CHAPTER 43 : Reality

4.7K 66 9
                                    

Crizzel's P.O.V


Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa gate ng school. Ito na talaga 'to. Pupunta ko kahit wala kong partner. Kaya ko 'to——


"Sorry po pero hindi na kayo pwedeng pumasok." harang sakin ni manong guard.


"Huh? Eh teka po, part po ako ng council. Kahit tingnan niyo pa po oh!" Kinuha ko yung ID ko sa pouch at pinakita ko sa kaniya. Umiling lang siya habang nakatingin dun.


"Pero kahit na po part kayo ng council, late na kayo ng 30 minutes."


"Pero—-"


Napahinto ako ng biglang may pumasok na mag-partner sa gate at...


AT HINAYAAN LANG NG GUARD PUMASOK!


"Bakit sila? Mas late sila sakin pero pinapasok niyo!"


"Sorry po pero kasi..."


"Kasi ano po?!"


Naiinis na talaga ko ah. Kanina pa sirang-sira yung araw ko. Tsk.


"May nag-utos po kasi sakin na huwag kayong papasukin."


Wag mong sabihing may hater ako sa school na 'to? I'm not even famous.


"Sino?"


Hindi siya nagsalita. Naman.


"Sino nga po?"


"Yung principal."


WHAT?!


Galit sakin yung principal?


"Fine. Mas mabuti pa ngang di ako pumasok kung yan yung inutos sayo ng principal." umalis ako sa gate at umupo dun sa gilid.


Tinext ko sila Faith na kung pwede ay pakiusapan nilang papasukin ako.


"Kaming bahala!"  reply niya


Yes! Kahit kailan savior ko talaga mga kaibigan ko!


Migz's P.O.V


"Migz nagtext na sakin si Crizzel, nasa labas na siya at ayaw siyang papasukin." sabi ni Faith at pinakita sakin yung text ni Crizzel.


Yun! Ito na yung time para sunduin ko siya!


The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon