Chapter 13 - The Unexpected Visitor

2.1K 62 0
                                    

Third Person POV

Nag-aalala si Manang Luz dahil sa lakas ng naririnig niyang boses na nanggagaling sa kwarto, kung kaya naisipan niyang puntahan ang mga taong nagsisigawan.

Makalipas ng ilang minuto ay pumasok siya sa kwarto nilang dalawa ni Liezel dahil doon niya naririnig ang tila nag-sasagutang boses. Nadatnan niya si Chelsea at Liezel na nag-aaway, hindi niya maintindihan kung ano ang pinagsisigawan nila kaya naisipan niyang lumapit sa kanilang dalawa upang magtanong.

Si Chelsea na ang unang nagpaliwanag ayaw niya kasing siya ang lalabas na masama sa away nilang dalawa ni Liezel. Sinabi niya kay Manang Luz na simple misunderstanding lang sa eskwelahan at napalakas lang ang kanyang boses, di daw iyon sigaw.

Tinignan ni Manang Luz ang kanyang anak at nag-aantay ng sagot mula sa kanya. Pero makalipas na ilang minuto wala pa rin masabi si Liezel. Si Manang Luz naman ay lumapit na lang sa kanyang anak at sinabihan niya na humingi na lang ng tawad kung meron mang maling nagawa ito.

Bago pa makalabas si Chelsea ay humingi ng tawad si Liezel pero parang balewala lang sa kanya ang ginawa ng dalaga.

Liezel POV

"Nak ayos ka lang?"

"Inay huwag ka mag-alala wala lang iyon, hayaan na natin."

"Liezel hindi pwedeng ipagpabalewala ang mga bagay na ganoon, kung meron man ikaw nagawang mali humingi ka kaagad ng tawad. Kung sila naman ang nasa mali matuto kang lumaban alam ko naman mabait at matapang ka anak. Di ka yung taong nagpapa-bully."

"Si nanay talaga, syempre naman po lalaban talaga ako."

"Hindi na ako magtatanong pa kung anong nangyari sa inyong dalawa basta alam ko at alam mo na wala kang tinatapakan na tao. Sige na ayusin mo na iyang mga gamit mo at bumaba ka na."

Nakalabas na si Inay at mga ilang minuto din akong nag-ayos ng gamit. Grabe si maam Chelsea, palibhasa nasa pamamahay niya kami nakatira at nagtratrabaho ni Inay, kung hindi lang dahil sa mga naitulong ng mga magulang niya sa pamilya ko baka nasagot-sagot ko siya na pabalang. Ang katotohanan nga eh wala naman ako paki-alam kung ano man ang meron sa kanilang dalawa ng antipatikang iyon. Buti na lang din at last year ko na sa kolehiyo ngayon pwede na ako maghanap ng trabaho kapag nakagraduate na ako upang matulungan na rin si Inay at Itay.

After 15 minutes........

"Liezel anak, halika dito at tulungan mo akong ihain ang mga nalutong pagkain darating na rin sina sir Tristan, pagkatapos ay samahan mo na akong kumain sa may labas."

"Sige po nay."

Kinuha ko na iyong mga pagkain at inihain ko na sa lamesa, napansin ko papunta na rin sina maam Chelsea at ang mama niya sa dining area.

"Ma please payagan niyo na ako, kasama ko naman si Kuya." sabi ni maam Chelsea.

"Iha wag ka sa akin magpaalam, padating na ang Papa mo siya ang kausapin mo, dahil siya din naman ang masusunod. Halika na at maupo kakain na rin tayo." sabi ni maam Beth sa anak

"O bakit di pa kayo nagsisimula akala ko nga patapos na kayo eh. Nasaan na din yung anak mong lalaki?" ani ni sir Antonio na kararating lang galing opisina.

"Ay! Naku late daw uuwi sabi niya sa txt kanina, alam mo na kasama ang barkada."

"Ganoon ba sige sasabay na ako sa inyong mag-ina at darating na rin maya-maya sina Xander." sabi ni sir Antonio

"Sir ito po yung plato, kutsara at tinidor. Water po ba kayo o Juice?" tanong ko

"Ah thank you Liezel tubig na lang iha at iinom din kami mamaya ni Xander ng alak."

Nag-aabang lang ako sa may gilid kung meron silang iuutos dahil pinauna ko na si Inay na kumain sa likod. Mukhang marami nanaman silang pinag-uusapan buti na lang din at di narinig ni maam Beth yung nangyari kanina sa amin ni maam Chelsea.

"Pa meron po palang party sa Sunday and I was wondering if you would allow me to hang-out with my friends?" tanong ni maam Chelsea

"What party? Nagpaalam ka na ba sa Mama mo? Sinong mga kasama mo?" sunod-sunod na tanong ng Papa niya.

"Ahm! Birthday party lang po siya Papa don't worry wala naman hard drinks mostly wine lang din. Si Kuya po pupunta kasi nainvite din siya, well nandoon din yung mga friends ko from the squad lam ko naman na kilala mo na sila. Nagpaalam po ako kay Mama kanina kaso sabi niya sa akin kayo daw po ang may final say. So please po payagan niyo na ako." pagmamakaawa niya kay sir Antonio

"Beth ano papayagan ba natin ang anak mo? Baka kasi.."

"Antonio hayaan mo na bihira na nga lang pumunta sa party yang anak mo ever since, at isa pa kasama naman ang kuya niya at friends niya."

"Yun nga ang iniisip ko eh, baka kung ano nanaman ang mangyari sa kanila. Okay pa sa anak mong si Tristan dahil lalaki siya eh itong si Chelsea baby ko ito at nag-iisang babae."

"Ikaw ang bahala Antonio basta sa akin ayos lang naman iwasan lang ang malasing." sabi ni maam Beth

........

"Anak tapos na akong kumain, ako na bahala dito kumain ka na rin doon pagkatapos ay umakyat ka na para makapag-aral." sabi ni Inay

"Sige po inay mauna na po ako."

Papasok na ako ng bigla kong narinig iyong sinabi ni sir Antonio kay maam Chelsea

"Okay papayagan na pero kailangan may kasama ka, Liezel di ba nag-aaral ka din sa university na pinapasukan ni Chelsea at Tristan?"

"po?" napatigil ako at napatingin kay sir Antonio

"Oo nga tama ka Antonio baka iha pwede mong samahan si Chelsea sa party na aatenan niya" ani ni maam Beth

Ma, Pa reklamo ni maam Chelsea, nakikita ko naman na ayaw niya na isama ako, di nga kami magkasundo di ba. Hayz! napasubo pa yata ako dito. Ano sasabihin ko?

"Luz pwede mo naman sigurong payagan ang anak mo sandali lang din naman sila birthday party din naman yun, para lang may magbantay dito sa mga anak ko." sabi ni sir Antonio habang nakatingin kay inay.

"E-eh naku sir si Liezel naman po ang magde-desisyon kung sasama siya o hindi, anak ano okay lang ba sa iyo?"

"Na-naku sir, s-sige na po s-sasama na po ako." pautal-utal kong sabi.

"Okay that is settled Chelsea pwede kang pumunta pero kasama mo din si Liezel at tandaan mo yung mga bilin ko kapag sa mga party na ganyan ah, palagi din kaya mag-update kung anong nangyayari, and curfew is up to 12 am. Understood?"

"Y-yes Papa." Ano ba naman yan? pabulong na sabi ni maam Chelsea

Sigh!!!! bakit ba ako nasama dito. Makapasok na nga para makakain na rin ako marami pa akong gagawin.

8:30 pm.....

Natapos na din akong kumain at paakyat na rin ako sa kwarto ng biglang....

*BUMP!*

"Aray ko naman, di ka ba tumi..."

:o

Di na ako nakapagsalita dahil sa mga matang nakatingin sa akin.

Anong ginagawa niya dito?


Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong thirteenth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon