Alex POV
Naipasa ko na kay Mam yung business proposal pati yung mga pina-survey ko kahapon, malaki naman ang tiwala niya sa akin kaya nagbigay na siya ng "go signal" para masimulan na namin. May isa naman taong galit na galit sa akin, pero nung pinakita ko sa kanya kagabi yung pinasa ko wala na akong narinig sa kanyang reklamo. Today is Saturday at meron kaming Project making/Date. Nung una nahirapan ako maghanap ng lupa kasi mahirap makipag-deal dun sa iba ayaw ipabenta pero di ako sumuko, I found the right place and sakto yung may-ari willing to sell the land kasi mag-migrate na daw sa ibang bansa. I am currently driving to her place para masundo siya nagtxt na rin naman ako sa kanya kanina na on the way na ako at antayin na lang niya ako sa labas ng gate para diretso biyahe na kami.
"Kanina ka pa ba nag-aantay? Sorry nagpa-gas muna ako sa labas ng village di naman kasi ako nasabihan nung driver na ginamit pala itong Ford Explorer kagabi."
"Hindi naman ganoon katagal, kapapaalam ko lang kay Inay."
"Pasok ka na diretso na tayo sa expressway dun na lang din tayo mag-breakfast."
"Expressway? San ba tayo pupunta Alex?" tanong niya habang binubuksan yung pinto sa likod
"Teka nga bago kita sagutin, bakit diyan ka sa likod uupo? Gagawin mo pa yata akong driver ah! Dito ka sa harap."
Mukhang pinag-isipan muna niya bago niya isinara yung likod at pumunta sa harap.
"Ngayon sasabihin mo ba kung saan tayo pupunta?"
"Relax I'm not gonna lead you to anything bad, besides I told you before para sa project natin ito at nangako ka din na you will help me."
"Oo nga sinabi ko yun pero, gusto ko lang malaman kung saan para masabihan ko si Inay at mamaya nag-aalala yun."
"Okay ako na ang bahala, give me your phone. Dali."
I got her phone tapos sinend ko sa phone ko yung number ng nanay niya and I started texting her. Agad namang sumagot.
One message received....
"Ah Alex number mo pala ito, bakit parang antagal naman yata? Pwede bang itxt mo ako kung anong exact address niyang pupuntahan niyo at pakisabihan yang anak ko na tumawag sa akin kahit ilang beses pa basta ma-make sure lang na safe kayo."Nanay Luz
Nasend ko na kay nanay Luz yung address at nag-ok naman ako sa bilin niya. Humarap ako kay Liezel at sinabi ko na pinagpaalam ko na siya at pumayag naman. Nagsimula na ulit ako magmaneho na parang walang naririnig sa mga sinasabi niya.
"Ano ba Alex hindi mo ba talaga ako pakikinggan at sasagutin? Kanina pa ako nagsasalita dito, saan ba kasi tayo pupunta at bakit bukas mo pa ako iuuwi sa amin?"
"Magtiwala ka lang sa akin. I'll tell you everything later. Sa ngayon matulog ka na lang muna at gigisingin na lang kita kapag kakain na tayo. Hopefully mabilis lang ang biyahe."
"Argh! Kaasar ka talaga. Nagtatanong ako ng maayos. Wala man lang kahit isa sa mga tanong ko ang nasagot. Bahala ka na nga."
Nakatulog din sa wakas, akala ko di na siya titigil. Napagod siguro. Di bale gisingin ko na lang mamaya.
After 1hr...........................,,
Malapit na kami mabuti pa at makahanap muna ako ng lugar kung saan pwede kaming kumain, baka gutom na itong kasama ko.
Sinubukan kong gisingin si Liezel at nagwork naman yun nga lang ang sama ng tingin sa akin.
"Okay before you say anything, gusto ko lang sabihin sa iyo na malapit na tayo sa pupuntahan natin. Bago tayo dumiretso doon kain muna tayo dito sa resto, alam ko nagugutom ka na din. And I'll tell you every details you need to know."
Tahimik lang siyang sumusunod sa akin, I signal the waiter and told him table for two.
"Alam mo kung di ka magsasalita oorderin ko lahat." pananakot ko
"Nagsayang ka pa ng pera, kahit ano sa akin, ikaw na ang bahala, wag lang lahat ng nasa menu. At inaantay ko pa rin yung explanation mo." seryosong sagot niya sa akin
Nakuha na nung waiter ang mga order namin, wala naman akong narinig na angal sa kasama ko kaya pinaalis ko na at sinabi niya ang waiting time is 10-15 min.
"Nasa tagaytay tayo. Di ba sabi ko sa iyo its for our project. I got a hold of a seller of a land malapit lang dito and I bought it immediately yun ang pupuntahan natin."
"La-Land? P-Para sa project?"
"Yes, di ba kailangan natin ng bulaklak para sa shop natin, kaysa bumili tayo why not sa atin manggaling."
Nag-antay lang kami ng pagkain, hindi na niya ako kinausap patuloy lang siyang kumain nang mai-serve sa amin. Natapos ang lahat ng wala kahit isa sa amin ang nagsalita, well ako lang siguro kasi kausap ko yung waiter.
1:30pm.............................
"Nandito na tayo, mauna muna ako dahil kakausapin ko yung caretaker."
Hindi pa din niya ako kinakausap, ano ba naman ito? Di ba dapat para sa project namin ito tapos kung okay lang sa kanya date na din dahil nga gusto ko siyang makasama, ngayon nasa tampuhan stage kami di pa nagsisimula.
Hahayaan ko na lang muna baka mamaya magsalita na din siya, kakausapin ko muna si Mang Andres para mapasok ko na ang sasakyan, may gate kasi papasok dun sa mismong lupa.
"Sir kanina pa po ba kayo diyan sa labas? Pasensya na po ah may mga inaayos lang po kami sa mga tanim."
Ito si Mang Andres, caretaker nung unang may-ari, ngayon nagtratrabaho na siya para sa akin. Siya ang mag-mamanage nitong farm kapag wala kami dito. Kahit yung ibang nakitara dito na nagma-maintain nitong place ay hinayaan ko na manatili dito nakakaawa naman kung paalisin ko sila, pero naisip ko din magdagdag ng iba pa.
"Kararating lang po namin, pabukas na lang po yung gate para maipasok ko yung sasakyan ko at alam ko pagod din sa byahe yung kasama ko."
"Sige po sir ipapabukas ko na."
Pumasok sa loob si Mang Andres ako naman bumalik na sa sasakyan.
Medyo malaki-laki itong nabili ko, okay lang naman kasi marami din akong plano dito.
Nakarating din kami sa bahay/office nitong farm at bumaba na kami ni Liezel sana hindi na siya magtampo sa akin hanggang makauwi kami hindi ko kakayanin na tumagal pa yung ganito sa amin.
"Sir, Mam Welcome po sa Farm."
Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Fifty Fifth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...