Liezel POV
Kinagabihan nakapagluto na ako ng hapunan ngunit wala pa din ang mga magulang namin. Umalis kasi sila kanina at sabi gagabihan daw dahil nagyaya yung kasama ni Itay na tindero sa palengke subalit meron na akong ideya kung bakit sila wala at may kinalaman iyon sa biglaang pag-uwi namin dito. Naghahain na ako sa mesa ng mapadaan yung mga bata.
"Huwag kayo dito maglaro at magharutan baka makabasag kayo. Sige na maghugas na kayo at kakain na rin tayo. Julio pwede mo bang tawagin sina Lola Fely at Alex para makasabay na rin kayong kumain sa amin. Marami-rami din itong naluto ko."
"Sige po Ate, ako na po ang bahala."
Papalabas na si Julio ng maalala ko iyong nangyari kanina, baka lalo lang magalit si kuya.
"Teka Julio!"
Agad namang tumigil sa paglalakad si Julio at humarap sa akin.
"Hayaan mo na lang, dadalhan ko na lang kayo sa kabila ng pagkain, sige na mauna ka na doon at baka hinahanap ka na ni Lola."
Makalipas ang ilang minuto.....
Tinawag ko na ang mga kapatid ko pati na rin ang pamilya nila para kumain na tsak maya-maya pa dadating sina itay at inay, mabuting mauna na kami, halata rin namang gutom na yung mga bata. Inasikaso ko naman yung binalot kong mga pagkain para kayna Alex sa kabila at dadalhin ko na muna bago ako makisalo sa mga kapatid ko.
"Oops! San ka pupunta? Gabi na at balak mo pang lumabas na ikaw lang mag-isa." biglang pansin naman ni Kuya Miggy
"Oo nga bunso bukas na lang yan at gabi na din mahirap na kababaeng mong tao nasa labas ka pa." dagdag pa ni Kuya Juan
"Malapit lang naman po ang pupuntahan ko at kilala niyo naman sila kaya walang magiging problema."
"San ka ba kasi pupunta? Sino naman yan pupuntahan mo at Bakit? sunod-sunod na tanong ni Kuya Jeff
Ano ba yan andami naman nilang tanong, hindi sila ganito sa akin dati ah oo alam ko ako ang bunso at ang nag-iisang anak na babae sa pamilya pero malaki na ako para sila maging over protective ng ganito.
"Uy! Tinatanong ka namin." sabat naman ni Kuya Miggy
"Kay-kayna Lola Fely." mahina kong sagot
"Liz naman! Di ba sinabi ko na sa iyo layuan mo na yung taong yun bakit ikaw pa mismo yung lapit ng lapit! Hindi maganda tignan. Dito ka lang walang lalabas!" pagalit na sabi ni Kuya Miggy
Sabi na nga ba magagalit siya, kaya nga ayokong sabihin kanina nagpumilit lang naman sila eh!
"Kuya! Ibibigay ko lang naman kayna Lola itong pagkain na niluto ko, kasi marami naman ito kaya naisipan kong ishare sa kanila. Babalik din ako agad dahil iaabot ko lang itong lalagyan."pagpapaliwanag ko
"Hayaan mo na siya Miggy, iaabot lang pala niya wala naman masamang intensyon yung bata, kayo naman mga kuya para pinapalaki niyo lang yung isyu." sabi ni Ate Shirley asawa ni Kuya Juan
"Kasi naman Ate kung hahayaan lang natin siya mas makakasira sa kanya iyon. Mabuti na habang maaga lumalayo siya sa mga katulad nila na sa...."
"Ano nanaman iyan? Nasa harap kayo ng grasya tapos nagaaway-away kayo. Magsitigil kayo at masama yan baka ipagkait ng Panginoon sa inyo yan at wala na kayong makain."
Nagulat kaming lahat sa narinig namin at sabay-sabay kaming napatingin dun dun sa taong nagsalita.
"Lolo!" sigaw naman nung pinakabatang pamangkin ko.
"Tama ang sinabi ng Inay niyo. Nawala lang kami ng sandali tapos madadatnan namin kayong nag-aaway. Huwag naman sanang umabot na babalik kayo sa kanya-kanyang buhay niyo na may sama ng loob sa isa't-isa."
"Hala sige kumain muna kayo diyan at pag-usapan natin kung ano man iyang pinag-aawayan niyo, kay lalaki niyo na para pa rin kayong mga bata." sabi ni Inay
"Nay, kumain na po kayo ni Itay may pupuntahan lang po ako saglit."
"Pagsabihan niyo yan gabi na lumalabas pa din mag-isa." singit naman ni Kuya Miggy
"Anak saan ka naman pupunta?" agad na tanong ni Itay
"Diyan lang po sa kapit-bahay nakapangako kasi ako sa bata na dadalhan ko sila ng hapunan dahil nga nagluto ako ng marami, babalik din naman po ako pagkatapos kong maiabot itong lalagyan."
"Sige na anak ibigay mo na iyan at masama din namang pinag-aantay ang grasya."
Lumabas na ako ng matapos magsalita si Inay, napansin ko naman na parang tahimik yata sa kanila. Kumatok ako at mabuti na lang si Lola ang nagbukas baka kasi may masabi nanaman sina Kuya kapag si..
"Teka magandang gabi Lola Fely, kayo lang po ba ni Julio ang nandito? Si Alex po?"
"Magandang gabi din Liezel, naku yung batang iyon hindi man lang nakapag-antay para magpaalam basta na lang umalis ngunit nag-iwan naman siya ng sulat."
"Magpaalam? Di ba po ayaw pa niyang bumalik?"
"Ang sabi lang naman dito sa sulat ay babalik na daw siya ng maynila at malamang nag-aalala na ang pamilya niya dahil nga walang nakakaalam na nandito siya sa Zambales." ani ni Lola Fely
Bakit kaya niya naisipin na bumalik na? Akala ko nga magtatagal pa siya dito.
"Sige di bale na lang po Lola, alis na po ako, bukas ko na lang po babalikan yung lalagyan. Sana po magustuhan niyo iyang luto ko."
Matapos kong iabot ang lalagyan naglakad na ako pabalik sa bahay. Pagdating ko, halos sa kanila ay patapos ng kumain, agad-agad naman akong pumunta sa mesa para makakain na din.
"Liezel pagnatapos kang kumain, punta ka muna sa sala at may pag-uusapan tayo. Ako na bahala mag-ayos ng kinainan." sabi ni Inay
Sandali lang at natapos na din ako, pinuntahan ko na sila at halatang mayroon silang seryosong pinag-uusapan.
"Liezel anak mabuti at nandiyan ka na, ayusin mo na ang mga gamit mo at babalik na tayo sa maynila."
"Pero ma, naayos na po ba ang problema ni Itay? Pwede pa naman po ako magtagal dito, makakahabol naman po ako sa eskwelahan pagbalik."
"Huwag mo ng alalahanin pa iyon anak, okay na ang lahat."
Iyon na lang ang nasabi nina Itay at Inay, okay na.
Sinunod ko na lang sila at dali-daling nag-impake. Mukhang napaaga yata ang pagbalik ko. Tapos yung isa naman nauna pa sa akin, dapat pagbalik ko matulungan ko na siya sa project namin kasi hanggang ngaun wala pa kaming nasisimulan.
Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Fiftieth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...