Chapter 58- Thread of Fate

865 32 1
                                    

Liezel POV

"Hoy! Takpan mo muna kaya yang sarili mo, di ka na nahiya gusto mo pang ipakita sa iba yang magandang katawan mo."
"Ano nanaman ba ang problema mo at nakasimangot ka diyan."

Hindi naman ako sinagot at hinarang na lang yung towel na hawak niya habang nagpupunas ako. Timang talaga kanina ang sweet at ang kulit ngayon naman nagagalit at nakasimangot na.

Bahala nga siya.

"Thank you po Mang Andres."

Umalis na din sila pagkatapos mailapag lahat ng gamit.

Bago kami maka-upo ni Alex inabutan niya ako ng T-shirt.

"Isuot mo yan para di ka lamigin." seryoso niyang sabi

Isa-isa kong nilabas yung mga pagkain sa basket para masimulan na namin kainin, nagutom ako dun sa mga ginawa namin.

Aba galit pa din itong isang ito, ano kaya ang nagawa ko. Wala din naman akong nasabing masama, nung sinabi ko nga na may iba akong nagugustuhan mas lalo lang akong inasar eh!

"Bakit te ang iniisip mo magseselos siya. Aeehh!! Iba na yan."

Shaks! Ayan ka nanaman. Tumahimik ka nga diyan.

"Sira sarili mong pag-iisip pinapatahimik mo."

Ah basta stop it!

Ako lang ba pero ang cute magtampo nitong si Alex parang aso lang ang mukha ang sarap kurutin.

"Ay naku tuluyan ka na friend, ikumpara ba naman sa aso yung tao."

Che! Magsalita ka lang diyan wala akong pake.

"O ito kainin mo para naman mawala yang simangot sa mukha mo, bipolar lang?"

Arghh di man lang ako pinansin, well kung ganoon ang gusto niya sige makikipaglaro ako sa kanya.

Malapit ng mag-gabi pero wala pa din kahit isa sa amin ang nagsasalita at nagpapansinan.

Kausapin ko na kaya, ang weird kasi magkasama kami wala man lang kahit anong ingay o bangayan tulad nung kaninang lumalangoy kami.

"Sabihin mo naman sa akin kung anong proble..."

Kaasar naman ngayon pa umulan, ang init-init ng araw kanina eh!

"Iwanan mo na lahat ng iyan dito, halika doon tayo sa may maliit na kubo nadaanan ko siya kanina nung sinusundan kita."

Nilakad namin yung sinasabi niyang bahay at doon muna kami hanggang mawala ang ulan.

"Gamitin mo itong damit para makapag-palit ka, panigurado ko nilalamig ka na, baka magkasakit ka pa." sabi niya sa akin habang inaabot yung tuyong damit na dala-dala nila Mang Andres kanina

Napansin ko na may hinahanap siya.

"Anong hinahanap mo?"

"Posporo o kahit na ano, pampaalis ng lamig."

"Buti naman at sinagot at kinausap mo na din ako."

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon