Alex pov
Two weeks na din ang nakalipas na magkabati at magkalapit ulit kami ni Liezel, ay Jen nga pala hehehehe! Alam ko di pa niya ako sinasagot ulit pero malapit na. I think malapit na.
Nagkakamabutihan na rin kami nang anak niya, bestfriends pa nga. Mabait at matalino siya kaya kahit papaano ay naintindihan niya ang nangyari sa amin ng nanay Jen niya. Syempre di lahat sinabi namin, bits and pieces lang. Mahirap na, bata pa lang ang kausap namin.
Nailibing na namin si Dad, at paunti-unti inaasikaso ni Atty ang mga business namin. Habang hindi pa tapos ang lahat nagdesisyon akong manatili muna dito sa Pilipinas at isa pa gusto ko kung babalik ako sa US kasama ko na yung dalawa.
Bumalik na yung mga kapatid ko sa kanya-kanya nilang trabaho ako naman papunta na sa bahay nila Jen, susunduin ko kasi yung mag-ina. Nakapangako ako dun sa bata na ilalabas ko sila ngayon.
"Ready na ba kayo?"
"Tito Alex, nagbibihis lang si nanay, palabas na din siya."
"Alexa iha ano ba ang sabi ko sa iyo kahapon?"
"Sorry po Dadi"
"Ayos lang, masasanay ka din, lalo na gusto kong makasama kayong dalawa ng nanay mo. Kapag kasi Tito parang di bagay sa akin lalo naman kung Tita di ba!"
Nagpatuloy na kami sa kulitang dalawa habang wala pa yung isa.
Makalipas ng ilang minuto
"Tama na yan di pa nga tayo nakakalis pagod na yang anak ko kakatawa." sabi ni Jen paglabas sa kwarto
Pagtingin ko natutulala na lang ako at biglang lumabas sa bibig ko ang katagang Beautiful!
"Syempre naman po Dadi parehas kami ni Nay Jen maganda kanino pa ba ako magmamana hehehehe"
"T-teka a-ano a-anong tinawag mo sa kanya nak?"
"Dadi po"
"Anak hindi pwed..."
"Hayaan mo na siya, ako din naman ang nagsabi sa bata na iyon ang itawag sa akin."
"P-pero K-kasi Alex alam mo naman na..."
"Nay gusto ko din po yun ang tawag ko sabi kasi nung ibang mga kapitbahay wala daw akong tatay, dahil dun inaasar nila ako."
"Sino-sino? Sabihin mo sa akin at kakausapin ko."
"Ako na bahala, tara na para makarami tayo ngayon."
Isinakay ko na sila at una naming pinuntahan ay zoo.
"Wow! Ang ganda! Nay Jen, Dadi andaming animals!" sigaw ng anak namin at yes po kiniclaim ko na
Napansin ko naman nagtitinginan yung ibang tao.
Nung tinawag niya si Alexa akala ko magagalit siya sa sinabi ng anak niya pero pinagsabihan lang niya ito na mag-inat.
Nasa malapit kami habang ang anak namin ay nagpapakain ng rabbit kasama nung ibang mga bata.
"Salamat."
"Simula pa lang yan, pangako pasisiyahin ko kaya, at hinding hindi ko kayo pababayaan."
"Sigurado ka ba?"
"Ah yun ba, Oo aalagaan ko kayo, ako yung bubuo sa kulang. Sa totoo lang napakasaya ko kasi may chance ulit ako magkapamilya yun lang naman ang inaasam ko lalo na at matagal na din akong nangulila."
"Kamusta na nga pala yung mga kapatid mo? Sorry pala sa nangyari sa Dad mo."
"Ah sila ganun pa din may mga love life na din pero syempre nagsisimula pa lang, successful na sa kanilang fields pero incomplete pa din, malay natin in the future meron na din sila na kung anong meron ako."
"Liezel, I mean Jen, tulad ng sinabi ko sa iyo before I'll never go, I'll always be here with you and Alexa no matter what. Hindi ako ang tunay na ama ni Alexa, Hindi ako tunay na lalaki but I am willing to be the father and husband figure, the padre de pamilya if you'll allow me."
Nakita ko siyang nakasmile pero after nun tawa na siya ng tawa.
"O bakit bigla kang tumawa diyan? May nasabi ba akong nakakatuwa? Uy! Seryoso ako dun sa mga binanggit ko ah promise walang joke yun!"
Di pa rin siya tumigil sa kakatawa kaya napasimangot na lang ako at akmang aalis na nang magsalita siya.
"Natawa lang ako kasi parang nagpro-propose ka na. At kung tama nga yung hinala ko, kakaiba ka din noh sa zoo mo pa naisipan gawin yan, ni wala ka pa ngang singsing."
"Sira! Di ba sabi ko sayo kanina simula pa lang yan, kasi lahat ng kailangan niyo at magpapasaya sa inyo ibibigay ko. Ngayon pa at may purpose na akong magtrabaho maigi sa naiwang business ni Dad."
"Salamat. Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin at sa anak ko. Matagal na akong sumuko sa happy ending ko kaya nung magka-anak ako sinabi ko sa sarili ko na siya ang gagawan ko ng happy ending pero..."
"Haha Happy ending talaga! Ang korni mo ha, kaya pala may naikwekwento pa yung anak mo na fairy tale, sino kaya yung prince at yung maid?"
"Sus nagtanong ka pa, lam mo naman kung sino yung tinutukoy ko."
"Well sino pa ba ang babagay na prince charming ng story mo syempre ako lang naman."
Nagkulitan, Nag-asaran, Nagkwentuhan,Nagtawanan lang kami after nun hanggang sa.....
"Nak?Alexa?" nagmadali siyang pumunta sa grupo ng mga batang nagpapakain sa rabbit
"Excuse me miss nakita niyo po yung batang babaeng nakasuot ng cinderella na dress?" tarantang tanong ni Jen dun sa kasama nung bata
"Wala eh!"
"Ikaw miss? Kayo mga bata?"
"NASAAN NA ANG ANAK KO!!"
Lumapit agad ako sa kanya
"Jen huminahon ka."
"Paano ako hihinahon hindi ko makita ang anak ko Alex, baka kung ano na ang nangyari sa kanya. ALEXA! ANAK! NASAAN KA NA?"
"Ako na ang bahala, stay calm,
I 'll make sure nothing bad happens to her. Gagamitin ko ang lahat ng contacts ko at pera ko! Umupo ka muna doon may tatawagan lang ako.""Alex please ibalik mo ang anak ko, ibalik mo siya hindi ko kakayanin mawala siya or worst..." sabi niya habang umiiyak
Ayoko ng ganito. Umiiyak yung taong mahal ko, nasasaktan ako.
Tinawagan ko ang secretary ko pati na rin si Atty, sinabi ko sa kanila ang nangyari at inutusan sila na gawin ang lahat mahanap at mabalik lang sa amin si Alexa.
Kung sino man ang gumawa nito Lagot sa akin. Mali siya ng Kinalaban!
Oops........ Stop muna dito guys sana nagustuhan niyo itong Eighty third chapter, I'll update as soon as I can, feel free to comment and vote on this chapter.
BINABASA MO ANG
I Love You Inday (COMPLETE)
RomancePaano kung biglang may kumatok sa pintuan ng puso mo at basta basta na lang pumasok. Pipigilan mo ba ito? o Hahayaan mo na lang? Samahan ninyo si Alex at Liezel sa kanilang love story maraming man pagsubok ay tsak na happy ending pa din. Paalala: ...