Alex POV
Kailangan ko ng simulan ang project namin sa Entrep para naman hindi na kami mahirapan kapag pasahan na. Ang sabi sa amin ng prof, small business pero hanggang ngayon wala pa rin akong maisip gusto ko sana yung simple lang kasi yung mga naiisip ko kailangan ng malaking profit pero ang gusto lang naman makita ng professor namin is if kaya namin magtayo ng maliit na business hanggang sa ito ay lumaki.
Mas mabuti sana kung nandito yung ka-partner ko para hindi lang ako ang nag-iisip at nagde-desisyon, baka kasi hindi niya magustuhan.
Martes na ngayon at kararating ko lang sa council room namin, napa-aga yata ako pero ayos na din kasi mas nakakapag-isip ako kapag tahimik mamaya panigurado maraming tao na ang magtatambayan dito. Tinignan ko yung mga notes ko sa class namin para alam ko kung ano muna ang una kong gagawin.
Entrep
Create a small profitable business. (Professor's ex. pastries, catering, printing services, drinks and shakes station, buy and sell of clothes, personalized notebooks,cup, mug etc.)
Work with your partner on the following;
.Submit a simple business plan
.Conduct a survey on the product or services you will offer (Submit to me the data together with the sample business plan)
.Once the business plan and survey is checked and approved. You can start on creating the store
.You will submit a weekly report on all the money that you will received and the money that you will spend (Cash-in/Cash-out).....
Aantayin ko na lang siguro si Liezel makabalik, tsak naman nandito na yun kasi nasalba ko na iyong public market kung saan nagtratrabaho yung tatay niya.
Angkulit nga nung intsik eh, mahirap papirmahan ng kontrata nung pinapunta ko yung sekretarya andaming tanong at may mga gusto pang papalitan pero natapos din naman at close deal na iyon.
7:40 am......................
Hayz ang bilis ng oras, malapit na pala magsimula yung first class ko. Tumayo na ako sa mesa at agad na nagtungo palabas ng room.
*BUMP!*
Aray! ang sakit naman, sino ba kasi itong tata.....
Hindi ko na naituloy yung sinasabi ng isip ko kasi nagulat ako dun sa taong nakabangga ko.
"Ah..ah pasensya na hindi ko sinasadya."
"A-ayos lang, kasalanan ko din naman, ahm? May kailangan ka ba?"
"Ah, kasi kanina pa kita hinahanap sabi naman ng mga kaibigan mo baka nandito ka kaya agad na ako pumunta bago magsimula ang klase natin."
Mga ilang minuto din kaming nagtitigan na parang nag-aantay ng magsasalita.
"K-kasi gusto ko lang sanang malaman mo na nandito na ako at pwede na tayong mag-usap tungkol sa project natin."
"G-ganoon ba, sige pag-usapan na natin, sa totoo lang ayoko pa sana magsimula ng wala ka, baka kasi hindi mo magustuhan yung gagawin ko at mas mabuting parehas natin napag-uusapan. Ahm! Pwede ba tayong magsabay mamayang lunch time? Well its for our project naman no need to worry, malapit na rin kasi magsimula yung class natin."
Agad naman siyang sumang-ayon at niyaya ko na siya na sabay na kami pumasok sa first class.
11:30 am...................
Normal naman ang naging takbo ng mga classes namin, di na nga ako makapag-antay na makasama siya. Ito na lang kasi yung times na nagagawa ko yung kung ano yung gusto ko and right now all I want is to be with her even though the feeling isn't mutual yet. Kanina pa ako tingin ng tingin sa orasan habang yung iba naman ay nakikinig lang sa mga sinasabi ng professor.
"Okay class that's all for today don't forget to read chapters 7 and 8 of your books, I might give a quiz on that next meeting."
Yes! natapos din kala ko mag-extend pa siya.
Inantay ko na lang si Liezel sa labas at sakto naman siya yung last na lumabas.
"Saan nga pala tayo?" agad na tanong niya sa akin
"Nagugutom na kasi ako, kung gusto mo kain muna tayo o pwede din natin pag-usapan yung project habang kumakain."
"Ayos lang naman sa akin, saan mo ba gusto kumain?"
Sinabi ko na lang sa kanya na ako ang bahala, naisip ko din kasi na ilibre ko na lang siya. Dinala ko siya sa isang restaurant near the campus and I started to order, nung una nga sabi niya siya na daw ang bahala pero matapos ang ilang beses na pangu-ngulit ayon pumayag din. Got the number for our order ise-serve na lang daw, serving time is 10-15 minutes.
Nakabalik na ako sa pwesto namin, wala masyadong tao ngayon kasi pinasara ko talaga itong place para sa amin lang well hindi naman buong place yung second floor lang, ayos nga yun walang istorbo.
"May naisip ka na ba sa project natin?" tanong niya habang papa-upo ako
Aba project agad parang gusto yata nitong matapos namin yung project as soon as possible. Di bale ako na bahala.
"May mga naisip na akong small business na pwede nating gawin, pero kung may suggestions ka let me hear it first."
"Pwede tayong mag-business ng damit, marami kasing kakilala si inay sa divisoria, kausapin lang daw natin tsak makakakuha tayo ng discount kapag maramihan ang kinuha natin."
"Buy and sell ng damit, maganda din naman yan kaso isipin mo yung mga tao ngayon marami ng pinagbibilhan ng damit, nauso na kasi yung mga tiangge kaya marami kang ka-kompetensya sa field na yan.
"Paano kung food business na lang, pwede tayong magtayo sa isang small area, pero kailangan muna natin isurvey let say sa mga studyante kung ano ang swak sa budget nila na hindi pag-sasawaan, parang yung nangyari sa potato corner, alam natin na marami ng establishments na nagtitinda ng fries pero sila nagawan nila ng paraan na lagyan ng iba't-ibang flavor yung fries para mas bumenta."
"Maganda din naman yang naisip mo, pero most food establishments hindi nagtatagal, usually 2-3 years lang yan dipende na lang kung meron kang putahe na nag-iiba at di nakakasawa."
"Ahm, Alex, kanina pa kasi ako nag-susuggest wala ka rin naman yatang gusto, ikaw ano ba ang naisip mo?"
"Sorry, hindi naman sa ayaw ko, sa totoo lang maganda naman talaga iyang naisip mo pero kasi yung gusto makita dito ng professor natin is kung mapapalago mo siya at mapapatagal. We could start a small flower shop, hindi yun mawawala sa mga Pilipino, sa bawat okasyon meron yan mapa-valentines man o araw ng mga patay. Magandang regalo din ang mga bulaklak. So what do you think? Okay ba?"
"Okay lang naman yan pero saan tayo kukuha ng mga bulaklak, hindi basta-basta lumalaki yan sa tabi-tabi."
"Don't worry I'll handle that but first let me ask you this, anong pangalan ng store natin?"
Tinignan ko lang siya, ilang minutes na katahimikan ang nakalipas
"Beautiful Bouquet"
Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Fifty Third chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...