Chapter 41

47 5 2
                                    


Sino namang mag-aakala na in just the span of a few months, I'll be right back where it started? Na I will be here picking up the broken pieces of my heart again, this time because of a different guy.

Something's different this time though, walang sunugan ng pictures, walang ritwal nang pag-iyak sa ilalim ng stars, wala ring habulang naganap - no Facebook blocking because we were never friends there, no text brigade because I have nothing to say and there's no 'moving on movie marathon'.

I've got nothing left to do but cry myself to oblivion.

The night Chuck left me there sa hallway, I walked with wobbly legs back to my room. Ms. Claire is already sleeping and she's put a note on the dresser for me. Through tear-stained cheeks I read her message that she called for her driver to fetch her so she can leave early tomorrow.

I lay down on my bed and just stared at the ceiling all night, imagining a different scenario. One in where I'd sleep with a smile on my face kasi inamin ko na sa lahat ng tao na kami. I stood up in my tip toes the way I wanted to and kissed him, right there in front of everyone.

But life doesn't have a rewind button, wala nang bawian, touch-move kumbaga.

After a few hours of silent crying, I fell asleep na rin but I didn't hear Ms. Claire leave, when I got up from bed, the first thing I did was check on him but his roommates said he left early. May lakad daw.

Oo nga, he will go anywhere I'm not and I can't blame him, I'd hate me too if I were him. And I do, I hate myself for what I did.

I was on auto-pilot that entire morning, trying to still power through my emotions. I still did my job and waited until every last one of the employees are on board before I left.

Kina Cherrie na ako nakisabay pauwi but I totally ignored all conversations in the vehicle. I put on my shades, earphones at natulog sa buong byahe.

And now I'm here nakahiga sa kama ko and I haven't moved since makauwi kami kaninang mga alas tres. Since it's a Saturday it's the perfect time to wallow in my pain, na magpakalunod ako sa kalungkutan at para sisihin ng paulit-ulit ang sarili ko sa lahat ng nangyari. Because I've got no one to blame but myself, I've sacrificed so much for other people na hindi naman stakeholders sa kaligayahan ko. I mean, we were doing nothing wrong, I was just cared too much sa iisipin ng iba, sa mararamdaman ng iba na hindi ko na initindi ang nararamdaman ng taong dapat kong mas pinahalagahan.

Nung elementary ako pag-binu-bully ako sa school ayaw ko nang pumasok, pwede bang ganun na lang rin gawin ko ngayon? Dahil ayokong pumasok, ayoko nang bumangon dito sa kinalalagyan ko hoping na unti-unti na lang akong lamunin ng lupa at mawala na parang bula.

Naka-higa ako in my bed in a fetal position, my back to the door, ayaw kong kumausap ng kahit na sino. I just want to be left alone with my thoughts.

Kumatok yata si chang pero hindi ako sumagot, bigla na lang naramdaman kong nag-dip ang kama ko at may mga brasong bumalot sa bewang ko.

"Tinawagan ako ni Cherrie, iba daw ang aura mo sa byahe nyo pauwi nagworry sya sa'yo dahil hindi ka raw nagsasalita." Hinigpitan ni Jem ang yapos sa akin and softly said, "Anong nangyari Bes?"

Huminga lang ako ng malalim at nagsimula uling umiyak, hinatak ako ni Jem paharap sa kanya at niyapos nya lang ako habang binasa ko ng husto ang t-shirt nya.

Nag-stay si Jem at dinamayan lang ako in silence. Para akong may sakit at talagang inalagaan nya lang ako at hindi nagtanong kung bakit or kung anong nangyari. He was just there and that was exactly what I needed.

Nag-antay lang sya na makatulog ako bago sya umalis.

I woke up the next day feeling a incessant pounding in my head, jusme daig ko pa ang may hangover.

"Sana nag-inom nalang ako." Napabulong na lang ako habang bumabangon sa kama.

