Chapter 57- Pumapag-ibig

874 38 3
                                    


Merry Christmas everyone !!!! Another update, a gift to you from me. :)

Alex POV

"Alex huwag na, dito na lang ako at isa pa sabi mo nakapag-paalam mo naman na ako kay Inay at pumayag siya. Gusto din naman kitang tulungan."

Nung marinig ko sa kanya yun medyo natuwa ako, ayoko naman ipilit sa kanya at ipagdiinan na magstay siya dahil lang sa project namin. Unfair sa kanya hindi pa kami close, pero ngayon gagawin ko na ang lahat mapalapit lang sa kanya.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Sa totoo lang ayaw kitang pilitin baka lalo ka lang kasi mawala sa akin."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

Ayts! Ano ba yan Alex bakit mo naman dineretso.

"Wa-wala yun kalimutan na lang natin lahat, tungkol naman sa damit at mga essentials mo don't worry nagawan ko na ng paraan yun. Pinautos ko na kay Mang Andres na magpabili ng damit, underwear at kung ano-ano pang kailangan mo, pero syempre ang bilin ko sa kanila kausapin ka muna bago sila gumastos."

"Hindi mo na kailan gawin yun kaso naisip ko din hindi naman pwede ito pa rin ang damit ko hanggang bukas, itatanong ko na lang sa kanila kung meron silang lumang damit o kaya mga damit na di pa nagagamit."

"Liezel since you are going to stay here with me, samahan mo akong mag-ikot malawak pa kasi itong lugar, iyon ay kung okay lang sa iyo."

"Ayos lang, kanina ko pa gustong makita itong lugar ang ganda kasi, nakakamangha lang yung dami ng tanim at iba-iba pa."

Yes! Buti pumayag siya. Wala na akong takot o hiya sa sarili, itutuloy ko kung ano itong nararamdaman ko at sure na ako. Kaya Liezel gagawin ko ang lahat mapalapit lang sa iyo at nang malaman mo mahal na mahal kita.

Ilang oras din kami nag-ikot ang laki pala talaga nitong lupa, it was bought by my money at wala kinalaman ang yaman ni Dad dito.

"Alex! Tignan mo ito ang ganda."

"Mag-ingat ka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mag-ingat ka..."

Wow! Meron palang ganito dito hindi kasi nasabi sa akin ito, maitanong nga kay Mang Andres.

"Halika na dito Alex, matagal na din ako di nakakaligo sa ganito, nung maliliit pa kami madalas kaming dalhin nila Itay sa batis o talon na malapit sa amin. Naalala ko pa nga nagbabaon kami ng pagkain nila Inay para doon na kami buong maghapon."

Agad naman niyang tinanggal ang t-shirt niya at tumalon sa tubig. Nung una nahihiya akong tumingin sa kanya, ngayon ko lang kasi nakita ang side na ito ni Liezel, aaminin ko mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon