Alex Pov
"Ako na ang mag-aasikaso sa libing at burol niya."
"Sige po sir, sabihan ko na lang po ang kapatid niyo, yung ticket niyo po pala." sabay abot sa akin
"Maureen bakit one way lang ito?"
"Ah eh sir hindi ko po alam kung kailan pa po kayo makakabalik, wala rin naman po kayong nabanggit."
"Ah sige ako na ang bahala, baka gamitin ko na lang yung jet pabalik dito."
"May kailangan pa po ba kayo?"
"You may go."
Its been 5 years since I left, I don't have any news about Jen since then. I graduated from business school 2 years after I arrived and continue working. Lalong lumaki ang business namin akala ko nga hindi na ako babalik sa Pinas dahil mas naging busy ako pero siya lang din pala ang makakapag-pabalik sa akin.
Dad.
"Sir tumawag po ang kapatid niyo kanina pa daw po kayo kinocontact but you are not answering daw po."
Tinignan ko agad ang phone ko madami na ngang missed calls.
"AJ sorry naka-silent kasi ang phone ko, nakausap mo na ba si Andy?"
"Nagtxt ako sa kanya dahil hindi din niya sinasagot ang phone niya, pero alam kong pupunta siya kungdi man sa burol sa libing yan."
"Dapat lang kahit na marami silang di pagkakasundo, si Dad pa din yun."
"Sabi sa akin ng secretary mo ikaw na ang bahala sa burol at libing?"
"Oo ako na ang bahala, uuwi na din ako baka bukas ng hapon ang dating ko may tinatapos lang ako dito sa opisina. Regarding sa assets at iba pa mga ari-arian ni Dad kailangan present tayong lahat para mapag-usapan natin iyon kasama ng family lawyer."
"Sige I'll contact her again, message mo na lang ako kapag naka-land ka na. Bye."
Ibinaba ko na ang telepono at nagpatuloy sa trabaho, gusto ko na rin matapos ito para makapag-impake na ako, kaunti lang naman ang dadalhin ko dahil hindi ako magtatagal, kapag nai-libing na siya aalis na din ako agad.
"Sir dumating na po yung 11 am appointment niyo, pinag-antay ko po sa meeting room no. 1."
"Thank you maureen, please see to it na may refreshments sila. I'll be there in a minute."
I got the documents needed and went to the meeting room.
"Alex, its so nice to see you again." sabi ng foreigner kong client
"Yes its nice to see you too Mr. Coleman."
"I brought my Lawyer and Secretary to finish up what we talked about when we were in Vegas."
"Great, I leave the documents here so that he can take a look at it before you sign. And if you want I can tour you around the building."
"Thanks, I would love to."
Matanda na si Mr. Coleman, siguro nasa 55-60 yrs old na. Isa siya sa mga napili kong mag-invest sa bagong business na naisip ko, actually we talked about it last time I was in Vegas. Nakapag-asawa kasi ng Pinay. Meron na kaming Hotel and Resort, Banks, Malls at Hospitals mapa-Local and International ngayon balak ko pumasok sa Food Business. Gusto ko sana magtayo ng isang restaurant dito sa US but we will be serving Filipino foods only, di ko pa nga sure kung papatok ang lasa ng Pinoy sa mga Banyaga, pero we will try, siguro blend ng western at asian cuisine. Nilapitan ako ng matanda nung nasa casino ako and he liked my proposal. Kaya ito kami ngayon finishing up the deal.
"Such hard working employees, also state of the art equipments, is this your headquarters? Or is it in the Philippines?"
"For our International branches the headquarters would be here in the US, but we also maintained the original in the Philippines which was run by my Dad."
"Oh! I heard the news, condolence."
"Thank you, actually after our meeting today I will be going back to the Philippines for a few days to arrange the funeral."
"Your Dad must be proud of you and your sisters for all the achievements you made."
"Yeah proud." walang buhay kong sagot
Matagal-tagal din ang pag-tour ko sa kanya, minsan nga kinakausap niya din ang mga empleyado ko.
Matapos ang isang oras na paglalakad nakabalik na kami sa meeting room.
"Mr. Coleman, I read the contract and it looks like I can give you the go signal to sign it. Normal terms and conditions were put so we have nothing to worry about." sabi ng abogado niya pagpasok namin
Nagsigned na ang matanda at kinamayan ako.
"I'll see you soon when you get back."
"I agree, again thank you. Maureen, please escort Mr.Coleman and his associates outside."
4:30pm na pala, pagbalik ni Maureen aalis na ako para maka-uwi na.
One message received
Natawagan ko na si Andy mukhang lasing nanaman. Hindi pa niya sure kung makakapunta siya dahil busy daw. Feeling ko niloloko lang niya tayo kasi balita ko dun sa kaklase ko matagal ng hindi pumapasok sa skul yung pasaway na yun.
-AJ
Hayaan mo na, pupunta din yan. Hindi nya matitiis yun.
Sent
"Maureen I'll be going home now, after I packed my things I will be going straight to the airport. Kapag may problema call me, but if its not too important itxt mo lang sa akin, iniiwasan ko kasi na maistorbo."
"Noted po."
6:00pm............
"Welcome home sir. The dinner will be ready in a few minutes."
"That won't be necessary, my flight will be around 9pm this evening, I'll be going back to the Philippines for my Dad's funeral. I don't know how long I'll be gone but I am confident that you can handle everything Mrs.Kim."
"Understood."
Iniwan ko na si Mrs. Kim at pumasok na sa kwarto ko para makapag-impake. Ok na siguro ang isang maleta. Kapag naasikaso ko ang mga kailangan kong gawin sa Pilipinas babalik din ako dito.
Umalis agad ako sa bahay nang makapag-impake, at nagdrive papunta sa airport. Mukhang babalik din talaga ako kahit anong gawin kong iwas. Kamusta na kaya siya. Kahit naman malaki ang galit ko hindi pa din mawawala yung pag-aalala ko sa kanya dahil minsan ko na din siyang minahal.
Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Seventy- fifth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter.
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...