Z/N: Si Crizzel po yung nasa picture sa taas.
===============================================
Crizzel's P.O.V
Nasa ground ako ng school at para kong pusang naliligaw. Sabi nila 8AM dito daw kami magkitaan ng mga kaibigan ko. Ang ganda ng 8AM, magna-nine na.
"Zel!!!!! " tinapik pa ang balikat ko. Si Faith pala.
"Oy bwisit kayo. Ganda ng 8AM ah!" syempre tampo-tampo ako para madama talaga niyang naghintay ako ng matagal.
"Sorry. Tiningnan ko na kasi yung section natin. Nakapaskil na dun sa board oh!" Susme. Bakit tinitingnan niya pa yun?
"Hulaan ko, same section ulit tayo. Dun na tayo sa new building at adviser natin si Mam Santiago!" sabi ko. See? Kaya hindi na nakaka-excite eh. Simula first year, kami na lang lagi yung magkakasama. Kaya nga naging barkada eh.
"Tama! Akala ko magkakalayo na tayo, Slap me please...BAKS SAKTAN MO KO!" singit ni Randel samin. Aba mukhang bagong ligo si baks.
Sasampalin ko na sana siya kaso...
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!" tili ng isang babae na hindi ko kilala...
"andyan na pala sya !!!!!!! i know na ako ang una niyang mapapansin!" sabi naman ng isang ilusyonada
"Dumating na pala siya eh" sabi ni faith
"Sino? Si Nelo? Eh diba lumipat na yun ng school? " tanong ko
Si Nelo, Gwapo yan, Gentleman tsaka matalino. Sporty din yan alam ko eh. Kaso sabi niya lumipat na siya ng school. Medyo close kami kasi magkaklase kami last year.
"Baks pasagot." utos ni faith kay Randel
"Dumating na kasi yung bagong gwapo sa school. Si Mig—-" naputol bigla ang sasabihin nya dahil tinawag na sya ng adviser namin. LINTIK NA MAM NAMAN OH!
"Una na ko." paalam naman ni Faith at umalis na. Siguro pupunta na siya sa room ng Filipino club. President kasi siya dun. Pero wala na kong pake dun....ang may pake ako ay dun sa Lalakeng dumating daw.
Biglang dumami ung tao sa paligid ko kaya naman umalis na lang ako at baka madaganan pa ko ng mga nagtitiliang babae. Kapag kayo napaos...ewan ko lang sa lalamunan niyo. Malandi.
Nagpunta ako sa cafeteria para kumain. Di kasi ako nag-almusal sa bahay kasi nga ang sabi nila, 8AM daw ang kitaan. Pero di rin naman nasusunod ang mga call time na ganiyan. Basta gutom ako ngayon. Yung lalakeng tinilian? Wag na wag siyang magpapakita sakin dahil baka makain ko siya.
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.