Alex pov
"Sorry ngayon lang ako nakarating, may emergency kasi sa ospital, kinailangan ako sa surgery room......
Yes! Mukhang may pag-asa pa ako sa kanya. Nandito na ako sa bahay, medyo kaunti na lang ang tao di tulad kanina, bukas siguro darating din yung iba na makikiramay. Ngayon nasa harap ko yung bunsong kapatid ko, akala niya nakikinig ako sa kanya pero sorry excited lang ako at hindi ko pa din siya makalimutan. Mas lalo siyang gumanda lalo na at nag-mature siya. Pai-ibigin ko siya no matter what.
"Kanina pa ako nagsasalita dito pero yung kausap ko pala iba ang iniisip."
"Pasensya na, masaya lang ako."
"Masaya? Alam ko lahat tayo may sama ng loob kay Dad pero.."
"Hindi dahil dun, you remember the girl I was talking about, my ex girlfriend."
"Yah! I remember, siya yung katulong nila Chelsea di ba?"
"Well, I saw her and I am planning to get back with her. Sa tingin mo tama kaya yun? Pero wala naman talagang kasalanan, yung magkapatid na Tristan and Chelsea ang may pakana."
"If you still love her and still want to be with her then go for it. You don't need to ask dahil alam kong you know what you are doing."
"Oo nga, bakit ba ako natatakot."
"Wow ikaw natakot, sino ka? At anong ginawa mo sa kapatid ko?"
"Sige na umakyat ka na dun sa kwarto mo at magpahinga, bukas na lang tayo mag-usap ulit. Tulog na nga yung isa kanina pa eh! Napagod daw."
"Sus napagod sa kakainom. Alam mo naman yun, ang laki ng problema."
Natapos ang pag-uusap namin ng kapatid ko at dumiretso na sya sa kwarto niya.
"Ako na ang magbabantay dito Atty, thank you sa tulong, bumalik ka na lang bukas."
"Mabuti pa nga, sige mauna na ako."
Nang makaalis si Atty, kakaunting tao na lang ang naiwan mostly kasambahay namin, body guards. Nilapitan ko ang kabaong ni Dad.
Dad alam ko masaya ka na kasama si Mom pero sana inantay mo man lang kami. I know we were not that good to you ever since mom died but we tried so hard to be the person you want us to be, in the end nasira lang ang pagsasamahan natin. I wish you were more lenient to us after all we were just kids back then. You just want the best for us, I understand that pero ang mas kailangan namin that time was a father, who will always be there for us through and through.
Kinabukasan.............
Nakatulog ako matapos kong kausapin si Dad, nakakapagod din kasi lalo na at galing ako sa byahe kahapon. Nagrefresh muna ako bago bumalik sa baba.
"Nandiyan na daw si AJ?" tanong ng kapatid ko nang makalabas ako sa kwarto
"Oo, natutulog pa yata, gisingin mo na nga at nasa baba na si Atty. may kailangan pa tayong pag-usapan."
Sinunod naman ng kapatid ko ang iniutos ko, at bumaba na ako.
"Alex kumpleto na daw kayo?"
"Yes atty., sa office na lang ni Dad tayo mag-usap."
Sinundan ako ni Atty at sakto pagdating namin nandun na yung dalawa.
"Sana nag-ayos man lang kayo, pero di bale na dito lang naman tayo."
Pinapasok ko na silang lahat.
"Ngayon lang ulit kayo nagsama-sama ng ganito yun nga lang kung kailan wala na ang father niyo."
"Atty, sabihin mo na ang mga dapat mong sabihin kasi gusto kong bumalik sa pagkakatulog, nabitin ako." sabi ni Andy
"Andy!"
"Well she's right better get down to business marami pa din kasi akong aasikasuhin sa business at properties ng dad niyo. I have here the last will and testament niya."
Medyo matagal din ang naging pag-uusap namin, wala namang any violent reaction sa mga kapatid ko, we accepted everything, mostly sa akin napunta, pero may mga properties and businesses din na naibigay kay Andy, kahit maloko yun nakitaan pa rin ni Dad ng pagiging responsable. Naiwan kay AJ ang ospital considering na doon na rin siya nagtratrabaho.
"Now, nasabi ko na ang huling habilin ng dad niyo sana naman maasikaso niyo at patuloy na mapalago. Aayusin ko na yung ibang documents and then kapag okay na, I will send it to each of you para mapirmahan at matransfer ng maayos."
"Thank you sa lahat ng tulong mo Atty, tama lang na ibinigay na sa iyo ni Dad ang law office."
"O siya, I need to go, I will see you all around, Andy pwede ka na matulog ulit."
Nang makalabas na sila, I tried to contact my two bestfriends, matagal-tagal na din kaming di nagkikita at alam kong galit sila dahil hindi man lang ako nakapagpaalam. Kanina ko pa tinatawagan yung number na binigay sa akin ng secretary ko pero walang sumasagot.
Lumubas na lang ako at pinuntahan yung mga bisita and I was surprised, di ko inaakalang pupunta sila.
"Ano! Tatahimik ka na lang ba diyan?"seryosong tanong ni Max
"Oo nga pre, tagal din."
"Tara na nga my labs." sabi ni Max sabay hila kay Al
"Sandali! I know it's been so long since we met and talked to each other. Mali din na hindi man lang ako nagpaalam at nagparamdam sa inyo. Sa sobrang galit at lungkot na naramdaman ko nang mawala si Jen sa akin, ipinangako ko na kakalimutan ko na lang lahat at binalak na magsimula ng bagong buhay sa ibang bansa. And I realized it was a dumb decision."
"Buti naman at naisip mo yan."
"Max, Al, sorry! I hope you could forgive me."
"Asus, matitiis ka ba namin pre, lalo na nitong si my labs ko."
Lumapit sa akin si Al at niyakap ako agad. Si Max nga ang arte pa, pero in the end sumali na siya at ayun nauwi sa group hug.
Ilang years din ang nawala sa amin, nabalitaan kong kasal na pala sila, and they are expecting their first child. Hindi halata na buntis itong bestfriend ko pero I am happy for them.
I also thanked them for paying their respects lalo na at magkakaibigan ang mga magulang namin before kaya close kaming lahat.
Naubos ang buong umaga ko catching up with them and it was worth it.
Nang matapos, nagpaalam muna ako sa kanila. Alam niyo na may liligawan pa ako.
Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Eightieth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter.
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...