Chapter 56 - Flower Farm

852 37 0
                                    

Liezel POV

"Sir, Mam Welcome po sa Farm." sabi nung lalaki na sa tingin ko ang caretaker nitong farm

Wow ang ganda! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kadaming bulaklak, iba't - ibang kulay pa ang sarap tignan. Ito ang malaking version ng tanim ni Lola Fely. Hinanap naman ng mata ko yung kasama ko paano ba naman iniwan lang ako dito sa may gitna.

Hindi ako sobrang galit sa kanya pero sana di siya pabigla-bigla, alam kong walang problema sa kanila ang pera. "Nag-iinarte ka pa diyan hindi mo naman pera ang ginamit at isa pa malay mo dagdag sa business nila ito. Hindi lang naman para sa project niyo." singit ng madaldal kong pag-iisip

Sige agree na ako sa iyo pero nakakahinayang din. "G*g*! kaartehan talaga, kausapin mo na para tuloy kayong nag-aaway na mag-asawa."
Siraulo din itong isip ko kung anong pinagsasa-sabi.

Nahinto ang pakikipagtalo ko ng biglang may magsalita sa likod ko.

"Nagustuhan mo ba?"

Hindi ko muna siya hinarap at patuloy na nakatingin sa mga bulaklak.

"Alam mo swerte nga kasi yung may-ari nito matagal na rin palang nagsu-supply sa mga flower shop at mga may pwesto sa dangwa kaya ito may nakatanim na kaagad."

"Sir doon po tayo sa loob para mapag-usapan na natin kung ano po ang mga plano ninyo, pagkatapos dadalhin ko po kayo dun sa tinitirahan namin para po makilala niyo lahat ng nagtratrabaho dito."

"Sige Mang Andres mauna na po kayo sa loob susunod na lang po ako."

Bakit kaya hindi pa siya sumama?

"Liezel kung gusto mo ipapahatid na lang kita aasikasuhin ko muna itong farm para kapag nakahanap na tayo ng pwesto maipadeliver ko na agad iyong mga bulaklak."

"Hay Liezel alam mo kawawa naman yung tao. Dedma na lang ba forever, ayan tuloy uuwi na tayo, maganda pa naman sana magikot-ikot."

Baliw na nga talaga ako. Sinundan ko si Alex sa loob at nakita ko na kausap na niya si Mang Andres, lalabas na lang muna ako saglit at hahayaan ko sila mag-usap pero ito naman si Alex pinigilan ako.

"Liezel bago kita ipahatid sa inyo, kung okay lang samahan mo kami at titignan lang natin yung iba pang tanim, para kung may suggestions ka sa mga bulaklak na ilalagay natin sa shop."

Tumango na lang ako at lumabas na kami.

"Sir, Mam dito po makikita niyo yung mga tanim naming roses at chrysanthemum maingat ang mga tao ko diyan kasi isa sa mabenta yan."

Grabe ang ganda talaga, mahal ang mga ganyang klaseng bulaklak kaya maswerte ako makapunta dito.

"Ito naman po ay mga pinya naisip po kasi nung dating may-ari na magtanim din ng prutas sayang daw po kasi ang lupa."

Patuloy lang si Mang Andres sa pag-tour sa amin dalawa hindi naman maalis ang tingin ko sa kanya kasi seryoso siya masyado para bang galit, dahil kaya sa akin iyon? Wala naman akong kasalanan. Tutulong naman ako pero bakit sa ganito pa at aabutin pa kami ng dalawang araw dito.

Medyo nakakalayo na sila ni Mang Andres, paminsan-minsan nakikita ko na kinakausap niya ito at may oras naman na nakatingin siya sa akin, ako naman parang tanga na umiiwas.

"Mam nauna na po si Sir dun sa mga kubo pinapasundo niya po kayo baka daw mawala kayo."

"Pasensya na po Mang Andres, namangha lang po talaga ako dito sa farm, lumaki po ako sa probinsya pero puro gulay at palay ang nakikita ko."

