Liezel POV
"Nak kanina ka pa ba gising? O baka di ka naman nakatulog?" tanong sa akin ni Inay.
"Nay, nakatulog naman po ako kahit papaano maaga lang po talaga ako gumising dahil may tatapusin lang po akong exercises sa Management Accounting, ngayon po kasing friday ang pasahan."
"Sige anak baba na din ako para makapagready na ng agahan, bilisan mo din diyan at mag-ayos ka na para sa skul, pagkatapos mo ay tulungan mo kami sa baba."
"Opo."
After 30 minutes.......
Natapos na din ako, magbibihis na lang at kailan ko ng bumaba para makatulong kayna inay. Palabas na ako ng makita kong pababa na din si sir Tristan.
"Gising ka na pala natapos mo ba yung exercises na binigay sa atin pwede mo ba ako tulungan mamayang lunch?" tanong ni sir Tristan sa akin.
"A-aah! Eh! kasi po ma.."
"Ay! Naku tulungan mo na yan si kuya wala ka naman ibang gagawin di ba, at isa pa katulong ka di ba. pagsusungit ni maam Chelsea.
"Tigilan mo nga siya Chelsea." Kung di pwede ayos lang pwede naman akong kumopya sa kabarkada ko."
Pababa na sila ng bigla kong sabihin na ayos lang, ako na ang magtuturo sa kanya.
"Susunod din pala eh." ani ni maam Chelsea
"Chels ano ba? "
*Hmph!*
"Pasensya na Liezel mataray lang talaga yun wag mo na pansinin. Maraming salamat pala kasi tutulungan mo ako, if there is anything you need just tell me, parang payment ko na rin yun." sabi ni sir Tristan at bumaba na rin siya.
Ano ba naman ito napasubo pa ako, kaloka si maam Chelsea kasama ba sa pagiging kasambahay ang turuan ang amo nila about schoolworks.
Sasabihin ko na lang kay Ange na hindi ako pwede ng lunch at magkita na lang kami bago magstart yung meeting na pupuntahan niya.
Bumaba na rin ako at kumain ng agahan. Habang inaantay ko sina sir Tristan at maam Chelsea dahil binilinan sila ni sir Antonio na palagi akong isabay pagpasok biglang lumapit sa akin si Inay.
"Liezel anak, yun palang binaggit mo sa akin nung lunes tungkol sa pagsali mo sa mga school activities after class, payag na ako na sumama ka, basta ba alam ko lang kung nasaan ka palagi at kung anong ginagawa mo para di ako nag-aalala."
"Aysus si Inay talaga, wala pong problema doon, pramis po lagi ko kayong i-uupdate hanggang makauwi ako."
"Sige anak palabas na yata sina sir Tristan, wala ka na bang nakalimutan pwede ko pang kunin bago kayo umalis, yung bang exercise na ginagawa mo kanina natapos mo ba?"
"Syempre naman Nay ako pa, tapos na po yun. Pasok na po kayo sa loob sasakay na rin po ako ng sasakyan."
*School Carpark*.........
"Kuya mauna na ako ah, dadaan pa kasi ako ng clubroom bago ng class ko at ikaw Inday yung damit na susuotin ko for the party this sunday paki-plantsa." sabi ni maam Chelsea habang papalayo sa amin.
Tumango na lang ako sa kanya.
"Okay kita na lang tayo mamaya, huwag mong kakalimutan may meeting after class sa Student building." pasigaw na sabi ni sir Tristan.
Palabas na ako sa carpark ng biglang pigilan ako ni sir Tristan, napatingin ako sa kanya at tinanong ko kung may kailangan pa ba siya sa akin.
"A-aah eh! huwag mo kalimutan tutulungan mo pa ako mamayang lunch don't worry I'll bring food para habang tinuturuan mo ako kumakain tayo para di ka na rin magutom kasi ginamit ko yung oras mo for lunch."
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...