Hinagod ko ang left side ng chest ko sa tapat ng puso ko, "Pakatatag ka, Olga. Lalaki lang yan." Ibalik ko na ba sa Olga ang pangalan ko? Hindi na yata ako deserving na tawaging Andi. Tsaka I relate Andi to a person na nagustuhan ni Chuck, now that he hates me I think I'll just stick to the name I used to call myself.

Nagbuntong hininga lang ako dahil alam kong hindi sya "lalaki lang", sya na yata ang forever ko kaya lang mukhang magiging bato pa.

I stood up and mejo na-out of balance dahil maghapon akong nakahiga kahapon at hindi ako nakakain ng maayos.

Napakapit ako sa cabinet ko at biglang bumukas ang pinto ng kwarto, Jem yells, "She's alive!"

Napapikit ako nang may biglang pumintig na ugat sa ulo ko at sinenyasan ko si Jem habang sinasabing, "Shhh."

"Pwede ba akong pumasok? Hindi mo ba ako jojombagin?" Kasunod ni Jem si Cherrie na nahihiyang pumasok sa kwarto ko at sinara ang pinto.

Napalingon na lang ako kay Cherrie and I think she knows kung bakit ako nagkakaganito. Hinarap ko sya, "May naaalala ka ba nung gabing yun? Kung ano yung sinabi mo?"

She looked super guilty and alam kong naalala na nya ang pagkakamali nya nung gabi, lumapit sya sa akin, "Girl, sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin yun, alam mo yung parang lutang ka na hindi mo naman mapigilan ang sarili mo magsalita? Ganun yun girl, promise hindi ko sadya i-out ka kay Sir Pogi."

Hawak hawak na nya yung kamay ko at parang naiiyak na rin sa sobrang pagka-guilty.

I just nodded at umupo ulit sa kama ko at salo salo ang ulo ko ng mga kamay ko, ayaw mawala ng sakit ng ulo ko.

Kapag naiisip ko kung anong pwedeng mangyari bukas pag-pasok ko sa opisina parang hindi ako makahinga ng ayos.

Kilala ko naman si Chuck, if he doesn't want to see me, there is no way I will see him. Malamang magtago sa akin yun, but now that I think about it, I don't know if that's better, na iwasan nya na lang talaga ako - at least I know I still matter enough sa kanya na nag-eeffort pa rin sya para umiwas at hindi ako makita.

What's worse? That he doesn't give a shit if he sees me around the office. Na wala ako manlang ni konting importansya sa kanya para pag-aksayahan ng panahon at effort para iwasan.

Aray.

Naluha na naman ako.

Lumuhod sa harap ko si Jem, "Bes, kailangan natin kumilos ha. Tara nagluto ang chang mo, kain muna tayo."

Paglingon ko kay Jem nakita ko ang worry sa mukha nya, tumango lang ako at bumangon. Hawak hawak ni Cherrie ang pinto at kagat kagat nya ang labi nya habang hinahayaan kaming dumaan sa pinto ni Jem.

Pumunta kami sa dining area at naupo habang aligaga ang chang mag-hain.

"Olga, kumain ka muna, manghihina ka na naman nyan." Hinainan ako ni chang ng champorado na may powdered milk, may tuyo rin at sukang may sili. Lahat ng nakahain favorite ko, napatingin lang ako kay chang at naiyak ulit.

Ginulo ni chang ang buhok ko habang nakayuko ako, "Sus. Tama na yang kakaiyak mo, walang lalaking dapat iniiyakan. Wala sa lahi natin yan, ewan ko ba kung kanino ka nagmana."

Alam kong mejo sermon yun, pero I feel na parang pinapagaan lang ni chang ang pakiramdam ko. Jusme sa lahat ba naman ng mga pinag-daanan kong pagddrama na personally nyang na-witness I'm sure alam nya kung talagang heartbroken ako o nag-iinarte lang.

Pinunasan ko ang luha ko at nagsimulang kumain.

Humawak si Jem sa braso ko at sinabing, "Napagdaanan na natin lahat, Bes. One more hump lang ito okay? Lilipas rin yan."

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon