Liezel POV
Ilang buwan din akong nawala pero naalala ko pa din ang lahat na parang kahapon lang ay nandito ako. Siguro bibisitahin ko iyong mga kaklase at kaibigan ko para kamustahin sila kapag natapos ang kalbaryo ni itay sa palengke, yun naman kasi ang rason kung bakit kami napauwi. May mga nagbago kaya, siguro naman wala kasi di naman ganoon katagal, hay mabuti pa at gisingin ko na itong si Inay.
"Nay gising na po kayo malapit na tayo sa Santa Barbara."
Inalog-alog ko si inay kasi baka mamaya lagpas na pala kami, medyo late na din kasi. Sinabihan ko naman si Inay na i-text si kuya Miggy na abangan kami sa may terminal ng bus, dahil marami din kaming dala. Sa totoo lang puro nga pasalubong sa mga kapatid ko pati na sa asawa at anak nila pati na din kay itay, simpleng damit at pagkain lang naman.
"Anak pakikuha na lang yung gamit natin sa taas ako na bahala at magpapatulong sa konduktor para sa iba pa nating gamit sa baba."
Ilang minutes din ang nakalipas at nakababa na kami ng bus at dala-dala na ang mga gamit namin.
"Nay! Nay!"
Bigla kaming napatingin dun sa taong sumisigaw, si Kuya lang pala at mukhang kanina pa siya nag-aantay.
"Miggy, anak, pasensya na kung natagalan kami, late na kasi nakaalis yung bus sa maynila. Kamusta na ang bunsong lalaki ko? Matagal din yung last tayong nagkita."
"Nay ayos lang po yun kasama ko naman kanina yung kaibigan ko, katunayan nga po ka-aalis lang pinatawag ni Mang Elmer. Okay naman po ako tumutulong pa din kay Itay."
Habang nag-uusap sila ni Inay bigla naman tumigil si Kuya sa pagsasalita at ako naman ang kinausap.
"Bunso! Kamusta buhay sa maynila? May kasintahan ka na ba? Naku lagot ka kay itay pagnakataon." sabi ni Kuya habang papalapit sa mga dala naming bagahe para buhatin
"Mahilig ka pa din magbiro at mang-asar kuya noh! Tulungan mo na nga lang kami nang makauwi na tayo sa bahay. Kanina pa nag-aantay si Itay."
"Tara na nga, ito talaga si bunso pikon pa din. Nay, Jen dala ko yung sasakyan ni Itay kaya dadalhin ko muna itong ibang bagahe doon tapos babalikan ko kayo."
Nang makaalis si kuya nag-antay kami ni Inay ng mga ilang minuto din bago siya nakabalik. Kung nagtataka kayo sa tawag sa akin ng kuya ko, tama yun kasi nga yung buong pangalan ko ay Liezel Jenny nickname ko yung Jen pero sa kanya lang di ko alam kung bakit pero siya lang ang tumatwag sa akin ng ganun.
"Halika na po kayo nay, para masakay na rin yang mga hawak niyo at makabalik na tayo sa bahay."
Nang matapos mailagay ni kuya ang lahat ng mga bagahe namin sa sasakyan ay pumasok na rin siya at nagsimulang magmaneho. Saktong Alas dose na kami nakarating sa bahay at napansin ko na gising pa si Itay.
"Itay!" sigaw ko sabay lapit sa kanya para yumakap
"Naku ang Inday ko nakauwi na din, dalawang buwan din kitang hindi nakita anak. Bakasyon ka na ba?"
"Oo nga po eh dalawang buwan pero parang isang taon na. Naku hindi pa po bakasyon kakasimula pa nga lang po ng klase namin."
"Eh! Kung ganoon bakit umuwi ka na, may pasok ka pa pala, sayang ang pagliban mo sa klase."
"Ayos lang po itay, nag-aalala din po ako sa inyo at isa pa kaya ko naman humabol sa mga topics namin. Matalino yata itong bunso niyo."
