Liezel POV
Finally natapos din yung buong week na yon, angdaming nangyari muntik pa nga magkagulo ang cheerleading squad at red cross volunteers, tapos ayun nga napagsabihan na ako ni Chelsea binato lahat sa akin ang galit niya. Sinagot sagot ko siya pero sa huli nag-agree na lang ako sa gusto niyang mangyari. Tumigil naman na yung mga rumors at chismis tungkol sa nangyari nung party, buti nga yon eh napapagod din naman sila. Ito monday nanaman, papunta na kami sa university as usual kasabay ko si Tristan sa car niya pero wala si Chelsea kasi may morning practice daw sila kaya umalis ng maaga gamit ng sasakyan niya.
"Liezel pwede ba sabay tayong maglunch mamaya?"
Naku paano kaya ito, kailangan kong tumanggi kasi nakapangako na ako kay Ange na tutulungan ko siya, bahala na nga.
"Sorry po may gagawin po kasi kami ni Ange, tutulungan ko siya dun sa mga forms na nakuha namin during the recruitment week, madami-dami din po iyon."
"O sige pero next time pwede ka na ha?"
Hindi na ako nakasagot pa dahil nakarating na kami sa parking lot ng university, nagpaalam ako at lumabas na mula sa sasakyan. Habang papunta na ako sa building nakita ko si Ange kaya dali-dali akong pumunta sa pinagkakaupuan niya.
"Bakit nandito ka? Hindi ka ba papasok? Wala daw bang class?" sunod-sunod na tanong ko
"Usong magpreno, tsaka bakit nangugulat ka. For your info wala tayong first subject ngayon kakasabi lang kanina nung class representative natin, may sakit daw si Sir Christopher hindi mo ba nareceive yung text?"
"Hindi eh! Tatlong number lang ang meron ako ikaw, si Chelsea at si Tristan. Kung wala siya free time natin ngayon? Wala bang pina-aassignment?"
"Grabe kaming tatlo lang, day matuto ka naman makihalobilo siguro naman marami kang naging kaibigan sa probinsya, di ka naman loner. Oo parang free time nga kaya tara dun tayo sa org room magsimula na tayo para yung lunch natin di magamit ng buo para lang sa pag-aayos natin."
"Oo naman marami akong kaibigan, buong baryo kaya namin kilala ako, naninibago lang talaga ako kasi nga ilang years din akong nanirahan sa baryo, di naman kami masyadong pumupunta sa bayan kasi ang gusto ni itay matuto kami mamuhay ng simple. Hayaan mo marami din akong magiging kaibigan. Sige tara para may matapos tayo."
Naubos ang oras namin sa kakasort-out ng mga forms kasi ang balak ni Ange yung orientation gagawin per batch para mapagtuunan ng pansin at maexplain ng maayos yung bawat role ng per batch since maraming sumali ngayon. Sabi pa nga ni Ange dahil madami, mas marami din kaming activities for the whole year kaya mag-ready daw ako kasi ako ang assistant niya although hindi ko naman aagawin ang position at trabaho yung mga members niya tulad nung vice president nila, secretary, assistant lang niya talaga ang role ko at syempre active member yata ito. Sa totoo lang nag-eenjoy ako mabuti na lang at niyaya niya akong sumali dito kasi bukod sa nakakatulong na kami mas marami pa kaming nakikilala at nagiging kaibigan.
"Liz tara na malapit na magstart ang next class natin, alam mo naman paglate dun una niyang tinatawag sa recitation, walang bunot-bunot ng card."
"Sige antayin mo ako sa labas mag-cr lang ako."
Nang matapos akong mag-cr ni-lock na ni Ange yung org room namin tapos pumunta na kami sa commerce building.
"Uy bakit ngayon lang kayo?" tanong nung isa namin kaklase ano nga bang pangalan niya, nalimutan ko na.
"Jer may ginawa kasi kami sa org room tsaka malayo din itong building natin mula dun sa student org building noh! Bakit ba mukhang wala pa naman si maam." sagot ni Ange
"Anong mukhang wala pa, nandyan na siya napaaga nga eh, may nalimutan lang sa faculty room kaya ayon bumalik para kunin. Nakapag-attendance na din, goodluck kasi lam niyo naman ang patakaran."
"Tara na nga Liz maupo na tayo, wala na rin naman tayong magagawa."
Sumunod na ako kay Ange at iniwan na namin si Jerry sa pwesto niya, sabi ko na lang sa kanya na kaya namin kahit ano pa ang itanong ni Maam Bersola prof namin sa Business Policy and Strategy.
Pagkalipas ng dalawang oras......
"Hahahaha! Natawag nga tayo, pero buti na lang madali lang yung tanong sa atin, tignan mo yun si Jerry tahimik ngayon nagbabasa."
"Uy Ange tigilan mo nga yan, nang-aasar ka pa, hindi na nga nakasagot yung tao tapos ganyan ka pa. Halika na nga at maglunch na tayo."
Nauna ng lumabas si Ange, ako naman nilapitan ko si Jerry kasi baka narinig niya yung mga pinagsasabi ng babaeng yun nakakahiya.
"Jerry pagpasensyahan mo na yun si Ange minsan may pagkamanhid din eh makakabawi ka naman next time."
"Ah eh a-aayos lang yun matagal ko na-naman na kilala ang u-ugali ni Angela kaya walang problema sa akin, a-at competitive yun." utal -utal na pagkakasabi ni Jerry
"Salamat, pasensya na talaga, sigurado next time ikaw lang pala ang makakasagot ng tanong ni maam. Hahahaha! Sige Jerry mauna na ako sayo nag-aantay na si Ange sa akin sa labas. Kumain ka na rin ha!"
"Sa-salamat din Liezel, ingat ka kita na lang tayo mamaya sa next class."
Pinuntahan ko na si Ange sa labas at halatang-halata na nagugutom na hinihila niya kasi ako agad. Kumain kami malapit lang sa university para makabalik din kami may dalawang klase pa kami para sa araw na ito.
"Tapos ka na ba Liz?"
"Oo patapos na din hihingi lang ako ng tubig sa counter."
"Okay antayin kita sa labas bibili lang ako ng candy nauumay ako sa kinain natin eh!"
Iniwan ko na yung baso sa mesa namin pagkatapos kong uminom at pinuntahan ko agad si Ange sa may gilid kung san siya bumibili ng candy. Sakto paglapit ko sa kanya nabayaran na niya kaya nagtungo na kami pabalik sa building.
Nang makarating kami sa room 307 para sa next class namin sakto konti pa lang ang tao kaya namili kami ni Ange ng pwesto malapit sa may bintana para di masyadong malamig at hindi kapansin-pansin. Pagkalipas ng ilang minuto dumating na rin yung prof namin kaya tumahimik na yung ibang classmate namin na maingay. As usual the same routine, nag-discuss ng konti tapos nagrecitation after matawag yung unang sampung estudyante ay balik discussion ulit.
Natapos ang monday with the same routine ganoon na nga siguro kapag pumapasok ka sa skul ang tanging kakaiba lang at libangan ng estudyante ay yung mga club nila or org.
Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong twenty-nineth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...