Chapter 76- We Meet Again

963 37 0
                                    

Ito na po yung update user25968678
Thank you po for reading :)

Liezel pov

"Liezel ito pa yung mga lalabhan mo, oo nga pala mamaya pakisamahan ako kasi may aayusin akong burol sa bayan. Malaking kita dahil sosyal ang client. Yung assistant ko kasi sa shop ayun umuwi, namatayan. Sabi ko nga kapag kailangan ng funeral service sa akin na lang lumapit eh!"

"Sige ho, tapusin ko lang ito."

"Hulog ka talaga ng langit sa akin."

"Kayo po ang blessing namin, kungdi niyo pa ako tinulungan san-san na lang kami pupulutin ng anak ko."

"Speaking of anak, pwede mo siyang isama mamaya, baka kasi gabihin tayo."

Yun si Mam Althea Mabini, may-ari ng Mabini Funeral Homes at ang amo ko. dahil nag-iisa na lang sya sa buhay at ang mga anak naman niya ay nasa Amerika na lahat wala ng nag-aalaga sa kanya kaya ito namamasukan akong kasambahay sa kanya at kung ano-ano pa upang matulungan siya.

Malaki ang utang na loob ko sa tao dahil nung mga oras na walang-wala kaming mag-ina siya ang nagkusang-loob na tumulong sa amin.

Uwian ako tutal malapit lang naman ang tirahan na ito mula sa amin. Alam niya ang buong storya ng buhay ko at kahit papaano may pinag-aralan ako kung kaya't sa tuwing may problema sa negosya niya o kailangan niya ng tulong nagpa-part time ako.

12:00 pm

"Hi, ako yung kausap niyo kahapon tungkol sa funeral services niyo."

"Ah yes, ako nga pala si Mrs. Mabini ang may-ari at ito ang assistant ko si Liezel."

Kinamayan kaming dalawa at hinayaan ko na lang muna silang mag-usap. Kapag may kailangan sila tutulong na lang ako.

"Anak wag ka magulo dito ha, magtratrabaho lang si nanay. Kung may gusto ka, sabihin mo lang. Sige na upo ka muna doon."

Tumango naman ang bata at dali-daling nagpunta sa may upuan.

"Liezel sasamahan ko lang yung client natin ha, pupunta na kami dun sa venue, assistant pala siya nung pinaka-client natin kaya mas mabuting sumunod na ako para makausap ko yung tao at malaman kung may iba pa silang request."

"Sige po, magtxt lang po kayo sa akin."

Maghapon kaming nag-aayos buti na nga lang at mabilis din kaming natapos, biglaan daw kasi itong request at ang sabi lahat daw ay gaganapin sa isang mansyon malapit dito. Si Mam Althea ang nagpapabalik-balik mula dito sa shop papunta sa mansyon para ayusin ang lahat, kami naman ni Alexa naiwan dito para asikasuhin pa ang ibang kakailanganin.

Isa-isa kong pinipili yung mga dagdag bulaklak para dun sa patay sabi kasi ni Mam additional request daw.

"O sige paki-akyat na sa pick-up para maihabol

One message received....

Mam Althea

Liezel anak punta ka na dito wala naman ng kailangan diyan, kumpleto na ang lahat. Ito ang address # 5 **************. Dalhin mo na rin ang anak mo para pagnatapos tayo ay diretso uwi na kayo.

"Anak halika na, may pupuntahan tayo, dalhin mo na yang mga toys mo."

"Opo."

"Mang Joaquin kayo na po bahala dito nagtxt po kasi si Mam puntahan ko na raw po."

"Ayos lang, ako na rin ang bahalang magsara dito."

7:00pm

"Manong dito na lang po sa tabi. Anak labas ka na magbabayad lang ako."

"Wow nay ang laki naman nitong bahay   yun nga lang po ang layo niya sa gate, lalakarin po ba natin?"

"Manong salamat, oo anak, sige na mabilis lang yan."

Sinimulan na namin ang paglalakad, grabe ang yaman siguro ng may-ari nito, mas malaki pa nga ito sa mansyon nila Chelsea. Aba! Mukhang marami na silang bisita.

"Nay andaming sasakyan o."

"Alexa wag kang malikot dito ha, mamaya kung mapano ka. Lagi ka lang mag-stay sa tabi ni nanay okay?"

Ngumiti lang ang makulit at nagthumbs-up.

Mahilig ang anak ko sa kotse-kotsehan, di ko nga alam kung kanino namana pero natitiyak kong hindi sa hayop niyang ama.

Naglakad na kami ulit papasok, habang papunta ay kausap ko si Mam Althea, ang text sa akin aabangan daw niya kami sa may pintuan para di daw kami mawala sa laki kasi ng bahay hindi mo alam kung tama pa ba yung pinapasukan mo.

Ilang minuto din ang nakalipas nakarating din kami sa harap, napansin ko naman agad si Mam Althea kaya naglakad ako ng mabilis.

"Salamat at nakarating na din kayo, may ipapaayos kasi ako sa iyo yung mga inutusan kasi natin kanina nakabalik na ngayon-ngayon ko lang din napansin."

"Ano po ba yun?"

"Yung mga last minute na bulaklak sa sobrang dami dikit-dikit na sila gusto ko sana paki-assist mo yung mga katulong nila dito."

"Ako na po ang bahala. Anak halika sunod ka sa akin ah!"

"Naku Liezel ako na ang magbantay sa anak mo baka mapano pa yan dun."

"Okay lang po ba?"

"Oo parang apo ko na din ang batang ito noh!"

Sumang-ayon na lang ako at pumasok sa loob.

Habang papasok parang may napansin ako, eh kasi yung taong nakatalikod parang namumukaan ko.

"Liezel doon ang daan."

Sinunod ko na si Mam Althea at di na lang pinansin kung ano man iyon.

"Okay na po yan, maraming salamat sa tulong ninyo."

Medyo napatagal ako sa dami din kasi.

Nasaan na kaya sina Mam, sana di nagkuku-kulit yung batang yun. Sa tuwing may bago pa naman kasi siyang nakikita sobrang pagka-curious nun.

Ayun, nakita ko din, makikisuyo lang siguro ako para di maka-istorbo sa kausap niya

"Mam Althea nasan po si Ale..."

😳

Bakit? Paano? A-ah?

"Ah! Liezel great timing, akalain mo nga naman yung anak mo at itong client natin magkapangalan pala."

Sa sobrang dami ng tumatakbo sa isip ko wala na akong naririnig at tanging siya lang ang nakikita ko, hawak-hawak ang anak ko.

Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Seventy- sixth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter.

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon