Alex POV
Alas tres na ako nakarating ng Zambales, nakakapagod ang biyahe ang sakit din sa pwet kasi kanina pa ako nakaupo. Dumiretso ako dito walang hinto-hinto kasi naisip ko na sa Zambales na lang kumain, since nandito na nga ako, maghahanap muna ako ng kakainan. Ah! Olongapo pala ito kaya pala maraming foreigner. Nakita ko na bukas ba yung Shakey's kaya nag-park na ako at pumasok agad. Buti na lang talaga 24hrs ito kasi kanina pa ako nagugutom.
"Yes sir anong order niyo?"
"Hi I would like to order your Super Bunch of Lunch meal"
"Iyon lang po ba sir?"
"Yes that would be all, no additional order. Thanks."
"Sir kindly wait for 5-10 minutes for your food, thank you."
Umalis na yung waiter, ako naman panay tingin dito sa extra phone ko gusto ko kasing malaman kung gaano pa kalayo ang lalakbayin ko papunta sa Iba, Zamabales. Mukhang malayo-layo pa, dadaan nga ako ng convenience store para bumili ng snacks and drinks para may kinakain ako sa daan. Gusto ko sanang buksan yung original phone ko baka may importanteng call or text pero naalala ko si Dad. Hay! Tama na nga Alex kalimutan mo muna lahat ng tungkol sa school, work and family mo, think of yourself kahit once lang wala naman mawawala.
"Sir here is your order."
"Thank you."
"Kung may kailangan pa po kayo just call us."
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Wow! complete meal, may soup, salad, chicken, mojos at pizza, buti may combo meal silang ganito. After 30 minutes naubos ko na yung pagkain ko, napansin ko dahil malapit ako sa bintana may matandang nakaupo sa labas mukhang kasama pa niya ang apo niya namamalimos sa mga dumadaan. Tinawag ko yung waiter para sa bill ko at sinabihan ko din na magdag-dag for take-out ng isang party size na Manager's choice, Party pack ng mojos and chicken at isang 1.5 na coke. Nang matapos na nila i-punch yung additional orders ko binigay na nila yung bill at nagbayad ako ng cash mahirap na baka malaman ni Dad na ginamit ko yung card ko at matun-tun pa niya ako.
"Sir, pasensya na po sa pag-aantay ito na po yung take-out niyo pati na rin ang sukli niyo. Thank you po for eating with us."
Lumabas na ako ng restaurant at pinuntahan ko si lola at ang apo niya.
"Lola, para po sa inyong dalawa, kung meron po kayong ibang kasama pwede niyo din pong i-share."
"N-naku iho andami naman yata nito. Nakakahiya naman sa iyo baka hindi ka pa kumakain o di kaya iuuwi mo pa ito sa pamilya mo."
"Huwag po kayong mag-alala, kumain na po ako at wala naman po akong pamilya na kakain nito.
Take-out po para talaga sa inyo yan ng apo ninyo, good for sharing din po sa iba.""Kaawan ka ng Diyos iho ang bait-bait mo. Alam mo bihira na ang ganyan. Julio apo halika dito tulungan mo akong hawakan itong binigay sa akin." sigaw niya doon sa bata na namamalimos malapit sa sasakyan ng customer
"Opo la sandali lang po."
"Iho anong pangalan mo?"
"Alex po. Saan po kayo umuuwi? Baka pwede ko naman po kayong ihatid inabot na rin kayo ng madaling araw dito."
"Ang totoo Alex eh lumuwas lang kami dito para mapagamot ako kaso hindi din nagkasya ang pera na dala namin, galing pa kami sa Iba. Kahapon pa kami nandito naubusan kasi kami ng pera pamasahe sana namin pauwi, kaya namamalimos ng kaunting barya ang apo ko para makabalik kami sa amin."
"Talaga po? What a coincidence, dun din po kasi ang punta ko. Kung okay lang po sa inyo ihahatid ko na kayo, ituro niyo lang po ang daan."
"Naku iho sobrang nakakahiya na, pati ba naman transportasyon namin pauwi ikaw ang sasalo. Baka makaistorbo lang kami."
"Huwag niyo na po problemahin yun kasi doon din po ako pupunta kaya di kayo nakakaistorbo sa akin. Kawawa din po yung apo niyo baka siya naman ang magkasakit kaya mabuti pa sumabay na kayo sa akin para makauwi kayo."
Sumang-ayon na si Lola Fely, pero bakas sa kanyang mukha ang pagkahiya. Sinamahan ko muna at inalalayan si Lola papasok sa sasakyan ko, sa harap ko na siya pina-upo. Si Julio naman ay pinapunta ko sa likod parehas ko silang tinulungan maglagay ng seatbelt mahirap na madilim pa rin sa daan, kailangan safety first.
"O Julio para hindi ka mabagot." binuksan ko ang tv na nasa harapan niya buti na lang may dala akong usb na may lamang movies.
"Salamat po kuya Alex."
"Kung gusto mo nang kumain pwede naman pero dahan-dahan lang kasi baka matapon dito sa loob ng sasakyan."
"Julio apo tiisin mo muna yang gutom mo, nakakahiya kay Alex baka madumihan pa ang loob ng sasakyan niya."
"Lola Fely ayos lang naman po na kumain siya dito dahan-dahan nga lang po baka kasi magkaroon ng langgam o di kaya ipis dito."
Mukhang okay naman na silang dalawa kaya nagsimula na ako mag-drive.
5:30 am .....
Grabe another dalawang oras na biyahe ang namaneho ko. Tumitigil din naman kami kasi hindi maiwasan na gustong mag-cr nina Lola Fely at Julio, okay lang din naman kasi nakakapag-stretch ako. Natutulog sa ngayon ang mga pasahero ko dapat siguro gisingin ko na si Lola para maturo niya ang daan papunta sa bahay nila.
"Lola, gising na po kayo nandito na po tayo sa Santa Barbara, Iba."
"Ganoon ba iho, sige kahit saan pwede mo na kaming ibaba."
"Huwag na po kayong makulit Lola, ako na po ang bahala maghatid sa inyo hanggang sa bahay po. Pwede po bang ituro niyo ang papunta doon."
Hindi na muling nakatanggi si Lola Felt at itinuro na niya sa akin kung saan ang daan. Naisip ko pagkahatid itatanong ko sa mga kapit-bahay nila o kaya kay Lola mismo kung may kakilala ba silang Liezel Guinto baka kasi alam nila kung saan nakatira. After 15 or 20 minutes narating din naman yung bahay nila, niyaya pa nga ako na pumasok sa loob hindi na rin naman ako nakatanggi kasi nga tulog pa si Julio ako kaya nagbuhat sa bata, hindi ko naman pwedeng hayaan na si Lola ang magpasok sa kanya matanda na yun. Nag-usap lang kami ni Lola, kwentuhan ba. Itatanong ko na nga sana kung kilala ba niya si Liezel nang.........
"Lola Fely! Kamusta na po ka..."
😳 😳
Hindi na natuloy nung babae yung sasabihin niya bagkus tumingin siya sa akin at biglang nagtanong
"Anong ginagawa mo dito?"
Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Fortieth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...