Chapter 2- Inday

6K 137 0
                                    

Liezel POV

*Knock! Knock! Knock! Knock!*  

"Hoy! Inday tumayo ka na diyan kanina ka pa hinahanap ni Papa sabi niya sasabay ka daw sa amin ni Kuya."

*Knock! Knock! Knock! Knock!*  

"Pwede ba bilisan mo, nagmamadali kami ayoko ma-late sa first day ko."

Arghh!!!!! Argh!!! ano ba naman itong babae na ito sobrang ingay, gising naman na ako naliligo lang  kaya hindi ko marinig yung mga sinasabi at pinag-gagagawa niya makapagbihis na nga ng matigil na, nakakabingi din kasi ang boses niya.

"Uy ano ba?"

"Ito na po nagbibihis lang po maam, bibilisan ko na po, mauna na po kayong kumain at susunod na po ako."

"Siguraduhin mo lang, ewan ko ba kung bakit ako ang inutusan ni Papa para tawagin ka andami-dami naman naming mga katulong, hayzzz!.... nakakairita bilisan mo na lang babalik na ako sa baba."

" Opo maam."

Hi! Bago ang lahat yung babaeng sigaw ng sigaw at katok ng katok sa pintuan ay ang mataray na anak ng amo namin ni Inay. Ewan ko ba kung bakit ganun siya sa akin palagi na lang akong inaaway at tinatarayan simula ng makarating ako dito sa bahay nila. 

Liezel Jenny Guinto you can all call me Liz or Inday yan kasi ang nickname sa akin sa baryo kung saan ako nakatira pero guys I would prefer you calling me by Liezel or Liz lang kasi pamilya ko lang at taga-baryo ang tumatawag sa akin nun at nakatira na ako sa siyudad baka iba ang isipin nila. Nagiisang babae out of 4 brothers and yes ako ang prinsesa nila kaya ang mga magulang ko ay strikto sa akin. Ang tatay ko ay may maliit na pwesto sa palengke, gulay at prutas ang kanyang itinitinda na galing pa sa probinsya namin. 

Ang mga kapatid ko naman ay may mga sari-sarili ng pamilya pwera siguro kay Kuya Miggy na hanggang ngayon wala pang asawa at trabaho, minsan tumutulong siya kay itay lalo na at kinukuha nila ang mga paninda sa probinsya kung baga siya ang taga-maneho ng maliit na jeep. 

Ako naman maswerteng nakapagaral dito sa Manila kasi nabigyan ako ng scholarship mula sa skul na papasukan ko ngayon at buti na lang din pumayag ang pamilyang pinagsisilbihan ni inay na manirahan ako dito pero syempre tumutulong din ako dito sa bahay nila dahil nga nagbibigay din ng allowance si Sir para daw may pang gastos ako sa eskwelahan. 

Last year ko na sa college at Business Administration ang kinukuha ko naisip ko kasi na ipagpatuloy iyong tindahan ni itay alam ko maliit lang iyon pero darating ang panahon at lalaki din ito at ako ang mag-mamanage, oo guys last year na, siguro nagtataka kayo kung bakit ngayon pa ako lumipat kung kailan malapit na ako magtapos sa kolehiyo, pano ba naman kasi sabi ng amo ni inay maganda daw kung dito sa Manila ang eskwelahan na papasukan ko mas may chance daw na ma-hire agad ako sa work pero don't get me wrong guys wala sa skul yan naniniwala ako sa kasabihan na iyon, nasa pagsisikap yan bilang indibidwal. Makulit nga lang sina Inay at Itay kaya sinunod ko na wala din naman mawawala sa akin kasi bukod sa walang babayaran may nakukuha pa akong pera para sa pang-gastos ko sa araw-araw.

"Anak, kanina ka pa inaantay sa baba sumabay ka na daw kumain na makaalis na rin kayo nina maam Chelsea at sir Tristan baka mahuli pa kayo sa skul." 

"Opo nay, patapos na din ako inaayos ko lang itong mga gamit na dadalhin ko."

Itong babaeng nag-aayos ng kama ay ang inay ko, matagal na din siyang naninilbihan dito naitaguyod niya ang ibang mga kapatid ko at ang pwesto namin sa palengke sa pagiging kasambahay at proud ako sa kanya kaya gagawin ko ang lahat makatulong lang sa kanilang dalawa ni itay.

"Nay! ako na po diyan sa ibang aayusin, bumaba na po kaya baka may kailangan pa po sina sir."

" Siya sige anak mauna na ako dalian mo na lang diyan para di ka masungitan ni maam alam mo naman ang batang iyon."

"Sige po nay."

Pagkalipas ng sampung minuto ay bumaba na din ako kaso napansin ko na sina maam Chelsea at sir Tristan tapos ng kumain at naghahanda na umalis.

"Liezel iha, kumain ka muna dito bago ka pumasok sa eskwelahan masamang walang laman ang tiyan baka di ka makapag-isip ng maayos." ani ni maam Beth.

"Naku maam di na po baka mahuli po kami, kakain na lang po ako sa eskwelahan." 

"Sige mauna na kayo, magingat sa pagdra-drive Tristan dalawang magagandang dilag ang kasama mo." sabi naman ni sir Antonio.

Pasakay na ako ng sasakyan ng tinawag ako ni Inay at inabot ang baon kung pananghalian at nagbigay din ng kaunting pera para pamasahe ko na rin siguro pauwi mamaya. Sabi ko naman sa kanya na meron pa akong allowance na galing kay sir Antonio pero sabi niya dagdag daw itong binigay niya kung may matira man daw ay ipon ko na.

"Inday bilisan mo nga at may morning meeting pa kami ng grupo ko."

"Opo maam, pasensya na po. Maam Chelsea pwede po bang Liezel na lang ang tawag ninyo sa akin o di kaya Liz na lang kapag nasa skul po tayo o sa labas, yung Inday po kasi palayaw lang sa akin ng Inay at Itay ko nung nasa baryo kami. Kung ayos lang naman po."

"Aba! Wala ka ng pakialam kung ano man ang tawag ko sa iyo, katulong ka lang naman na nakikitira sa amin, kaya wag mo ako pangu-ngunahan."

"Pwede ba Chelsea tumigil ka na nga sa kaingayan mo di na ako makapag-concentrate dito mamaya mabangga tayo, tawagin mo na lang siyang Liezel yun naman ang pangalan niya na matagil na ang kaingayan niyo." galit na sabi ni sir Tristan.

Nanahimik na si maam Chelsea, binuksan na lamang  niya ang radyo para pangbasag sa katahimikan na nagaganap at nakinig na lang ng musika. Sila ang mga anak ng amo namin ni Inay, yung babaeng nakaupo sa may harapan ko ay si maam Chelsea fourth year na rin sa college at yes parehas din kami ng kurso  ganoon din ang Kuya niyang si sir Tristan dahil sila ang inaasahan ng amo namin na magpatakbo ng business nilang shipping company. Head cheerleader si Chelsea at sikat sa skul dahil nga maganda rin naman siya yung nga lang once na magsalita na siya eh matuturn -off ka talaga dahil sa kasungitan at kaartehan. 

Si sir Tristan naman ay captain ng basketball team ng eskwelahan na pinapasukan ko kasali sila sa UAAP at sikat din dahil napakagaling ng team nila at di naman maitatangging may itsura naman siya pero sorry guys di ko siya type ayoko sa mayabang, presko na tao.

 Dapat nakagraduate na siya last year kaso na-involve sa isang  malaking away kaya ayun na-suspend ng isang taon buti nga lang ay pinayagan pa rin siya magstay sa basketball team at maging captain nito. 

Malapit na kami sa papasukan kong eskwelahan bagong environment, bagong teachers, bagong activities, at bagong friends, sana nga lang ay maging maayos ang last year ko sa college syempre sana memorable din.


Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong second chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)  



I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon