Chapter 4 - Ms. Antipatika meets Ms. Clumsy

4.2K 99 0
                                    

Alex POV

Siya nanaman, bakit ba ang malas ko naman yata ngayon although I might say may itsura siya. Para bang di ka magsasawang titigan siya at yung mga labi niya parang nang-aakit. Aytsss! ano ba itong iniisip ko tama na nga. Aba mukhang di siya makapagsalita ah, ahm? asarin ko kaya hahahahaha! kulit din ng isip ko guys eh pero never mind baka masira lang ang araw ko ng tuluyan kapag nagalit ito.

"Uy! Miss, ikaw nanaman, can't you please be careful while walking, always be sure of your surroundings, if not you'll continue on bumping to people from time to time, and your making yourself look like a klutz."

Tumigil na siya sa kakatitig sa akin at nakita kong kumunot naman ang kanyang noo.

"Hoy! Antipatika, tigilan mo ako sa kaka-english mo ha, nasa Pilipinas tayo at sinong klutz pwede ba, maingat ako sa sarili di ko lang alam kung bakit palagi ikaw ang nababangga ko."

"Okay if you are having a hard time understanding what I am saying earlier, tatagalugin na kita, Matuto ka naman makiramdam sa palagid mo, na hindi ka bangga ng banga ng mga tao, nakakaistorbo ka na rin eh. "

"Aba! Argh!!!! Excuse me I just want to remind you that we are required to have an extensive vocabulary so you should expect the students who are studying here be able to understand you. Kaya ko lang naman nasabi na tigilan mo ang kaka-english mo kasi parang ang yabang at ang arte mo tignan."

Dumila si Ms. Clumsy sa akin at bigla na lang siyang umalis papasok sa building namin.

Hay!!! Sana lang talaga hindi na kami magkita tawagin ba naman akong antipatika, besides di niya ba kilala kung sino ang kinakausap niya.

Ano ba naman ito nakakainis talaga, first day guys, first day. Relax lang Alex, huwag mong hayaan na tuluyan masira ang araw mo sabi ko sa isip ko.

10 minutes later...........................

Papasok na ako sa room 310 si Mr. Felipe pala ang next na prof, naalala ko siya kasi naging adviser na namin siya before madalang lang pumasok pero hanep naman kung mag-parecitation at babawian ka talaga sa Midterms at Finals sama mo na yung tambak na research na pagagawa niya sa iyo, kaya kailangan mong mag-aral maigi lalo na yung mga binibigay niyang pointers.

Napansin ko agad ang babaeng lagi kong nababangga sa pagkakaalala ko nung introduction kanina siya si Ms. Guinto, di ko akalain pati pala sa subject na ito magkaklase kami. Paupo na ako sa tabi ni Max ,yes magkaklase kami dito pero si Al wala dito siya yung boyfriend ni Max, 3 years na din sila at isa sa bestfriend ko, siya nga pala yung binabanggit ko nung una na bahagi ng grupo, tulad namin ni Max lumaki sa mayaman at kilalang pamilya, medyo makulit pero maalalahanin at ma-aruga sabi ng girlfriend niya.

" Hiiii! sweety, miss me?"

" Chelsea do you need anything from me? "

" Sweety naman ngayon na nga lang tayo magkikita ulit eh, iniiwasan mo yata ako eh."

Lalong lumapit siya sa akin at sakto naman walang nakaupo sa tabi ko kaya dun na lang din daw siya uupo para tabi kami.

"Sweety bakit di ka sumama kay Tito nung bumisita siya sa Zambales? Inaantay pa naman kita." sabi niya habang hinihimas ang braso ko.

Di ko na lang siya pinansin para manahimik na siya at isa pa pumasok na rin si Mr. Felipe kapag pa naman naingayan siya eh tinotopak at pinag-didiskitahan kami. Nanahimik naman na yung katabi ko, siya si Chelsea Sy head cheerleader ng university na ito, mayaman pero sak-sakan na man sa kaartehan, katarayan at clingy. Ewan ko ba kung bakit lapit ng lapit sa akin di naman kami magka-vibes nito, kilala ko yung parents nila kasi business partner ni papa before pero di lumago yung business kaya sinara na lang nila although they remain friends. Nagpatuloy na lang ang pakikinig ko sa prof, ma-stress pa ako kung papansinin ko itong si Chelsea.

Sana matapos na lang itong araw na ito.

....................................................................................................................

Pagkalipas ng dalawang oras............

Liezel POV

Patapos na din itong si Mr. Felipe grabe ang dami niyang pina-pagawang research, at nagdiscuss lang siya the rest of the time. Mukhang kailangan ko mag-double effort sa class na ito mababa daw magbigay ng grade itong professor na ito banggit ng katabi ko kanina.

Yes! tapos na din siya makalabas na nga lang muna tutal nagyaya naman si Angela para makabili ng snack may dalawang klase pa ako mamaya kaya kakain na ako ngayon diretso uwi na rin naman ako after ng mga natitirang subjects ko.

Si Angela yung katabi ko kanina, siya yung unang kumausap sa akin buti na nga lang kasi wala pa akong kaibigan at kakilala dito, mabait naman siya at mukhang matalino para ba kasing may nerd aura siya. Matagal na din pala siya dito sa university na ito since high school kaya mostly ng mga kaklase namin ay kilala niya, business ng pamilya niya ang isang malaking flower shop sa Dangwa marami silang cliente lalo na kapag may mga parties at celebration.

Palabas na sana kaming dalawa...

"Sweety naman sandali antayin mo ako, di pa tayo tapos mag-usap."

Napalingon na lang ako sa narinig kong ingay, familiar kasi yung boses.

Sabi na nga ba si Chelsea iyon sino ba naman ang may ganoon kaarte at katining ang boses. Hindi ko siya napansin na pumasok kanina baka dumaan sa likod na pinto, kaklase ko din pala siya dito sa subject na ito pero parang wala dito ang kuya niya.

Tinignan ko yung kausap niya, teka yung antipatikang babae pala yun, mukhang close sila ah. Ano nga bang pangalan nun nakalimutan ko na sa sobrang inis ko.

"Naku ayan nanaman silang dalawa, hayaan mo na lang silang dalawa Liezel. Tara na kain na tayo bago ng next class natin."

"Angela kilala mo ba sila?" tanong ko sa kanya habang nakatitig pa rin sa dalawang nag-uusap.

"Oo naging kaklase ko na sila before nung high school, dati ka-section ko din sila, yung isang maingay si Chelsea Sy yun, Queen bitch ng university, popular, head cheerleader, rich, spoiled at maganda. Yung isa naman si Alexandra Monique Monteverde (Alex) a.k.a. Cold prince ng university, popular, student council president, rich at matalino."

"Prince? pero babae siya di ba?" pagtataka ko.

"Well just to let you know lesbian siya matagal ng usap-usapan iyon lalo na wala naman siya naging boyfriend since then, tapos one day siguro just to clear the rumors around since council president nga gumawa ba naman ng official announcement sa assembly."

Bakit kaya yun ang nickname ni Alex maiitindihan ko pa siguro yung nickname ni Chelsea kilala ko yun eh kasama ko nga sa bahay di ba at isa pa dapat palitan nila to ms. antipatika na lang sabi ng isip ko.

"Labas na tayo Liezel baka mawalan pa tayo ng oras kumain."

Nakatitig pa din ako dun sa dalawa habang palabas na kami ng classroom aba tumayo na rin at ready ng lumabas si ms. antipatika, oo yun tawag ko sa kanya, nickname ko sa kanya yun guys.

*Thud!*



Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong fourth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon