Chapter 74- 5 Years Later

1K 39 0
                                    

5 Years Later.....................

Liezel Pov

"Anak wag ka masyadong maglaro alam mo na mahina ang katawan mo."

"Opo inay dito lang po ako sa labas magbabasa ng libro."

"Dadating ang Lola Nanay at Lolo Tatay mo, maligo ka na rin maya maya."

"Sige po tapusin ko lang po ito."

Its been 5 years alam ko po matagal-tagal din kami di nagpakita, nagulat ba kayo na nagkaanak na ako pero ganoon talaga. Mabilis dumaan ang araw, ang taon. Kamusta na kaya siya? Wala na rin naman akong balita sa kanya o kahit sa mga kaibigan niya.

"Nay Jen nandito na po sina Lola Nanay." sigaw ng anak ko

Lumabas ako mula sa kusina at nakita ko nga sila yun nga lang hindi nila kasama ang Kuya ko.

"Anak magmano ka sa kanila at maligo ka na, kakain na rin tayo."

"Babye Lola Nanay at Lolo Tatay maliligo lang po ako."

Tumakbo naman papuntang banyo ang bata at nilapitan ko sina Inay sa sala matapos nilang maupo.

"Kamusta na kayo ng apo ko? Pasensya na at ngayon lang kami nakabisita medyo matumal ang benta sa palengke kayo itong nanay mo sumasideline."

"Ayos lang po itay, kumpleto naman po ang mga kailangan niya hindi po ako nagkukulang, at yung pinapasukan ko naman po sapat ang sahod kaya walang problema. Paano nga po pala kaya nakarating dito?"

"Hinatid kami ng Kuya Miggy mo."

Hindi na ako nagtanong pa ulit kasi alam ko na rin naman ang sagot. Si Inay alam kong medyo galit pa din sa akin pero hindi ako matitiis lalo na at natutuwa siya sa apo niya.

"Pumapasok ba sa eskwelahan ang bata?"

"Opo inay nakabakasyon lang ngayon. Ngunit sa darating na pasukan ienroll ko ulit sya. Malapit lang po yung public school dito."

"Mabuti at gusto ko kahit siya man lang ay matapos sa pag-aaral." seryosong sagot ni Inay

Narinig ko ang pagbubukas ng pinto sa banyo.

"Nay Jen pwede po paabot ng twalya?"

Agad ko naman siyang pinuntahan.

"Ikaw talaga Alexa Jen Guinto di ba sabi ko bago ka pumasok sa banyo make sure na nadala mo yung towel mo. Paano kapag lumabas ka dyan at tumulo ang tubig sa buhok mo baka may madulas."

"Sorry po nay."

Pinunasan ko siya maigi at iniabot ang damit na pamalit.

"Talaga pa lang tinuloy mo ang pagpapangalan sa anak mo, hindi naman ako nagkulang sa pagpapaalala sa iyo na kalimutan mo na ang lahat ng nangyari sa maynila at magsimula na lang ulit sa atin pero.."

"Nay ito nanaman po ba tayo, wag po sana dito sa loob ng bahay nandito po ang anak ko."

Hindi pa kami nagkausap ni Inay, kumain lang sila sa amin at kinausap ang apo nila. Ilang oras din ang nakalipas at nagpaalam na sila sa amin.

"Liezel mauna na kami ng Inay mo nasa labas na din ang Kuya Miggy mo nag-aantay."

"Sige po tay at nay mag-iingat po kayo sa byahe."

Hay bakit ba ganito?

"Nay Jen ok lang po ba kayo? Namiss niyo po ba agad sina Lola Nanay at Lolo Tatay."

"Ang baby ko talaga, alam mo kahit na nagkaloko-loko man ang buhay ko ikaw ang tanging nagpapasaya sa akin."

"Nay Jen wag ka mag-alala hindi kita iiwan at aalagaan kita."

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon