Alex POV
"Alex alam kong di ka tumatakbo o umaayaw sa pustahan lalo naman kapag naka-pangako ka." pango-ngonsensya ni Albert
"Naku Al tigilan mo na nga yan, hindi naman kasalanan ni Alex na matapat yung meeting with different school organization sa Friday." pagtatanggol ni Max sa bestfriend.
"Alam ko naman yun labs, kaso kasi naka-ready na ako for our anniversary kaya gusto ko sana after the class that day makaalis tayo kaagad kasi medyo malayo-layo yun." ani ni Albert.
" Al labs, pwede naman yung simple celebration lang di na natin kailangan lumayo at isa pa marami pa naman oras after the meeting, kailangan lang talaga kasi start na ng recruitment next week." sabi ni Max kay Albert.
" Ah basta! Si Alex ang kailangan nila doon hindi ikaw labs kaya tuloy ang alis natin after school."
"Hay! Labs naman ang kulit, sige hihiwalayan na kita." pananakot ni Max
😨
"Hu..Hu..wag ka naman magbiro ng ganyan labs." nauutal na sabi ni Albert
Mabuti pa at kausapin ko na itong dalawa baka mauwi pa sa totoong away at mahirapan pa ako mamaya.
"Guys itigil niyo na nga yan, yes I made a promise na ako ang aattend ng meeting and I will honor it."
"Hindi Alex uuwi ka sa inyo after class you don't need to do this." sabi ni Max.
"Yes! Thanks Alex bait talaga ng bestfriend namin." masayang sabi ni Albert sabay tingin sa kanya ni Max ng masama.
"Ayos lang yun Max, at isa pa anniversary niyo yun biruin mo 4 years na kayo, dapat talaga icelebrate ng todo ni Albert yan kasi yun yung araw na sinagot mo siya."
Natahimik din silang dalawa, at sinabi ko din sa kanila na pwede ko naman kausapin si Dad wala naman problema hahabol na lang ako kung sakali at tsak magiging okay lang kay Dad yun dahil school related naman. Para di na nila muling pag-awayan yung naging desisyon ko tinanong ko na lang sila kung ano pwede kong gift sa anniversary nila matagal ko na rin naman kasama itong dalawang love birds na ito.
"Gift? Naku wag na Lex basta ba okay na kami ng labs ko sa friday" sabay tingin niya kay Maxene.
"Yes Gift, appreciation na rin ba dahil matagal ko na kayong kasama at isa pa lagi kayong nandyan kapag kailangan ko kayo. Kahit ano basta ba kaya ko eh."
Tinignan ko din si Max at bigla na lang niyang sinabi na okay na sila pero since nagtanong daw ako eh kantahan ko na lang daw sila.
" Oo nga noh! Pwede yun Alex kahit ano basta ba kumanta ka eh, kailan nga ba namin huling narinig kang tumugtog at kumanta?" patanong na sabi ni Albert.
"Sige na Lex pleeaase!! Tsaka banggit mo kanina kahit ano basta kaya mo. Madali lang naman para sa iyo ang tumugtog lalo na kumanta noh!" sabi ni Max.
Pagkalipas ng ilang minutong pag-iisip di na ako tumanggi kahit na di ko ginagawa ito, konti nga lang ang taong may alam na kumukanta at tumutogtog ako.
Nagsimula na akong kumanta, at habang ginagawa iyon napansin kong ang mga mata kanina pa nakatingin sa akin, alam ko lahat ng tao sa cafe ay nakatingin sa akin pero itong particular person na ito di ko alam kung bakit pero yung mga titig niya parang kakaiba.
*Dub!*-*Dub!*
Hala! Ano ito? Bakit ganito? Tumigil ka nga tuloy mo lang at pagkanta at pagtugtog wag mong pansinin kong ano man yan. sabi ko sa sarili ko.
I just want you to know who I am .......
Narinig ko na lang ang palakpakan ng mga tao sa paligid ng matapos ako. Bumalik ako agad sa table namin at sabi ko sa mga kaibigan ko na last na yun, at tumawa na lang sila ng malakas. Pagkatapos namin kumain sa cafe ay napag-desisyonan na namin bumalik sa university para kunin ang mga sasakyan namin.
"Alex ako na bahala dito sa labs ko, ihahatid ko na sya sa kanila buti na lang pala di sya nagdala ng sasakyan." pabirong sabi ni Albert.
"Siraulo ka talaga Al labs, sige Lex bukas na lang ingat sa pagdridrive." ani ni Max.
Nagpaalam na din ako sa kanila at pumasok sa loob ng sasakyan. Grabe ang first day ko angdaming nangyari pero si Ms. Clumsy parang di mawala sa isip ko.
Sino ka ba talaga? Bakit ganito ang epekto mo sa akin?
................................................................................................................
Liezel POV
"Doon niyo na lang ako ibaba sa harap ng subdivision Ange."
"Naku di pwede yan Liz baka kung ano pa ang mangyari sa iyo. Kaloka naman ang traffic, sabagay rush hour ngayon." ani ni Angela.
Sabi ko sa kanya siya na ang bahala nakakahiya nanaman tumanggi, siguro okay na din kasi malayo pa sa gate ng subdivision yung bahay ng mga amo ko, tsak magtatanong din siya kapag nakarating kami doon. Tuloy lang ang pag-uusap namin tungkol sa skul medyo naudlot kasi kanina dahil nga biglang may kumanta na antipatika kaya lahat ng tao sa paligid tahimik at nakikinig lang sa kanya.
Pagkalipas ng 30 minutes.......
"Dito ako nakatira, maraming salamat sa paghahatid Ange."
"Walang anuman, mayaman pala kayo ang laki ng bahay niyo."
"Ay! Ange di ko ito bahay ang may-ari nito ay yung amo ng inay ko. Ayos lang naman sa iyo yun di ba?"
"Ha? Ano ka ba? Wala ako pakialam kahit anong estado mo sa buhay nagsimula din naman ang pamilya namin sa hirap pero nagsumikap sila para di maranasan ng mga magiging anak nila ang naranasan nila. Cool lang sa akin yun biruin mo working student ka pala."
Masaya ako sa sinabi ni Ange, mabait talaga siya. Pinaalala niya sa akin yung pagsali ko sa org niya, sana daw within the week makapagdecide na din ako kasi may meeting sila this friday gusto niyang samahan ko siya. Sabi ko naman pagiisipan ko kasi nga din nagtratrabaho ako tapos pumapasok kaya di ako sure kung may oras pa ako sa mga school organization.
Nagpaalam na siya sa akin at babalik na papasok ng sasakyan nila.
Ahm? 🤔
Itatanong ko ba sa kanya? Ah! Di bale na nga wala lang siguro yun bwisit na antipatika yun.
Nakaalis na yung sasakyan nina Ange at nakapasok na din ako sa loob.
Grabe talaga ang araw na ito angdaming nangyari pero puro yata kamalasan kasi ilang beses ako nabangga at napaupo. Lampa na ba talaga ako? hahaha! Hay! naku kasalanan lahat ito nung babaeng iyon. Bakit ba siya lagi? Sa dinami dami ng mga nag-aaral doon siya pa. Pero maganda ang boses niya at magaling siyang tumugtog ng gitara di nga lang halata palagi kasing nakasimangot.
Ayts!! Makalimutan na nga yung taong yun madami pa akong gagawin.
Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong seventh chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...