Chapter 42- Salu-salo

1.1K 39 0
                                    

Alex POV

Masaya kaming nag-uusap ni Lola Fely, nakwento na nga niya yung nangyari sa asawa at anak niya. Itatanong ko pa nga sana sa kanya kung may kilala ba siyang Liezel Guinto, pero biglang siyang tumigil sa pagsasalita at tila may nakita mula sa likod ko. Hindi din nagtagal ay lumingon ako para tignan kung sino yung nakita niya pero saktong pagharap ko.

"Lola Fely! Kamusta na po ka..."

😳😳

S-Si Li-Liezel, anong ginagawa niya dito? Aish ano ba yan bakit ko pa tinatanong ang sarili ko alam ko naman ang sagot.

"Anong ginagawa mo dito?"

Halatang-halata pa rin ang pagkagulat niya pero naisip ko na lang na sagutin siya baka maasar nanaman.

"Wow! Grabe ang swerte ko naman ngayon araw na ito. Hindi ko akalain dito pa kita matatagpuan ms. Clumsy."

Hahaha! Hindi man lang namansin, ms. Sungit na rin pala siya. Kinakausap lang nya si Lola Fely na parang wala ako sa harapan niya. Pumunta lang pala siya para imbitahan ito dahil may konting kaininan sa bahay nila.

"Sige pupunta na lang kami. Isasama ko na rin si Alex ha Inday."

Nagulat ako sa sinabi ni Lola, isasama daw ako, tinignan ko yung isa kung tatanggi ba o hindi pero parang dedma lang.

"A-ah E-eh k-kayo po ang bahala. Mauna na po ako sa inyo punta na lang po kayo sa bahay."

Ayon umalis na kaagad si ms. Sungit hahahaha! mukhang nailang.

"Alex iho, samahan mo sana kami diyan lang naman yun sa kabila tutal magkakilala naman na rin kaya ni Inday."

Sa totoo lang nagpunta ako dito para sa babaeng iyon pero faith has its own way of bringing us together kaya kung nandiyan na I better grab it kaysa mag-inarte pa ako.

"Wala pong problema Lola kung welcome ba naman ako, samahan ko na kayo."

"Sige magbibihis lang ako. Julio, apo, pumasok ka na sa kwarto mo at magpalit makikisalo tayo sa kabila."

Pagkalipas ng ilang minuto.....

Sila Lola at Julio ay nauna na sa labas, hindi ko naman din kasi alam kung san ang bahay nila lam ko lang magkapitbahay sila, malay ba natin pwede yung nasa kanan pwede din naman yung nasa kaliwa. Pagkalabas ko isinara kaagad ni Lola yung bahay baka daw kasi magtagal sila lalo na kainan at kwentuhan ang pupuntahan namin. Naglakad lang kami ng sandali at nakita ko na na maraming tao sa may gilid ng bahay, ito na yata yung bahay ni Liezel.

"Aling Fely mabuti naman po at nakapunta kayo, matagal-tagal ko na rin po kayong di nakikita." sabi nung isang matandang babae, well hindi naman siya ganoon katanda parang ka-age ni Dad.

"Luz, oo nga matagal-tagal na din, kamusta ang trabaho mo sa maynila? Nakita ko nga pala yung anak mo kanina mukhang hindi pa din nagbabago ah!"

"Okay lang naman po mabait naman ang mga amo namin kaya walang problema, malaki din magpasweldo kaya nga napagtapos ko iyong ibang anak ko. Naku iyang si Liezel hinding-hindi magbabago yan kahit pa nakarating na ng maynila, napakabait at masuniring bata."

"Oo tama simula pa lang ng maliit yan ay nasundan ko na ang paglaki kaya maswerte kayo sa kanya. Hindi ba't malapit na rin siyang magtapos."

Patuloy sila sa pag-uusap nang biglang natigil ang nanay ni Lie..

"Iho pwede ko bang malaman kung sino ka? Ngayon lang kasi kita nakita dito sa amin."

"A-ah eh pasensya na po maam kung hindi ako nakipagkilala agad mukha po kasing marami kayong pag-uusapan ni Lola nahihiya naman po akong sumingit. But excuse me for my rudeness, I'm Alex classmate po ni Liezel."

"Aba naman ang pagkakataon, totoo bang kaklase ka ng anak ko? Kung ganoon welcome, halika dito at makisalo ka sa amin."

"Opo maam, kasama po namin sina Chelsea at Tristan. Salamat po sa invitation."

"Sige mabuti pa at pumasok na kayo, tara na para makakain na rin."

Sinundan na namin nina Lola Fely at Julio si Nanay Luz. At yes sabi niya tawagin ko daw siya ng ganoon kaysa maam masyado daw kasing pormal. Madami-dami din palang tao ang buong akala ko kanina mga malalapit lang na kaibigan ang iimbitahan nila parang buong barangay yata ito eh.

"Alex, kumuha ka na ng makakain baka maubusan ka." sabi ni nanay luz

"Sige po maya-maya na lang busog pa naman po ako."

"Ay naku wala dapat mahiyain dito, sige maupo ka na lang diyan at ako na ang bahala. Aling Fely maupo na rin lang po kayo at dadalhin ko na lang ang pagkain dito. Julio kung gusto mo makipaglaro nandun ung mga apo ko sa loob."

Umalis na agad si nanay luz upang kumuha ng pagkain. Si Julio naman pumasok sa loob ng bahay mukhang gusto makipaglaro sa mga bata.
Nasaan na kaya yung babaeng iyon akala ko ba tatawagin lang niya yung mga kaibigan niya bakit para yatang yung kabilang barangay tinawag din sa sobrang tagal. Siya pa naman ang dahilan kung bakit ako nandito, well isa lang sa mga dahilan.

"Nay! Nandito na po kami, medyo natagalan kasi itong si Precious nagpaganda pa."

"Uy teka bakit ako lang ba si Alona din ah!"

"Tama na nga yan mga bata talaga, pumasok na kayo at kanina pa nakahanda ang pagkain, masamang pinag-aantay ang grasya." suway ni Inay

Hay! Salamat dumating din. Nailabas na nga din ni nanay luz yung pagkain namin, mabuti pa at tapusin ko na ito para makausap ko si Liezel.

"O Alex san ka pupunta? Tapos ka na bang kumain?"

"Lola hahanapin ko lang po si Liezel may kailangan kasi kaming pag-usapan, school related po. Babalik din po ako, opo tapos na akong kumain."

"Siya sige puntahan mo na kung napakaimportante yan."

Nagtungo ako sa likod bahay nila. Kanina habang kumakain wala naman sila doon kaya naisip ko baka nasa loob o kaya sa may likod tutal may mga lamesa at upuan pa doon sa dinami dami ba naman ng naimbita nila di nagkasya sa harap mabuti na lang malaki-laki ang bakuran at harap ng bahay nila.
Aba tama nga ako ayun siya kasama ng mga kaibigan niya.

😕

Teka! Hindi ko napansin yung lalaki na yun. Kasama ba siya sa mga dumating kanina? Kasi sa pagkakaalala ko tatlong babae lang ang kasama niya kanina.

😠

Aish ano ba yan bakit ganito asar na asar ako sa pagmumukha ng lalaking iyon, para bang gusto kong ilayo sa kanya si Liezel. Hayz! Ano ba naman, mapuntahan na nga lang.

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Forty Second chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon