Liezel POV
I didn't mind people making fun of me before, kahit nga anong sabihin nila di ko pinapansin pero bakit ganoon yung nararamdaman ko para bang nahihiya ako na ewan. Thankful din naman ako kasi simula noon hindi pa ako nilalapitan ni Chelsea, ang buong akala ko kasi pagnakarating na kami sa bahay nila aawayin at sisigiwan niya ako, don't worry guys kapag ginawa naman niya iyon sasagutin ko siya at di ko hahayaan apihin lang ako, palaban yata ito.
Ilang araw na rin ang nakalipas pero ni imik o utos mula sa kanya wala akong narinig kahit nga lait o yung pagtawag niya man lang Inday wala.
"Uy! Anong iniisip mo diyan?" biglang tanong ni Ange
"Alam mo Ange papatayin mo yata ako sa gulat."
"Eh! Ikaw kasi para kang nasabugan ng problema sa lalim ng iniisip mo. Ano nanaman kasi iyan?"
"Di ka ba nagtataka Ange? Ang tahimik ng grupo ni Chelsea ngayon, pati nga yung mga taong nakakaalam ng nangyari noon tumigil na sa pang-aasar at pagkwe-kwentuhan."
"Ayaw mo ba yun? Hindi ka na ang pinagchichismisan nila di tulad nung mga nakaraang araw, kung makatingin at makapagsalita sila para kang may mali at kahiyahiyang ginawa. Nahalikan ka lang naman ng isa sa pinakasikat, pinakamayaman, pinakamatalino, pinakaseryoso, pinakacharming, pinaka....."
Bago pa siya magsalita ulit inunahan ko na siya.
"Oops! Tumigil ka nga, ang dami mo naman sinasabi tungkol dun sa tao, para kang taong inlove diyan sa itsura at pananalita mo." pangloloko ko.
"Baliw! Lahat naman kaya ng tao dito sa university ganyan siya idescribe, dahil yun din naman ang totoo. At isa pa may boyfriend kaya ako!"
"Talaga! Teka! Teka! Bakit ngayon ko lang nalaman yan?" gulat na tanong ko kay Ange
"Well! For your information Long Distance Relationship kami but our relationship is getting stronger every day. His name is Jeffrey Tan, nasa China siya this week for a business trip tapos babalik na siya sa US dun kasi nakatira at yung business nila."
"Dun din ba siya nag-aaral? Paano kayo nagkikita at nagkakausap?" sunod sunod na tanong ko
"Si Jeffrey kasi mas matanda sa atin ng dalawang taon, pero kumukuha siya ng MBA doon patapos na nga daw siya, 2 years ago dito din siya sa university pumapasok freshman pa lang ako noon, nagkakilala kami and from there naging kami and besides our parents knew each other back from the day kaya walang problema sa relationship namin. Ilang years pa lang naman ang LDR namin pero we always have time to talk using our phones, skype, messenger ganoon and kapag may oras siya he will get on the plane and travel long hours just to see me.
"Ang sweet naman, buti ka pa, make sure na ipakilala mo siya sa akin para naman makilatis ko."
"Aba! Mas malala ka pa sa parents ko ah, hahahaha tsaka matagal na kami kaya mabait yun at loyal pa. Wag ka magalala kapag bumalik siya dito sa Pilipinas ipakikilala kita."
"Ange sa US siya nakatira di ba bakit hindi mo ba siya mapuntahan kahit pag bakasyon?"
"Uy! Ano ka ba malayo pa din kaya yon, di lang basta basta ang pagtra-travel noh, although ginawa ko naman na, last year christmas pumunta kami ng US for vacation kaya nagkaroon kami ng oras magcelebrate."
"Nako tara na nga patapos na itong lunch break natin, may next class pa tayo, yung booth pala dadaanan pa ba natin?
"Mamaya na lang after class, may iniwan naman na kasi akong trusted member."
"Trusted member talaga, sige tara nga."
After class hours......
"Liz, lets go para makadaan muna tayo sa booth bago umuwi baka nga marami na ulit nagsign-up."
"Sure, maaga pa naman kaya samahan na kita."
Nagtungo na kami ni Ange sa booth ng Red Cross. Naisip ko na tumanggi kanina kasi nga baka kailangan ng tulong ni inay sa bahay pero naalala ko na member ako ng organization ni Ange kaya nakakahiya naman kung wala man lang akong participation. Malapit na kami...
"Liz mauna ka na sa booth may nakalimutan pala ako dun sa taas."
"Antayin na lang kita."
"Sige na punta ka na at sabihan mo sila pwede na mauna yung iba tapos tayo na lang ang bahala magbantay."
"Okay bilisan mo ah!"
Nakarating na ako sa booth namin ngayon ko lang din napansin na katabi namin ang booth ng mga cheerleaders. Kinumusta ko na sila tungkol sa mga forms na nakuha namin.
"So far marami-rami naman na pero mas marami pa din nung first day." sabi nung isang nagbabantay sa booth
"Sino ba naman kasi ang sasali sa ganyanng organization, magastos lang yan." lahat kami biglang napatingin doon sa taong nagsalita
"Hoy! Bakit anong pinagsasasabi mo diyan, mas magastos nga yang org niyo wala naman naitutulong." sabi naman nung isa kong kamiyembro
"Naitutulong, excuse me our team has been winning ever since, and making a name for this school in the community." sagot naman nung isang babae
"Aba, itong mga babaeng ito kung makapagsalita parang may halaga, eh puro ganda lang naman kulang sa brains."
"Hello!!!! Thank you kasi you all recognize na maganda kami but let me tell you hindi naman siguro kami makakapasok dito kung wala kaming brains, kayo nga itong kulang eh!"
"Oo nga di ba hahahaha kulang sa pera." sabi naman nung isang lalaki sa likod
Patuloy sila sa pagtawa nakisama na rin yung ibang miyembro sa loob ng kabilang booth na lumabas na din. Gusto ko na silang pigilan dahil nakakahiya na doon sa mga taong kanina pa gustong lumapit at magsign-up at isa pa nakakaasar na rin yung mga nasa kabila sila naman talaga ang nagsimula kung ano-anong masasakit na salita ang mga pinagsasasabi. Di bale na nga, gagawin ko na lang para makauwi din kaming lahat agad at para di na umabot ito sa mas malaki pang gulo.
"Guys tama na yan pabalik na din si Ange at alam kong hindi niya magugustuhan kung malaman niyang nakikipag-away tayo. Nakakahiya na doon sa ibang mga estudyante na gustong sumali. Huwag niyo na lang silang pansinin para matapos na din tayo for the day." sabi ko habang papalapit sa kanila
"Eh! Sila naman ang nagsimula bakit kami ang titigil, sila ang kausapin mo."
"Sige na bumalik na kayo sa loob. Ako na ang bahala dito."
"Ano nangyayari dito?"
Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong twenty-fourth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...