Chapter 4

86 12 0
                                    


Napahawak ako sa dibdib ko. Nang ma-realize ko na hindi siya mumu, umupo ako at hinawakan ang pulso ko sa leeg habang nakatingin sa relo ko para bilangin ang beats per minute ko. Para akong nagpapalpitate.

"Balak mo ba akong patayin sa gulat?!"

Napangiti siya pero tinaasan lang ako ng kilay.

"You do know you overreact right? Is that normal for you or are you trying to be cute?"

Tinigilan ko ang pagbibilang ng BPM ko, tumayo at nilagay ang mga kamay ko sa baywang ko at hinarap siya.

"Ginulat mo ako so malamang magugulat talaga ako. Hindi ba normal reaction 'yon?"

Nag-cross siya ng arms sa dibdib niya.

"It's not my fault you're not very observant."

Pumikit ako at huminga ng malalim. Pagdilat ko nandoon pa rin siya.

"Anyway, bakit nag-brown out?"

Napangiti siya at napailing.

"Apparently you don't read emails either."

Tumingin lang ako sa kanya at nag-antay ng sagot. Ano ako manghuhula? Gago pala to eh.

Noong na-realize niyang magtititigan kami dito hanggang umaga hangga't 'di siya sumasagot, nagkamot siya ng noo.

"We sent an email this morning that there will be a power shut down in the building. We're testing the backup servers."

Dinuro ko siya.

"Ayan! Malay ko'ng may ganyan eh wala nga akong laptop 'di ba? Sira?"

Tumingin siya sa laptop ko at ngumiti.

"Right. My bad. Sorry."

Since nag-sorry na siya parang lumakas ang loob ko'ng magsalita.

"At ayan! Bakit ka ba english ng english nasa Pilipinas po tayo!"

Tumaas ang mga kilay niya parang nagula. Sumobra na ba ako? I mean Associate lang ako at Manager siya. Pero imbes na magalit ngumiti ulit siya.

"Sorry. Old habit."

No'ng wala nang nagsasalita samin I took it as a cue to leave so I fold my laptop at kinuha ko na ang bag ko.

Nakaharang pa rin siya sa cubicle ko pero umurong siya no'ng nag-excuse ako para makadaan. Imbes na maiwan doon sinabayan niya ako sa paglalakad. Nakalabas na kami sa reception at palabas na kung saan naroon ang mga elevators pero sinabayan niya pa rin ako. Ano ba to? Stalker?

No'ng nasa tapat na ako ng elevators noon ko lang na-realize ang sinabi niya. Walang kuryente, eh 'di walang elevator. Bababa ako using the stairwell na hindi masyado mailaw. Kaya ko naman kasi nasa 14th floor kami at pababa naman pero mumu alert.

Umikot akong bigla at nakatayo lang siya sa tabi ko. Nakapasok ang kamay sa pockets ng pants niya pero nakangiti sa akin, ine-expect niyang ma-realize ko ang problema ko.

Huminga ako ng malalim at parang nauubusan na ng pasensya.

"How many hours 'yong shut down?"

Tumingin siya sa relo niya.

"We still have around eleven and a half hours."

Shit.

I can't catch a break. Seriously.

Parang sumabog ang dibdib ko sa sama ng loob, I mean hello? Mabait naman ako, pero parang nagtutulong-tulong ang mga kalaban ko sa universe at sabay nila akong inaapi. Tumulo ang luha ko at agad kong pinunasan.

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon