Chelsea POV
Saan ka ba nakatingin Alex? Kanina pa ako nagsasalita dito pansinin mo naman itong effort ko. Sino ba kasi ang tinitignan niya, t-teka s-si Inday!
Kalma lang Chelsea isip mo lang itong kausap mo, pero bakit siya, wala na nga siyang magawang tama kanina tapos aagawin pa niya ang atensyon ng crush ko.
Arghh! kaasar ka talaga Inday lagot ka sa akin mamaya.
Nagpatuloy lang ako sa presentation ko, I think patapos na din ito, siguro a few slides left. Mabuti na lang nakikinig na sa akin si Alex, nagbigay pa siya ng suggestions and comments on the presentation.
Pagkatapos ng Animazing organization ay tumayo ulit si Aaron para ipakilala ang susunod na magsasalita.
"Okay the last organization will be Red Cross Youth Council and we have in our presence the President of the organization together with Ms. Guinto as her assistant" banggit ni Aaron
Aysus bakit ba kasi kasama itong babaeng ito, bago lang siya dito sa university, assistant na siya kaagad ng Red Cross Youth Council President.
😒
Hay! bahala na basta ba wala siyang kalokohan na gagawin buti na lang at wala pang ibang taong nakakaalam na magkakilala kami, nakakahiya kasi anak ng katulong nakapag-aral dito.
After a few minutes........
"For the last part of our presentation I will be giving the mic to Ms. Guinto since she is the one who suggested the activity and she has all the information needed." sabi ni Angela
Naku nabigyan pa siya ng pagkakataon magsalita, at ayun nga napansin ko nanaman ang pagkahumaling ni Alex kay Inday.
Alex naman bakit siya pa, nandito naman ako maganda, matalino at higit sa lahat mayaman di katulad ng chimay na yan.
"I agree with you Ms. Clumsy, huminahon ka lang di naman kita inaaway at di rin naman ako tutol, sinisigurado ko lang na alam mo at ng organization nyo ang mga dapat na gagawin hindi yung padalos-dalos." sabi naman ni Alex kay Liezel para pa ngang nang-aasar.
"Ms. Clumsy? Ms. Antipatika este Ms. President I introduced myself earlier you can call me Ms. Guinto if not you can use Liezel or even Jenny." asar na sagot ni Inday.
😤
Tsk! para pa silang naghaharutan may nickname pa sila sa isa't-isa, humanda ka talaga sa akin Liezel Guinto sa oras na dumating ka sa bahay.
5:00pm.....
Salamat at natapos na din ang meeting, kanina ko pa gustong lapitan si Sweetie.
Mapuntahan na nga, s-sandali nga parang alam ko na ang gusto niyang gawin, pero di mo magagawa yan Alex, sa akin ka lang.
"Sweetie san ka pupunta sabay na tayong umuwi." hinarangan ko siya bago pa niya puntahan ang babaeng iyon.
"Excuse me Chelsea, I have to go."
"B-but gusto lang naman kita makasama at makausap."
"Not now Chelsea, I have other important things to do, so please move out of the way."
"No! No! No! Di ako aalis, ano ba kasi yang important things na gagawin mo, you have been ignoring me for the past few days."
"Can you please stop acting like a spoiled brat, kung gusto mo ako makausap pwede naman natin gawin yan thru phone or next week dito din mismo sa university."
Kaasar ka talaga Alex pagdating sa ibang tao ang sungit at ang lamig ng pakikitungo mo pati ba naman sa akin, di Chelsea don't give up, try to think of another way to get her attention and her time.
Tama! alam ko na. Naalala ko yun nangyari kanina.
"Tinawagan ako ni Mama at ang sabi ay pupunta daw ang dad mo sa bahay for dinner kasama ng mga kapatid mo."
"And?"
"A-a-ano k-kasi sabi sa akin sabay na daw tayong pumunta, alam nila na medyo male-late tayo dahil sa student council meeting."
"Hindi na kailangan pa na magkasabay tayo dahil pwede naman akong sumabay sa kanila or better yet hindi sumama sa kanila for that dinner."
"T-teka bakit naman?"
😞
"I don't want to talk about it, I really need to go Chelsea."
Sigh!!! wala na siya, bwisit talagang Alex na yon di man lang ako pinagbigyan.
Totoo naman na pupunta yung Dad niya at mga kapatid sa bahay pero di sila magdi-dinner doon.
Ang nabanggit sa akin kanina ni Mama Death anniversary daw ni Tita Alice (Alicia Monteverde) ang mother ni Sweetie ngayon, kaya di sila makakapunta sa dinner pero dadaan daw dahil may pag-uusapan sila ni Papa, kahit naman kasi di nag-work yung pinasukan nilang business nung una ay magkaibigan pa rin sila. Look at them now having their own businesses.
After the conversation I had with Alex I went out of the building, pinuntahan ko muna yung squad para masabihan sila about what happen on the meeting.
"Hey! Chels how's the meeting? Did they increase the budget for our upcoming competition?" tanong ni Clara
"Malalaman pa natin next week yung form nga pala na kailangan ng student council paki fill-in na para maipasa kaagad. They told us earlier that as soon as maibigay yung form maibibigay na ang budget sa atin."
"Sure, ako na ang bahala dun by monday ipapasa ko na."
"Thanks Clara."
Nagpaalam na ako sa kanila, sinabihan ko na rin yung iba na magready for the recruitment week dahil nga malapit na rin. Kapag nakakuha na kami ng bagong members we will start working on our routines for the competition. Our squad is the defending champion and we are the best so it is expected that we are going to win again.
6:30 pm.......
"Mama nandito na ako, nandyan na ba si Kuya?"
"O anak welcome home, I just finished cooking your favorite, maya-maya kakain na rin tayo pagdating ng Papa mo at Kuya mo."
So wala pa si Kuya buti na lang kasi kapag nandito yun kakampihan nanaman niya ang Inday na yon. Bago bumalik si Mama sa kusina nagtanong ulit ako sa kanya kung nakauwi na si Liezel. Sabi sa akin ni Mama kararating lang din a few minutes before me.
Lagot ka sa akin Liezel Jenny Guinto, di ko palalagpasin yung mga inasal mo ngayong araw na ito nasira ang presentation ko dahil sa ka-clumsihan mo buti na lang nakapagsimula ulit ako at natapos ko din. Ang pinaka-nakakainis pa yung pakikipagharutan mo sa Sweetie ko.
Hala ano kaya ang mangyayari kay Inday wag naman sana siyang masaktan.
Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong eleventh chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...