Chapter 48 - Thank You

1.4K 51 5
                                    

Alex POV

"Babae si Alex!"

"Ha? Anong ibig mong sabihin Romeo?" tanong naman ng tatay ni Liezel

Halatang-halata ang pagkakagulat nila sa sinabi ni mokong pero itong katabi ko nakayuko na. Hay! Wala naman kasi akong sinabi na lalaki ako, nag-assume naman lahat sila. Mabuti pa i-clear ko na yung misunderstanding baka kung saan pa mapunta ito.

"Sir ako na lang po ang magpapaliwanag."

Yung tingin nila kay mokong napunta sa akin tapos itong katabi ko biglang nagtaas ng ulo pero hindi nakaligtas sa mga mata ko yung pag-aalala sa mukha niya kaya di ko na naiwasan, hinawakan ko ang kamay niya. Lumapit ako sa kanya at may binulong ulit, alam ko nakatingin ang kuya niya wala akong paki-alam.

"Ayusin mo nga yang itsura, sayang maganda ka pa naman."

😉

"Tama po yung sinabi ni Romeo, I'm a girl po. It was not my intention to deceive all of you pero nag-try naman po akong magsabi before kaso palaging mali yung pagkakataon."

"Pero paano nang.."

Hindi ko pinatapos magsalita yung tatay ni Liezel sorry hindi ako bastos pero tatapusin ko lang yung sasabihin ko bago sila.

"Kung nagtataka kayo dahil sa ayos at itsura ko ganito na po talaga ako simula but I want to also clear something. I am a lesbian. Siguro naman nasagot na yung mga tanong niyo on how I look and act."

Sa totoo lang medyo awkward habang tumatagal ang pananahimik nila. Before naman wala akong pake kung anong sabihin o tingin ng ibang tao sa akin pero bigla akong nailang. Wala ba sa kanila ang magsisimula magsalita?

"Kumain lang muna kayo mamaya na yan, masamang pinaghihintay ang grasya."

Sabi ko sa loob- loob ko, Thank you Lola Fely.

12:30pm.......

Nakarating na kami sa bahay nina Lola Fely, yung iba naman nasa bahay na nina Liezel. Simula nung nangyari kanina wala ng nakapagsalita ulit pero ramdan ko yung titigan na ginagawa nila.

"Alex iho, ah iha pala, may gagawin ka pa ba ngayon kung wala na pwede mo bang bantayan itong apo ko at may bibilhin lang ako sa palengke bago ito tuluyang magsara?"

Teka hindi ba may pwesto yung tatay ni Liezel, ano kaya ang nangyari?

"Sige po Lola ako ng bahala kay Julio pero pwede po ba magtanong?"

"Ano iyon?"

"Nasabi niyo po kanina na tuluyang magsasara na ang palengke, paano na po yung mga nagtitinda doon?"

"Ang usap-usapan yung may-ari ay magpapatayo ng isang mall, kaya binibigyan na lang ng isang linggo yung mga tenant doon. Alam ko nga maraming nagkaproblema doon dahil walang mapupuntahan yung iba."

"Ganoon po ba, eh! Lola may balita ba kayo sa tatay ni Liezel?"

"Wala pa naman pero dahil may pwesto siya sa palengke panigurado kasama siya sa mapapaalis. Yun na nga lang ang bumubuhay sa kanila pero syempre nandiyan din yung pagiging katulong ng asawa niya sa maynila. Ang kwento pa nga sa akin nung nakaraan dapat patitigilin na niya ang asawa niya lalo na malapit ng matapos si Liezel sa pag-aaral. Sige alis na ako para makabalik din agad."

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon