Hi guys! Bagong taon, Bagong update :)
Chelsea POv
Umuwi muna ako sa bahay dahil may nalimutan akong dalhin, nagkayayaan kasi ang squad na mag-mall at dahil walang pasok ngayon go ako.
Ha? Sino yung nasa labas ng bahay?
"Manong huwag ka munang pumasok at itabi mo itong sasakyan sa side."
Nang huminto ang sasakyan agad akong lumabas kasi namumukaan ko din yung taong pabalik na ngayon sa kanyang sasakyan.
"Alex?"
"Bakit nandyan ka sa labas? Tara sa loob."
Bumalik ako sa sasakyan at pinapasok ko si manong.
Nagtxt na rin ako sa squad na hindi na ako makakabalik, minsan lang ito. Ayokong sayangin ang opportunity."Alex dito ka muna at magpapahanda lang ako ng merienda."
Dali akong pumasok sa kitchen para hanapin si Manang at para tanungin na din kung nasaan si Liezel. Alam naman natin na kapag nasa labas yan mas lalo lang akong mahirapan paibigin si Alex.
"Mam nasa likod po siya naglalaba, may kailangan po ba kayong ipagawa?" tanong ni Manang Luz
"Wala po Manang Luz, si Yaya na lang po, tapusin niyo na lang po iyong ginagawa niyo."
Kinausap ko si Yaya na maghanda ng merienda para sa dalawang tao at lumabas na ako ng kusina.
"Yaya padala na lang dito sa sala ah!" pasigaw kong utos
Umupo ako sa tabi niya. Paano ko ba siya kakausapin? Magtampo kaya ako sa kanya kasi hindi niya ako sinamahan o sinabihan man lang. Ang nakakaasar pa kilala ko kung sino yung kasama niya at alam kong kilala niyo din siya. Aawayin ko na sana pero si Kuya kasi pinagtatanggol at binabantayan pero minsan hindi nila napapansin na panay utos ako para lang mahirapan siya.
"Chels uunahan na kita, humihingi ako sa iyo ng tawad sa ginawa ko. I've been a jerk and an insensitive person. Alam kong may gusto ka sa akin but I am afraid that I can't return your feelings. We can still be friends, di na kita susungitan at kung kailangan mo ng tulong or kausap I will be always there when you need me. Regarding naman dun sa dapat lakad natin again I'm sorry nakalimutan kitang sabihan nawala kasi sa isip ko na may plano tayo busy ako nitong mga nakaraang araw. If you want we can reschedule, ikaw na ang bahala kung kailan basta sabihan mo lang ako ahead."
Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Asar na asar ako ngayon kay Liezel, talagang tuluyan na niyang naagaw sa akin yung kaisa-isang taong minahal ko.
"Chelsea okay ka lang ba?"
Halata na sa mukha ko ang sobrang pagkainis. Galit ako kay Alex kasi sa chimay pa siya nagkagusto, kay Liezel kasi inagaw niya si Alex at kay Kuya,Mama at Papa dahil madalas nilang pinagtatanggol siya kaysa sa akin.
Argh!!!!
🤬
Anong gagawin ko? Ayoko mawala siya sa akin, hindi ako papayag. Tama! Tsak hindi magugustuhan ni Tito Xander yun kaya may pag-asa pa ako kahit papaano. Kailangan ko na lang mailayo si Inday sa kanya, tutal pinag-uusapan naman na ang pagpapakasal namin.
"Uy! I know you are still angry at me but please say something, to tell you the truth nagui-guilty ako, that is why willing akong bumawi sa iyo."
"Kung gusto mong bumawi sasamahan mo ako kapag may pupuntahan ako o kapag niyaya kita, okay ba yun?"
"Sure anywhere, anytime basta wala akong prior arrangements."
"Promise yan ah?"
"Promise."
Patuloy ang pagkwe-kwentuhan namin, natutuwa ako kasi ngayon lang nangyari yung ganito usually she will ignore me tsaka nga lang niya ako nakakausap kung school related or kapag nagkikita ang pamilya namin.
"So Chels okay na tayo ah! Txt mo lang ako kung kailan tayo pupunta para matsek ko kung may gagawin ako nung araw na yun o wala. Mauna na ako, grounded ako ngayon panigurado pinapahanap na ako ni Dad."
Dahil iyon sa di niya pagsama sa akin, narinig ko kasi yung pag-uusap ni Dad at Tito nung linggo.
Palabas na siya ng bahay, nang bigla ko siyang tawagin.
"Alex! Sandali!"
Lumingon siya sa akin, at nagtanong kung may kailangan pa ba ako.
"Can I ask you for a favor?"
"Ayos lang, ano ba yun?"
"Kung pwede lang sana layuan mo si Inday, I mean si Liezel."
"Ha? Anong sinasabi mo diyan?"
"Forget about her, wag kang lalapit sa kanya, hindi kayo nababagay."
😐
"Nagpapatawa ka ba Chelsea! So sino ang bagay? Tayong dalawa? Don't ask for that kind of favor again because ngayon pa lang sinasabi ko sa iyo I can't do that." seryoso niyang sagot
Tumalikod na siya ulit at papaalis na kaya hinarangan ko siya.
"Alex ano ba? Hindi pa tayo tapos mag-usap, mangako ka sa akin please!"
"Chelsea again I am sorry pero yan ang hindi ko mapapangako sa iyo, ayaw din kitang paasahin but I made up my mind I will pursue her and whatever happens hindi na mababago ang nararamdaman ko sa kanya."
"Tumigil ka nga sa kahibangan mo! Sa tingin mo may happy ending kayo? Ikakasal ka na sa akin, si Liezel straight yun at hindi papayag ang mga magulang niya pati na rin si Tito Xander sa relasyon niyo. Kaya kalimutan mo na siya at magmahal ka na lang ng iba!" sigaw ko sa kanya
"Aalis na ako kaya tumabi ka! Baka kung saan pa umabot ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko!"
"Sige! Sige nga! Anong gagawin mo? Tanga ka Alex, isa ka malaking tanga! Hindi kakayanin ng isang chimay ang maki-relasyon sa kapwa niya babae, kaya ngayon pa lang magising ka sa katotohanan na hindi kayo para sa isa't-isa!"
Hinabol ko siya sa labas ng bahay, pasakay na siya nang biglang lumabas ang kinamumuhian kong tao.
"Mam Chelsea may...."
"Ikaw!"
Nilapitan ko siya dahil sa sobrang galit ko para sabunutan nang humarang si Alex.
"Itigil mo yang binabalak mo, kapag itinuloy mo yan ako ang makakalaban mo." galit na sabi ni Alex
"Pumasok ka na nga Inday! Hindi ka namin kailangan dito." sabi ko habang nakatingin sa kanila ng masama
"Pero mam may...."
"I said leave!!!"
"Pumasok ka na sa loob Liezel. Ako na bahala sa kanya."
Nang makapasok sa loob si Liezel, humarap sa akin si Alex.
"Chelsea, magpahinga ka muna, you look like hell. Mag-usap na lang tayo ulit kapag clear na yang pag-iisip mo kasi lalo lang tayong mababangayan kung ipagpapatuloy pa natin ito."
Pagkatapos nun sumakay na siya sa sasakyan niya at umalis na.
Akala ko magiging maganda ang araw ko ngayon dahil pinuntahan niya ako mismo pero ako pala ang tanga.
I hate you Alex but I still love you.
Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Sixty Second chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...