Chapter 6 - OPEN MIC

3.1K 89 0
                                    

Liezel POV

"Class you are now in the final stage of your college year so I suggest you focus more on the activities and pointers your professors will be giving to you as it will be beneficial to your future career. Next meeting recitation will start kindly read the first chapter of the book entitled "Towards Developing A Filipino Corporate Culture by F. Landa Jocana". sabi ni Ms. Cortes

Pagkatapos ay lumabas na siya ng room namin. Lumapit naman sa akin si Angela.

"Liezel tutal tapos naman na ang klase natin for the day gusto mong kumain muna tayo bago umuwi? Don't worry treat ko."

Uuwi na ba ako baka kasi kailangan ni Inay ng tutulong sa mansyon, pero marami naman sila doon at wala pa naman ang mga amo namin panigurado at isa pa okay na din ito at least mas makikilala ko si Angela.

"Ayos lang pagkatapos uuwi din naman ako agad at sabi mo nga libre naman, thanks in advance." sabi ko sa kanya.

:)

Yehey! libreng food hahahaha, saan kaya kami kakain ni Angela?

"Liezel doon tayo sa IChill Theater Café masarap ang frappes at gusto ko din yung nachos and fries nila."

"Ikaw ang bahala Angela, tsaka di ko alam kung papaano makapunta doon."

" Ako na bahala dun maglalakad lang naman tayo, pagkatapos natin doon sabay na tayo bumalik sa university kasi dun ako nagpasundo, pwede ka na rin namin ihatid pauwi kung okay lang sayo o kaya sumakay ng jeep pauwi sa inyo." sabi ni Angela.

" Sige malapit naman kasi yung university sa sakayan ng jeep, naku wag na nakakahiya naman sa iyo, mag-cocommute na lang ako baka gabihin ka pa." sabi ko kay Angela

"Nako ayos lang yun at least mas safe kung ihahatid ka na namin, so ganito na agenda natin kakain tayo dun sa cafe libre ko tapos balik tayo ng uni para antayin yung sundo ko at ihahatid ka na namin bago kami umuwi. Wag ka ng umangal friends na tayo di ba?"

Tumango na lang ako kay Angela at di na rin ako umangal kasi lam ko naman na gusto niya talagang tulungan ako, baka mag-away lang kami kung tatanggihan ko pa.

Nagsimula na siya maglakad palabas ng commerce building kaya sinundan ko na rin siya.

After 20 minutes.........

Nag-oorder na si Angela sa may counter hinayaan ko na rin siyang mamili ng pagkain na kakainin ko kasi nga di ako pamilyar sa sini-serve dito at isa pa libre niya eh. Maganda rin pala ang place na ito may second floor pa at may OPENMIC pa silang tinatawag pang artsy pala itong place, in fairness matalino ang may-ari nitong place. Andami din studyante dito mukhang galing din yung iba sa mga katabing school dito sa U-Belt.

"Okay ito na ang food ang haba ng pila sa counter kaya medyo natagalan ako. Kamusta ang first cafe mo dito sa Manila?" tanong ni Angela.

"Maganda siya at andami mong pwedeng gawin dito habang nag-aantay ng pagkain. Malaki din pala siya akala ko nung una maliit may second floor pa. " sabi ko sa kanya habang paupo na siya sa pwesto niya.

" At di lang yung ganda ng cafe kung bakit pinupuntahan ko ito madalas, dahil na din kapag nagpurchase ka ng drink free five minute massage at kung gusto mo naman 1- hour massage bayad ka lang ng 100 pesos. O di ba busog ka na eh relaxing pa."

Kakaiba talaga dito sa Maynila ang daming unique places, mapa-cafe man o restaurant kumpara sa probinsya. Makalipas nang ilang minuto ay dumating na rin ang pagkain namin. Nag-Order si Angela ng Burger and Fries at yung inumin na tinatawag nilang "Paris Love" frappe siya sabi ni Angela, vanila daw. Yung sa akin naman itry ko daw yung "Prince charming" mabenta siguro, sabi naman niya caramel frappe daw ito tapos pasta carbonara.

Habang kumakain kami nag-usap lang kami about sa first day of school at sa mga likes and dislikes namin feeling ko nga close na kami, mabait talaga si Angela at matalino pa, napag-alaman ko din na kasali pala siya sa Red Cross Youth Council isang organization dito sa University, inanyayahan naman niya akong sumali magsisimula daw next week ang recruitment for new students.

Sabi ko titignan ko nag-aadjust pa lang kasi ako sa environment dahil nga bago lang ako dito at first time ko din sa Maynila. Pwede ko daw siyang tawagin na Ange dahil yun naman ang tawag sa kanya ng mga friends niya parang ang haba daw ng Angela hahaha! nakakatawa din siya. Sinabi ko na lang din na pwede niya ako tawaging Liz tutal maituturing ko na rin naman na close kaming dalawa.

Nagpatuloy lang ang pag-uusap namin nang biglang may nagsimulang tumugtog dun sa may OPENMIC, teka parang kilala ko yun ah.

"Ladies and Gentlemen a student from Commerce will try to serenade your evening with a music hope you enjoy"

Pagkatapos ng introduction kumanta na yung taong may hawak ng gitara.

~~~~~IRIS~~~~~

(para sa mga readers natin Iris by Kina Grannis ang nagamit sa taas )

And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't want to go home right now

Nung nagsimula siyang kumanta tahimik na ang paligid tanging ang boses lang niya ang naririnig ko.

And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
'Cause sooner or later it's over
I just don't want to miss you tonight

Napansin ko din na nakatingin lang ang mga tao sa kanya

*Dub!* - *Dub!*

*Dub!* - *Dub!*

And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am

Hala ka Liezel ano ba yan? Bakit ganyan ang puso mo? Baka atakihin ka niyan bata ka pa naman

And you can't fight the tears that ain't coming
Or the moment of truth in your lies
When everything feels like the movies

Yeah you bleed just to know you're alive

And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am

(⊙_⊙')

And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am

And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am

I just want you to know who I am
I just want you to know who I am
I just want you to know who I am

Bigla na lang narinig ko na nag-palakpakan na pala ang mga tao sa loob ng cafe. Ano yun Liezel speechless ka diyan, nga nga lang! sabi naman ng ego ko sa akin.

"Uy Liz, okay ka lang?" tanong sa akin ni Ange.

Tumingin na ako sa kanya at sinabi ko okay lang ako, inubos na namin ang mga frappe namin kasi nagtxt na pala yung susundo kay Ange na nasa University na daw at nakapark.

"Liz halika na para mahatid ka na namin, tuloy na tayo sa university dalhin mo na lang yang frappe mo kung may natira."

Kinuha ko na yung frappe at nagtungo na ako palabas ng cafe, habang naglalakad kami papalabas di mawala sa isip ko yung nangyari para bang may kung anong bumulabog sa puso ko, kung baga parang sinira ang pintuan na nakasara. Hindi ko akalain na may ganoon side pala ang antipatikang iyon.

(^◡^)

But don't get me wrong guys feeling ko pa rin di kami magkakasundo.


Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong sixth chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter. THANKS................... :)

I Love You Inday (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon