Alex POV
"Hindi lang yan ang matatanggap mo sa akin!"
😐
"How many times have I told you, you will only do the things that I will say! Hindi mo kailangan magrebelde na parang kapatid mo! Basta basta ka na lang umalis at iniwan ang mga responsibilities mo dito hindi kita pinalaki para maging ganyan!"
😐
"Nakalimutan mo yata na magkikita kayo ni Chelsea nung saturday para puntahan at tignan yung island na binili ni Antonio para sa kanya. Nakakahiya sa kanila kaya bukas na bukas kausapin mo si Chelsea at humingi ka ng tawad. Mag-set kayo ng ibang araw para pumunta sa location. That is considered a part of our business now and you are the only one that I can trust with all my businesses, pero hindi mo yata naiintindihan iyon kasi nagawa mo akong suwayin."
😐
"O what do we have here! Nakabalik ka na pala big sis." sabi ni Andy habang papasok sa pintuan
"Isa ka pa kailan ka ba magtitino ha! Gusto mo bang mabuhay na lang sa hirap at lansangan! Kasi sa mga ginagawa mo at kilos mo doon ka pupulutin sa kakungan!"
"Teka, teka hindi ako kasama sa pinag-uusapan niyo kaya pupunta na ako sa kwarto ko Dad."
"Mabuti pa nga kasi amoy alak ka nanaman, maglinis ka nga ng sarili mo at bukas tayong dalawa naman ang mag-uusap."
Umalis na ang kapatid ko pero ako nakatitig pa din kay Dad, medyo masakit pa ang nasampal na bahagi ng mukha ko pero hindi ko pinahahalata sa kanya yun and maintain a straight and serious face.
"Alex! I am very dissappointed and angry at you, I considered you a disgrace to this family pero ikaw lang ang maasahan ko ngayon kaya umayos ka maraming matang nakabantay. Is that clear?"
"Yes Dad."
"As for your punishment, all your free time will be dedicated to the company, gusto sana kitang patigilin sa mga extra curricular activities mo pero kailangan mo din yan kapag nag-aral ka sa ibang bansa, kaya ngayon bantay sarado ka sa lahat ng kilos o gagawin mo. Pasalamat ka nga at yan lang ang parusa mo dahil mas malala kapag pinalayas kita at wala kang makukuha kahit ano sa akin.
You must never forget whatever I say is the law.""Yes Dad."
"Pumunta ka na sa kwarto mo at matulog maaga ka pa bukas."
Inantay ko muna makapasok si Dad papunta sa kanyang opisina bago ako makapasok sa kwarto ko.
Humiga ako at agad na ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ang una kong nakita sa pagsara nito ay mukha ni Liezel pero pagkatapos noon ay nakatulog na ako.
..............................................."Alex gumising ka na diyan at may pasok ka pa, huwag ka mag-alala kasi ang Dad mo umalis ng maaga at may biglaang meeting sa tagaytay."
"Salamat po Manang. Mag-aayos lang po ako."
7:30am....
"Nandito ka na pala?"
"Oo dumating ako kagabi medyo late na din kaya hindi mo napansin. Tulog pa yung isa?"
"Alam mo naman ang umaga sa kanya mga 10 or 11 at panigurado lasing namaman yun, parang tubig lang sa kanya ang alak."
"Naabutan mo ba si Dad?"
"Oo at nagmamadali nga umalis kanina hindi man lang nag-almusal, kamusta ka pala?"
"Aba himala, nag-aalala ka pala sa akin." pang-aasar ko
"Kalimutan mo na nga yung tanong ko at kumain ka na lang diyan. Hindi ka pa ba late?"
"Hindi pa naman at isa pa wala yung prof ko ngayon for the first subject yung next naman mamaya pang 11:00 kaya di ako nagmamadali."
"Kung ganoon mauna na ako sa iyo, marami pa akong gagawin."
"Sige mag-ingat sa pagmamaneho AJ."
8:30am.....
"Manang pasok na po ako, pakigising na lang po si Andy baka di nanaman makapasok sa school."
............................................."Nandito na pala yung prince charming mo Chelsea."
"Naku nagtatampo yan paano ba naman kasi hindi siya sinamahan, dapat the whole weekend silang dalawa lang ang magkasama." sabi naman ni Clara
"Dali na baklah ka puntahan mo na wag na umarte."
"Alex inantay kita sa bahay at sinubukan kang kontakin pero walang sumasagot kaya ako na lang ang pumunta, sana...."
"Chelsea ahm, buti na lang at nandito ka. Pwede ba tayong mag-usap?"
"A-ah ganoon ba, a-ayos lang naman sa akin. Ngayon na ba?"
"Kung pwede sana ngayon na, sa student council room na lang tayo magkita, aantayin kita doon."
Iniwan ko na siya kasi alam kong kakausapin pa niya ang mga kaibigan niya.
"Labs ayan na pala si Lex."
"Oo nakikita ko siya labs, Alex bakit ngayon ka lang may kailangan ka pang reviewhin at pirmahan dito dapat nung friday pa ito pero umalis ka kasi agad at hindi ka namin makontact."
"Pasensya na kayo Max, ayoko kasing buksan yung phone ko dahil baka malaman ni Dad kung nasaan ako. But don't worry I'll handle everything now and finish it as soon as possible."
"Wala naman kaso sa amin yun naiintindihan ka namin mabuti na lang nga at bumalik ka din agad."
"I learned my lesson."
"Lesson?" pagtatakang tanong ni Al
"Oo, I don't have a control over my life and that the only person I should follow is my Dad. I should be able to do whatever it is he wants me to do. You see last night he told me that the worst punishment I could get is mapalayas ako at ni isang singko o tulong wala ako makukuha pero he is wrong on that, this is the worst punishment, being a puppet for that kind of person."
Iniwan na lang ako nila Max at Al sa student council, alam ko nag-aalala sila sa akin at kita ko din sa mga mata nila ang pag-kaawa. Pero tanggap ko naman na the only way I can escape is if he dies pero syempre hindi ko naman gugustuhin yun dahil magulang ko pa rin siya despite of everything that happens. Narinig ko ang katok sa pintuan ng council room kaya sabi ko pumasok na lang siya.
Nag-usap lang kami ni Chelsea tungkol sa dapat naming lakad nung saturday. Humingi ako ng tawad at nakapag-set na kami ng panibagong araw, pumayag naman siya, pagkatapos noon ay iniwan ko na siya dahil malapit na magsimula ang next class ko.
Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Fifty First chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...