"Oo nga naman tay matinik kaya yan si Jen. Dami nga daw nangliligaw sa maynila eh!" pang-aasar ni kuya miggy sa akin
😳
"Ano yan pinagsa-sasabi ng kuya mo Liezel? Papuntahin mo dito para makilala namin ng mga tiyohin at ninong mo."
"Naku baka maka-inuman niyo lang at malasing niyo pa." singit naman ni Inay habang pababa ng hagdan
" Itay at Inay huwag kayong maniniwala diyan kay kuya Miggy, gumagawa lang yan ng kwento. Wala kasing kasintahan kaya naghahanap ng maasar." sabi ko naman habang tinitignan ng masama si kuya
"Aysus! Sigurado ba tayong walang manliligaw yan, eh dito nga sa atin meron. Kanina pa nga nag-aantay sa pagdating nung isa diyan, nag-stay ba naman hanggang hapunan, naki-kain pa." dagdag pa ni kuya
"Kuya, paano naman kasi niya nalaman na uuwi ako at isa pa dapat sinabihan niyo na halos madaling araw na kami makaka-uwi ni Inay para hindi nag-antay yung tao ng matagal." sabi ko sabay dila sa kanya
"Tigilan niyo na nga yan, Liezel anak umakyat ka na sa taas at magpalit ka na ng damit pantulog. Pagkatapos mo magbihis ay bumaba ka din agad tutulungan mo pa ako dun sa mga pasalubong."
Tumango ako sa sinabi ni Inay at agad na pumunta sa kwarto ko. Tinanggal ko ang mga damit ko sa bag at inilagay ko sa cabinet, kumuha na rin ako ng pangtulog na daster. Napatingin ako sa may bintana, grabe ibang-iba talaga dito sa probinsya kaysa sa maynila. Sa totoo lang mas maganda pa dito at tahimik. Tignan mo nga mas maraming bituin pero kapag nasa ciudad ka wala man lang ni isang bituin na makikita. Kapag nakapagtapos ako magtatayo ako ng sarili kong negosyo dito sa probinsya malayo sa matao at matraffic na lugar na pinanggalingan namin.
"Uy! Jen ano pang ginagawa mo diyan? Kanina ka pa namin inaantay sa baba, gabi na rin dapat nga natutulog na tayo kaso si Inay ang kulit sabi niya ngayon na daw iligpit yung mga pasalubong." sigaw ni kuya mula sa kabilang side ng pinto ko
"Sige na kuya bumaba ka na, susunod din ako."
Umalis na din si Kuya ako naman palabas na rin ng kwarto, maliit lang itong bahay namin pero maayos naman at kumpleto sa kagamitan.
"Liezel halika na dito para maabot mo ito sa itay at kuya mo, yung iba siguro bukas na lang tutal pupunta naman ang mga kapatid mo kasama ng kanilang pamilya."
Inilabas namin ni Inay ang mga pasalubong para kay Itay at kuya Miggy mukhang nagustuhan naman nila nang iaabot namin. Yung mga pagkain ay inilagay namin sa ref at cabinet sa kusina. Nang matapos isinara ni Inay ng maigi ang mga bag kasi nga yung ibang ibibigay sa mga kapatid ko pati na din ang kanilang pamilya ay nandoon pa. Bukas daw pupunta sila kaya sa oras na lang na iyon ipapamahagi ang mga pasalubong. Dahil pagod na pagod kami sa biyahe at nag-antay sina Itay at kuya Miggy ng matagal naisipan na namin na umakyat at magpahinga na, maaga pa kaya kami bukas. Hindi pa nasasabi ni Itay kung ano ang problema pero panigurado namang kakayanin namin lalo na at kumpleto kami bukas, ay mamaya pala, paano madaling araw na pala. Sige makatulog na nga nakakapagod ang araw na ito, biglaan ba naman ngunit kahit papaano ay masaya pa din.
😊
Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Thirty- nineth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...