"Naku mam salamat po. Mabuti nga po at nabili na ito kasi po yung ibang buyer sabi ng amo namin dati gusto magpatayo ng condo o hotel. Kapag nagkataon hindi namin alam kung saan kami pupulutin. Ambait pa ng nga bagong amo namin."

"Ah-ah hindi po ako ang may-ari nito si Alex lang po. Kaklase lang po niya ako."

"Ay hindi ba magkasintahan kayo ni Sir mauuwi din yan sa kasalan tapos isa na rin kayo sa may-ari."

Grabe advance din mag-isip itong si Mang Andres, pero imposibleng mangyari yun dahil parehas kaming babae. Malalagot nanaman ako nito kay Kuya at lalo na kay mam Chelsea.

Nagsimula na siyang maglakad at sinundan ko na lang. Nakita ko naman si Alex na naghihintay sa labas ng kubo at hindi pa rin naalis yung simangot sa mukha niya.

"Sir,Mam mauna na po ako dun sa likod, sunod na lang po kayo, nandoon na rin po yung mga kasamahan ko."

"Salamat po Mang Andres."

Ilang minuto na din pero nakatingin lang siya sa akin.

"Argh! Alam mo gustong gusto kong magalit at huwag kang kausapin pero hindi ko magawa. Saan ka ba nanggaling mamaya kung ano ang mangyari sa iyo wala ka pa naman kasama. Magagalit sa akin si nanay Luz."

Ngayon ko lang siyang nakitang ganito.

"Kung atat ka ng makauwi sa inyo hindi kita pipigilan, kakausapin ko lang sila after nun ipapahatid na lang kita."

"Hoy mahadera ka, sabihin mo na yung gusto mong sabihin mamaya magsisi ka pa."

"A-ano k-kasi..."

Nakita ko na siyang tumalikod at papunta na sa likod bahay.

"S-sandali!"

Pero hindi niya ako narinig kaya hinablot ko ang kamay niya para pigilan siyang umalis.

"WHAT?" pasigaw niyang sagot

"I'm sorry okay. Nabigla lang ako sa mga pangyayari kung naexplain mo ba naman sa akin ang lahat bago tayo nagpunta dito at bago ka bumili ng lupa hindi ako magre-react ng ganito. Hindi pa ako nakapagdala ng damit at essentials kung aabutin tayo dito hanggang bukas ng gabi."

Nawala na yung simangot face nitong kausap ko at nagpakawala na lang ng malaking sigh of relief.

"I'm sorry din medyo nabadtrip lang siguro ako, I was expecting so much, gusto kasi talaga kitang makasama. Syempre yung sa project din natin. But I understand, next time I'll consult you first before doing anything. Halika na, kanina pa kasi nag-aantay sina Mang Andres sa likod, pagkatapos noon sila na ang mag-uuwi sa iyo."

Pumunta na siya sa likod at nilapitan si Mang Andres, isa-isa naman silang nag pakilala sa kanya, nakakatuwa nga yung iba dahil matagal na pala sila nagtratrabaho dito sa flower farm yung iba naabutan pa ng apo.

"Magandang hapon po. My name's Alexandra Monteverde but you can all call me Alex. Kayo na po ang bahala kung ano ang tawag sa akin Sir/Mam would be fine. Ako na po ang mamamahala dito sa farm huwag po kayong mag-alala dahil wala po akong tatanggalin dito in fact balak ko pa nga pong gumawa ng mga major improvements para mapalaki at mapalawak ito. Sana po magtulungan tayo."

Natapos ang speech ni Alex at nagsalo-salo ang lahat.

"Ready ka na ba Liezel, ituro mo na lang kay JB yung daan papunta sa inyo."

"Alex huwag na, dito na lang ako at isa pa sabi mo nakapag-paalam mo naman na ako kay Inay at pumayag siya. Gusto din naman kitang tulungan."

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Fifty Sixth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon