Alex POV
Its the last day of this year's recruitment week kaya busy kami. This is the last chance din for other organization to recruit more. Paalis na ako ng biglang tawagin ako ni manang.
"Bakit po manang? May nakalimutan po ba ako?" pagtatakang tanong ko
"Naku wala iha pinapatawag ka lang ng dad mo may nakalimutang sabihin." sabi ni manang Lita.
Dali-dali akong pumasok sa loob para makaalis din ako kaagad kailangan maaga ako ngayon dahil nga marami kaming gagawin for the closing ceremony.
"Dad sabi po ni manang Lita pinapatawag niyo daw po ako."
"Make sure to be at my office by 5:00 pm darating si Tito Antonio mo at si Chelsea to finalize the deal and I want you to be with me while its being done. We all know na kayo din naman ni Chelsea ang magmamanage nun at may mga papers and documents ka din na you need to sign."
"Yes dad, I'll be there on time." maikling sagot ko
"Alex I know you will keep your word and that we already talk about your role in this family as well as in all my business transactions, so I expect you to be on time and to be on your best behavior." seryosong sabi ni dad habang kumakain ng breakfast
I nod in agreement to all the things he said and excuse myself kasi male-late na ako alam niyo naman ayaw ni dad yun kaya pumayag na siya nang magpaalam ako. I went to my car, start the engine and drive my way to school.
"Lex, bakit ngayon ka lang kanina ka pa inaantay ni labs sa loob."
"Sorry Al may pinagusapan lang kami ni dad, papunta na rin naman ako sa student council para matulungan na si Max."
"Sige buti pa nga bilisan mo, kawawa naman ayaw pa sumama sa akin para kumain ng breakfast kasi inaantay ka niya. Pupunta lang ako sa carpark para bumili ng food para sabay-sabay na tayo kumain."
Umalis na si Al papunta sa carpark, ako naman paakyat na sa taas.
😲
Anong ginagawa niya dito? Bakit ngayon pa? Worst sa elevator pa.
"Hi Alex."
"Hi Angela, Ahm! H-Hi Li-Liezel!"
Kaasar bakit ako ganito magsalita para bang nakatali yung dila ko. Pasaway ka talaga Alex. Tahimik lang ang buong elevator para walang tao, pero biglang nagsalita si Angela.
"Yung mga nakuha nating form ichecheck ko mamaya tulungan mo ako para ma-sort din natin kung san sila ma-aasign."
"Okay."
Yun lang at bumalik na sa katahimikan ang buong elevator hanggang sa tumunog na yung signalling na the door will be opening.
"Sige Alex mauna na kami, see you later." sabi ni Angela bago lumabas
Hindi man lang niya ako tinignan, ni kinausap wala. Siguro ganoon talaga mali naman kasi yung ginawa ko, aytss! kaanis naman dapat humingi ako ng tawad sa kanya, nakakahiya yung ginawa ko at isa pa di ko naman ginagawa yun tanga ko lang kasi. Makalabas na nga ang init dito sa loob ng elevator kanina ko pa napapansin o baka naman kasi.. hayzz bahala na kung ano-ano tuloy yung iniisip ko.
"Buti naman at nakarating ka na Alex kanina ka pa namin inaantay ito pala yung mga papers na kailangan mong basahin after nun sign it kung okay kung hindi sabihin mo na lang kung ano yung mga revisions." biglang sabi ni Max pagbukas ko pa lang ng pinto.
"Yes maam, di pa nga ako nakakapasok sa room may gagawin na kaagad ako."
"Aba ginusto mo yan, sabi naman kasi sa iyo before you don't need to be the president lalo na last year mo na sa college, marami kaya din tayong inaasikaso as seniors." panenermong sagot ni Max
"Sige na po palagay na lang dun sa table ko and I'll go over with it. Nakasalubong ko pala si Albert kanina sabi niya pupunta lang siyang carpark, dapat sana sumama ka muna sa kanya para makapagbreakfast, sa tingin ko gutom lang yan Max."
"Tigilan mo nga ako sa mga pang-aasar mo, halika na dito para matapos na ito. Kukunin ko pa dun sa table ko yung speech mo for the closing ceremony later at 3pm."
"Max after the closing ceremony speech aalis na ako kaya ikaw na ang bahala for the other activities, may meeting ako with dad at the office and I need to be there by 5:00 kungdi lagot nanaman ako."
"Hay! may magagawa pa ba ako si Tito Xander ang pinag-uusapan natin dito. Wala naman na rin masyadong gagawin kaya go ahead basta make sure na matapos mo lahat bago ka umalis ah yung mga papers na you need to check and sign." sabi niya sa akin habang papalapit sa table ko
"Ako na bahala dun, sige I'll start now para matapos din ito agad."
Around 2:30 pm.........
Madami din ako natapos for the day, buti na nga lang at walang class ngayon dahil sa meeting ng mga professors from different colleges. Nabasa ko naman na rin yung speech na ginawa ni Max and I would say she did a great job with that. The ceremony will start at exactly 3pm after ng 3'oclock prayer and I think makakaabot pa ako sa office ni dad baka nga mapaaga pa. Inaayos ko na lang itong mga documents sa desk ko para makalabas na din ako at makapunta na sa plaza.
"Kanina ka pa ba nandito?" tanong ni Max habang papalapit sa akin
"Kararating ko lang din, natapos ko na nga pala yung mga pinapabasa mong mga forms at papers, iniwan ko na sa desk mo yung mga nasign na then yung ibang may mali nasa may kabilang side, nalagyan na rin naman ng comments yun. You already know what to do."
"Sige ako na ang bahala sa iba, umakyat ka na doon sa podium baka di ka pa makaabot sa meeting mo."
"On behalf of the Organizers and sponsors of this event, it is indeed my pleasure to make a few closing remarks and express gratitude to all those who made this event a reality. Good afternoon everyone. I am pleased to see so many of my fellow students present here this afternoon for the Closing of this year's recruitment week. We went to a week of a unique opportunity to form partnerships between different school organizations. We met new friends and learned from them, we were given the time to choose an organization that defines us and that will help us grow as an individual and as a student of this university. As students and members of each organization you should be able to be committed to its activities and make an extra effort to contribute to the organization's success. I don't want to take too much of your time, so with these words, before we all head back, I declare this Recruitment Week officially close. Have a nice day and goodluck with your chosen organization. Again thank you to the members of all our school organization, the student council and teachers."
Nang matapos ko ang speech para sa closing ceremony nagpaaalam na ako kayna Max at Albert. Sinabihan ko na din yung ibang members ng student council na sila na ang bahala kapag natapos lahat ng activities. Nagmamadali na ako papunta sa sasakyan ko dahil 3:30 na aabutin ako ng isang oras at siguro kalahati dipende sa byahe, sana na lang hindi na traffic. Please sana makaabot ako o kaya kahit sana mapaaga mahirap na magagalit pa si dad sa akin. Di ko na nga rin napansin si Chelsea mukhang nauna na. Goodluck sa akin.
Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong twenty-sixth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...