Chapter 61- Dating for Dummies

993 35 1
                                    

Isang maulan na Happy New Year sa inyo. Enjoy! and Mag-ingat lang po tayo sa mga paputok. :)

Alex POV

"Alex tumigil ka na nga. Kung ano-ano nanaman ang sinasabi mo. Hindi ba masyadong mabilis itong ginagawa mo. Isipin mo din yung sitwasyon ko. Oo, sige na aaminin ko naalala ko yung sinabi mo kagabi, nabigla ako doon and deep inside I feel something for you pero hindi pa ako sigurado. Kaya please just stop whatever you are doing or about to do kasi ako ang nahihirapan."

Paulit-ulit na sa utak ko ang mga sinabi niya kahapon. Pagkatapos nun hindi na kami muling nagkibuan hanggang maihatid ko siya sa kanila.

Biglaan ba yun? Nagmamadali ba ako masyado? May mali ba akong nasabi at ginawa?

"O ang dakilang kapatid ko nandito na pala."

"Andy not now!"

"Bakit? Totoo naman di ba? Balita ko kay manang pinaghahahanap ka daw since Saturday. Hindi mo sinipot si Chelsea, kaya panigurado napagalitan ka ulit."

"Andy I said stop it."

"Okay your call, pero you should have at least texted her na hindi kayo matutuloy kawawa naman yung tao. You know, that is one of the things I hate about you, wala kang galang sa mga babae."

Napaisip ako sa last niyang sinabi and then an idea pop into my mind

"Andy sandali."

"What?"

"Okay I admit it you are correct. Never ko pa kasi naexperience mapalapit sa mga babae o sa kahit na sino pwera na lang sa mga kaibigan ko at pamilya ko which is why I don't know how to approach or how to treat them. But if its okay with you I'd like to ask for your help."

"Help with what?"

"There is this girl that I really like, love na nga siguro pero hindi ko alam kung paano ko siya iaapproach. I even tried saying it directly to her na mahal ko siya at gusto ko siyang ligawan pero wala eh!"

"Wow! Straight to the point ka talaga noh!"

"Wala pa kasi akong experience sa ganito at natatakot ako baka mawala pa siya sa akin kapag wala pa akong ginawa. Alam ko marami kang babae, kaya.."

"Maraming babae, grabe ha! Di naman ganoon. Pero kung courting and dating tips ang hanap mo, ako bahala."

"Ok thanks, if ever you need my help in the future, just ask me and I will do everything I can to help you. So now what's the first step?"

"My dear big sister ako na bahala puntahan mo ako sa kwarto mamaya pagkatapos kumain. Hapon pa naman class ko. Ikaw ba?"

"Ayos lang wala akong class ngayon, but I'm grounded. Dito lang ako sa bahay, bantay sarado yung mga bodyguards ni Dad."

"Sige mamaya na lang kakain muna ako."

Umalis na ang kapatid ko. Tama kaya na siya ang nilapitan ko? Pero disperado na talaga ako, lalo na at pinipilit pa din ni Dad yung kami ni Chelsea, ayoko naman matali sa marriage na hindi ako masaya at hindi ko kayang mahalin yung partner ko. Seryoso ako kay Liezel and I will do everything maging kami lang.

*Tok!*Tok!*

*Tok!*Tok!*

"Pasok!"

"Ano nang gagawin ko Andy?"

"O ito!" sabay hagis sa akin ng bagay na hawak niya

"O ito!" sabay hagis sa akin ng bagay na hawak niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Dating for Dummies, ano ito at para saan?"

"Hindi pa ba obvious? Basahin mo yan para may matutunan ka. Tsaka na natin gagawin in practice yang mga nabasa mo. Grounded ka di ba? Kaya di ka din makakalabas."

"Matatapos ko din basahin ito kaya magready ka na ng next mong ituturo."

Umalis na ako sa kwarto niya at sinimulan ko na basahin ang libro.

After reading for almost three hours I've learned to be confident about myself and to know and understand who am I because if I can't figure out the real me then I would just be lying to the person I love and that is wrong. I should be aware of my surroundings as well as the other person's feelings, desires and so on. I should polished my social self, all my life parents, mga kapatid at mga kaibigan ko lang ang kasama ko at nakakausap, minsan naman tungkol lang sa work or school pero about personal stuff di kami ganoon ka-open unless si Mom ang kausap namin. May mga nabasa din akong tips on what to do on first dates.
Marami akong natutunan, ang tanong na lang, paano na kapag actual situation, would I still remember all those things?

Marami akong natutunan, ang tanong na lang, paano na kapag actual situation, would I still remember all those things?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Grounded ako di ba?
Anong ginagawa ko dito?
Paano ko natakasan yung mga bodyguard ni Dad?
Patay ako nito kay Dad eh.

Kapag nakita pa ako ni Chelsea panigurado malalagot si Liezel.

Oo tama kayo ng iniisip nandito ako sa tapat ng bahay nila Liezel well bahay nila Chelsea technically ito.

Ano ba kasi ang problema ko marami namang araw na pwede ko siyang makasama pero itong mga paa ko pilit akong dinadala kung nasaan siya.

Makabalik na nga sa amin bukas ko na lang siguro siya kakausapin.

Pabalik na ako ng sasakyan ko na marinig kong may bumusina sa likod ko.

"Alex?"

Naku pamilyar ang boses na iyon.

"Bakit nandyan ka sa labas? Tara sa loob."

Makakatanggi pa ba ako eh may kasalanan din ako sa kanya.

Inantay ko lang siyang makapasok sa gate tapos pinasok ko rin ang sasakyan ko.

Naisip ko yung sinabi ni Andy kaya hihingi muna ako ng tawad kay Chelsea, syempre ipapaliwanag ko ang nangyari without mentioning Liezel's name.

"Alex dito ka muna magpapahanda lang ako ng merienda." sabi ni Chelsea habang papunta sa kusina

Nandito kaya si Liezel? Sana makita ko siya at magkaroon kami ng time mag-usap para di sayang pagpunta ko. Di ko lang inaasahan na nandito si Chelsea usually kapag wala kaming pasok madalas sa mall yan kasama ng mga friends niya. Paano ba naman nagpapasama sa akin palagi kaya updated ako kung nasaan siya.

"Yaya padala na lang dito sa may sala ah!"

Umupo na si Chelsea sa tabi ko, parehas kaming tahimik nung una, ang awkward tuloy ng moment.

Hay! Mabuti pa nga ako na ang magsimula, malaki-laki din ang kasalanan ko sa kanya. Napagalitan kaya ako ng sobra dahil doon, grounded pa.

Bahala na nga! Here goes nothing!

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Sixty First chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon