Chapter 31 - Sorry

1.2K 53 0
                                    

Alex POV

Saan kaya nagpunta yung babaeng iyon, inantay ko pa naman siya sa labas kanina, alam ko kasi nasa loob pa rin siya ng room nung makalabas ako. Hahanapin ko na lang siguro sa org room nila baka dun tumatambay.

Makalipas ng ilang minuto nakarating na ako sa room ng red cross youth council, kakatok na sana ako pero may biglang nagbukas ng pinto.

"A-ahm? Bakit po? May kailangan po ba kayo?" tanong nung kaharap kong lalaki

"Ah! Yes nandiyan ba si Ms. Guinto?"

"Guinto? Ah! Si ate Liezel po ba?"

"Yes si Liezel Guinto may kailangan kasi kaming pag-usapan, nandiyan ba siya sa loob?"

"Naku wala po may pinuntahan po sila ni Ate Angela sa may españa gate, sasamahan ko nga po dapat sila kasi madami yung bubuhatin nila kaso may class pa po ako."

"Ganoon ba sige pupuntahan ko na lang siya, maraming salamat."

Malapit na ako sa may gate nang matanaw ko sina Liezel at Angela. Hindi ko alam kung ano yung nagtulak sa akin para bilisan ang paglalakad at tulungan siya kasi ang dapat ko lang gagawin eh kausapin siya.

"T-teka sino ka .."

Hindi ko na siya pinansin pa basta ko na lang kinuha yung dalawang box na dapat ay bubuhatin nila at nauna ng maglakad, sigurado naman ako sa org room nila ito dadalhin.

"Alex sandali kami na diyan." narinig kong sigaw ni Angela

Tumigil ako ng maramdaman ko na may humawak sa braso ko. Nahabol na pala niya ako.

"Bitawan mo na yan, kami na diyan, baka mapagod ka lang." sabi ni Liezel habang nakahawak pa din sa akin

Binaba ko yung mga boxes sa gilid para di istorbo sa mga dumadaan. Pagkatapos hinarap ko siya, grabe ang ganda pala niya talaga sa malapitan, ngayon ko lang napansin kasi kapag nagkakabanggaan kami yung mga mata lang niya ang tangi kong tinitignan siguro pati na rin yung labi ah! Ano ba ito mga pinagsasasabi nababaliw ka na talaga. Sa kanya pa ako nagkakaganito first time ito pramis.

😳

Hala hindi pa ba ako magsasalita ano nangyari para akong nawalan ng boses.
Napansin ko bigla na malapit na siya dun sa mga boxes at nakasunod na din si Angela para tumulong, pigilan mo Alex ikaw dapat ang magbuhat para makatulong ka at para magkaroon ka ng chance na makausap siya, syempre kailangan mo din magsorry dahil sa ginawa mo before. Aytss!!! Ano ba naman ito kausap ko pa rin yung sarili ko baliw na nga talaga ako. Pero bago pa niya mabuhat nagsalita ako..

"Ako na diyan, at isa pa baka lalo kang di tumangkad sa pagbubuhat mo ng mabibigat na bagay."

Tumigil siya sa gagawin niya at humarap sa akin pero bago pa siya makapagsalita narinig namin ang isang malakas na tawa kaya napatingin kami sa source.

😆 "Ha!Ha!Ha!Ha! Nakakatuwa kayong dalawa lalo na yung sinabi mo Alex, pero sabagay may point siya Liezel baka nga tumigil na yang growth mo. Hayaan mo na si Alex kaya naman niya at isa pa matangkad na siya." sabi ni Angela na parang nang-aasar

"Talagang height ko pa ang pupuntiryahin niyo ah, porket ganito lang ang taas ko kaya ko naman magbuhat ng mabibigat na bagay madalas kaya namin gawin ito sa probinsya." sagot naman ni Liezel

"Di naman sa ganoon Liz pero nag-offer ng tumulong yung tao, hayaan mo na kaysa mahirapan pa tayo at mamaya pa tayo makarating sa org room."

"Sandali nga bakit ka ba nandito? At bakit ka ba tumutulong? Hindi naman kami humingi ng tulong sa iyo."

"Kanina pa kasi kita hinahanap, gusto sana kitang makausap tungkol dun sa project at sa ibang bagay na din. At tungkol naman sa pagtulong ko naaawa lang ako kay Angela yung ganda niyang yan pinagbubuhat mo." palokong sabi ko sa kanya
😋

"Tignan mo Liz ayaw pala niya ako mapagod eh kawawa ang beauty ko."

"Huwag ka nga makulit Ange, at ikaw naman sinabi ko na, kaya na namin ito pwede din naman na ako ang magbuhat walang kaso sa akin yun kung nag-aalala ka na may mangyari kay Ange."

Hindi pa rin ako nakikinig sa kanya sa totoo lang hinahayaan ko lang siyang magsalita kapag napagod na siya at tumigil, kukunin ko ulit yung mga boxes.

"Arghh! Kanina pa ako nagsasalita pero bakit ganoon parang hindi ka nakikinig, ay basta bahala ka na nga diyan."

Tulad ng nangyari kanina bago pa niya mabuhat ay inunahan ko na siya. Wala na rin naman akong naririnig mula sa kanya kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang org room nila. Ang cute din niya talaga kapag galit siya lalo na yung palaban look niya parang maliit na tigre 🐅 hindi baka maliit na pusa pala, hay kung ano man itong nararamdaman ko hahayaan ko na lang muna, pati na rin itong kabaliwan na ginagawa ng isip ko sa tuwing nakikita ko siya. Masaya din naman kasi.
😊

After 15 minutes na paglalakad......

"Ahm! Angela baka pwede mo naman buksan yung pinto ng org room niyo, lam ko kasi nakalock siya simula ng umalis yung nakausap kong bata kanina."

"Ay! Ganoon ba. Sige sandali lang hahanapin ko lang dito sa bag yung susi."

Nang makita na ni Angela yung susi agad naman niyang binuksan ang pinto pagkatapos ay nilapag ko sa may dulong mesa yung mga boxes. Ngayon lang ako nakapasok sa room ng Red Cross Youth Council malaki din pala kahit papaano, tama lang yan kasi marami silang volunteers.

"Salamat ng marami Alex, buti na lang talaga at dumating ka. Uy! ikaw wala ka bang sasabihin sa kanya?" pangungulit ni Angela kay Liezel

"Ah? Eh! Ano? Salamat." ang nasabi na lang ni Liezel

"Your welcome. By the way Liezel pwede ba kitang makausap sa labas?"

"Pwede naman tayong mag-usap dito sa loob kami pa lang naman ni Ange ang tao."

"Ah? Eh! Kasi..."

"Ano ka ba naman Liz gusto ka makausap nung tao in private tapos pipilitin mo magsalita dito kung san may makakarinig, read between the lines naman." paningit na sabi ni Angela

Nag-agree na lang si Liezel at nauna na siyang lumabas mula sa org room, sinundan ko siya banda dun sa dulo kung san walang tao. Hindi ko alam kung how will I start is it going to be my apology first o yung tungkol sa project pero di ko na napigilan ang sarili ko at nasabi ko agad na

"I am sorry!"

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Thirty- First chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon