mo yung tao ng maayos, nagkapatawaran sa isa't isa dahil ilang taon kong nakita ang paghihirap nung tao simula ng makilala ko silang mag-ina. Kung ikaw ba naman gahasain, sa tingin mo may lakas loob ka pang palakihin ang anak mo kung ito ang tanging nagpapa-alala sa iyo ng nakaraang pilit mo ng kinakalimutan."
"Tama po ba yung pagkakarinig ko? Ginahasa?"
"Oo di mo ba alam? Akala ko ba magkakilala kayo before?"
"Opo pero wala naman ako nabalitaan na ganun? Kailan po nangyari yun? Sino ang gumawa nun?
"Siguro 5 years ago, mag-six na nga eh, kasabay nun ang pagkabuntis niya at bunga ng pangyayaring iyon si Alexa. Hindi na niya naikwento kung sino ayoko na rin naman ipilit pa sa bata dahil masamang karanasan iyon na dapat ibaon na."
"'Kilala niyo po ba ang ama? Kasal na po ba siya?"
"Sandali nga kaibigan ka ba talaga ni Liezel, bakit yata parang wala kang balita sa kanya."
"5 years ago I left, ever since wala na akong narinig pa tungkol sa kanya, we were not in good terms when we separated."
"Basta ito lang ang masasabi ko sa inyo gusto kong makitang masaya at maginhawa ang buhay nila dahil sila na rin ang naging pangalawa kong pamilya."
Tumakbo ako papalabas ng mansyon, sumakay ako ng sasakyan at pinaharurot ko ito. Sinabi sa akin ni Mrs. Mabini kung saan nakatira sina Liezel at Alexa. Kaya ito ako ngayon nagmamadali. Maraming tanong ang gumugulo sa isip ko. Akala ko masaya ka na pero ako nga yung Tanga.
Hindi ko na alam ang ginagawa ko at ang gagawin ko pero one thing that I am sure of, I still need her in my life.
...................................."Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung saan kami nakatira? Umalis ka na!"
"Will you give me a chance To Love You again?"
Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Seventy- eighth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter.
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...