Chapter 33- Starting Over Part Two

1.2K 39 0
                                    

Alex POV

Kinakabahan ako pero dapat hindi ganito ang nararamdaman ko kasi normal lang na conversation ang gagawin namin. Nung simula hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, kung hihingi ba ako ng tawad sa ginawa ko sa kanya nung party o pag-uusapan namin dalawa yung tungkol sa project namin for Entrep but I immediately blurted out "I am sorry" infront of her.

Nagkatitigan lang kami after that.

Kitang-kita sa mukha niya na tila naguguluhan siya sa ginawa ko kaya sinubukan ko siyang tanungin kung may sasabihin ba siya, utal-utal na nga ako nang gawin ko iyon, ngunit bigo ako dahil wala pa rin siyang sagot. Inulit ko ang paghingi ng tawad sa kanya ngayon ay mas seryoso na and thank god nagsalita din siya dahil kung hindi pa rin siya magsasalita ay aalis na lang ako kaysa ipagpilitan ko pa.

Nang magsalita siya nabanggit niya na wala siyang maalala na dapat ikahingi ko ng tawad kaya naisipan kong ipaalala.

"Stop!"

😳

Parehas kaming nagulat sa nangyari at pagkatapos noon balik nanaman sa mahabang katahimikan. Kahit wala ni isa sa amin ang nagsasalita patuloy na lang ako sa pagtitig sa kanya, hindi ko akalain na may mararamdaman ako para sa babaeng ito. Aaminin ko minsan lang ako nagmahal at matagal na iyon kasi takot na akong masaktan pa muli. Liezel bakit ganito ang epekto mo para kang gamot na hindi mawala sa sistema ko, kaya gusto kong gawin ang lahat mapalapit lang sa iyo.

Habang ako ay nakatitig pa rin sa babaeng nasa harap ko bigla naman siyang nagsalita at sinabi na okay lang at mas mabuti pang kalimutan na lang iyon dahil isang malaking pagkakamali ang nangyari at dapat binabaon na lang sa nakaraan upang hindi na maungkat. Nakaramdam ako ng kirot the moment she said those words maybe deep down hindi yun ang gusto ko marinig mula sa kanya.

Patuloy lang kami sa pag-uusap hanggang sa magsimula na siyang magpaalam pero biglang gumalaw ang katawan ko para pigilan ang pag-alis niya. Nagpupumilit siyang kumalas sa pagkakahawak ko alam ko yun kasi nararamdaman ko.

"Alex kung pwede lang bitawan mo ako kung may gusto ka pang sabihin, dito lang ako wag ka mag-alala." sabi niya habang nakatalikod sa akin

"Pasensya na, baka kasi hindi na kita ulit makausap kapag hindi pa kita pinigilan. Halatang-halata pa naman na nilalayuan mo ako."

"P-paano mo naman nasabi na nilalayuan k-kita at isa pa hindi rin naman tayo ganoon magkakilala at ka-close para laging mag-usap." utal naman na tanong niya.

😁

Napa-smirk ako sa sinabi niya kaya naisip ko, bakit hindi kami magsimula ulit na parang first time lang namin magkakilala, kalimutan ang lahat tulad nga ng sinabi niya kanina.Hindi ko agad siya napapayag kasi nga iniisip niya yung sasabihin ng ibang tao at isa pa nakatira siya kasama si Chelsea at alam naman natin na malaki ang pagkakagusto nung tao sa akin kaya baka mamaya kung ano pa ang magawa niya kay Liezel at yun naman ang hindi ko hahayaing mangyari.

"Sigh! Okay payag na ako." seryosong sagot ko sa kanya

Yes pumayag din siya kaya diretso na ako nagpakilala sa kanya. Pagkatapos kong gawin iyon tinawan lang ako baliw yata ito eh. Patuloy pa rin siya sa pagtawa kaya kinausap ko siya.

"I like Girls no let me rephrase that I love Girls."

😳

Hahahaha ang cute niya pero yun naman ang totoo I'm a lesbian

"A-ah a-alam k-ko n-naman y-yon ah!"

Hay ang cute talaga ng mahal ko kapag kinakabahan.

"O ikaw naman, ako lang ba dapat ang magpapakilala?"

"Opo ito na ako si Liezel Jenny Guinto but you can call me Liezel or Jenny ikaw na ang bahala pero wala naman kasi tumatawag sa akin ng Jenny kaya kung ako sa iyo Liezel na lang."

"Ahm? Yun lang ba? Wala na ba dapat akong malaman, ikli naman ng introduction mo"

"Okay alam mo naman na isa akong katulong sa bahay nila Chelsea at Tristan Sy, at ......straight ako."

Nagulat ako sa huling sinabi niya nakaramdaman din ako ng konting sakit pero naisip ko nagsisimula pa lang naman kami kaya malay natin magwork ang relationship between us, tulad nga ng palaging sinasabi ni Mama before wag susuko hanggat kaya pa at kung worth it ang pinaglalaban. Masasabi ko naman worth it tignan niyo ba naman yung babaeng nasa harap ko hindi ba worth it yan. Teka lokohin ko nga.

"Talagang kailangan mo pang sabihin yung last part about you being straight, hahaha! Don't worry I can assure you your not my type."

Siya naman ngayon ang nagulat. Hehehe! sabi na nga ba.

😋

"A-anong i-ibig m-mong s-sabihin pangit ako? A-ano b-ba ang t-type m-mo?"

"Wala ka na dun, nagsisimula pa nga lang tayo sa friendship natin eh, tsaka na yan, sasabihin ko din sa iyo. O paano friends na tayo ha at dahil diyan wag mo akong iiwasan. Kita na lang tayo mamaya kasi pag-uusapan pa natin yung project anong oras ba matatapos yung orientation niyo?"

"Hindi ko din alam basta magstart siya ng 4pm, nung mga nakaraang araw kasi umaabot siya ng 5:30."

"Sige pupuntahan kita sa org room niyo ng 6pm para makapagsimula na tayo sa project."

Sumang-ayon naman siya sa sinabi ko kaya nag-paalam na ako sa kanya upang kausapin si Chelsea.

Pagkalipas ng ilang minuto nakarating na ako sa room nila pero ang sabi sa akin nung isang member lumabas lang daw para kumain, pero baka bumalik na daw in a few minutes kasi kanina pa naman sila umalis.

Aantayin ko na lang siya dito sa labas tutal may mga upuan naman, kailangan ko na din malinaw sa kanya ang lahat para hindi na niya awayin pa si Liezel, oo guys alam ko yung nangyayari sa kanilang dalawa marami yata akong connections. Pagbalik namin monday morning yun pinag-chismisan ba naman yung nangyari sa party, most members of Chelsea's squad ayon sa source ko ay inaasar si Liezel at kung ano-ano daw ang sinasabi. Kaya simula nun sinusundan ko na siya pero di naman lagi kasi busy din ako kapag may oras hinahanap-hanap ko siya. I remember one incident recuitment week yun hindi sinasadya magkatabi ang booth the cheerleading squad at red cross youth nakita ko na nagkakasagutan na ang mga members na parehang grupo tapos biglang lumabas sa booth nila si Liezel at mukhang pinipigilan niya bago pa lumalala ang sagutan, matapos ang ilang minuto dumating si Chelsea at sila naman dalawa ang nagsagutan. Gusto ko sanang puntahan sila baka kasi may mangyari pang masama pero pinigilan ako ni Max at sinabihan na lumayo muna ako dahil pagnagkataon mas lalo pang mag-away yung dalawa. Naiintindihan ko naman si Max at alam ko din na alam niya kung ano yung nararamdaman ko bestfriend eh. Umalis na lang kami at hindi ko na alam kung ano pa ang next na nangyari wala naman kaming natanggap na reklamo, mabuti at tumigil sila.

"Alex ikaw ba yan? Anong ginagawa mo dito?" sabi naman ni Kath na papasok na sana sa room nila

"Ah! Kasi si..."

"Katherine bakit di ka pa pumapasok sa loob, dali na marami pa tayong pag-uusa..."

Pero bago pa matuloy ni Chelsea yung sasabihin niya napansin niya akong nakaupo malapit sa room nila.

"Chelsea pwede ba tayong mag-usap?"


Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Thirty- third chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon