CHAPTER 39: Cousin

5.2K 63 3
                                    

Crizzel's P.O.V


Sa magka-ibang lugar kami magse-celebrate ng christmas eve ni Migz. Siya sa Hawaii tapos ako dito lang sa Pilipinas.


"Anak andyan na yung mga pinsan mo!" sigaw ni Mama kaya naman lumabas agad ako ng kwarto at sinalubong yung mga relatives namin. Galing sila sa Singapore, dun kasi nakabase yung iba kong tito.


May hinahanap akong pinsan ko eh... nasaan na ba yung cute kong pinsan?


"HI BABY MACY!" sigaw ko ng makita ko siya at kinarga agad agad.


"I'm not baby anymore. Let me go!" siya yung pinakapaborito kong pinsan. Ang cute niya kasi asarin. At biruin mo, hindi na daw siya baby. 5 years old pa lang kaya siya!


"Kiss me muna."


"Eeew. Mommy!!!!!!"


Binaba ko naman na siya agad at baka mag-tantrums pa, mahirap nang patahanin ang bata.


Tuwing 11:00am ay dapat nakaready na ang lahat sa mesa. Tulong-tulong na sila pero hindi ako makatulong kasi hinahanap ko yung cellphone ko. Alam ko nasa bulsa ko lang yun kanina eh. Tsk. Saan naman napunta yun?


"Nasan na ba yung anak ko? Crizzel, nakita mo ba si Macy?" sabi ni tita sakin na halatang sobrang busy sa pagluluto.


"Hanapin ko na lang po!"


Nako yari. Dalawang maliit ang hahanapin ko. Hinanap ko si Macy pati na rin yung phone ko sa salas, pati sa ilalim ng sofa. Pero wala. Sa kusina naman, masyadong riot dun ngayon kaya imposibleng pumunta si Macy dun. Sa mga kwarto naman, wala rin.


Ang huling station ko na lang ay yung terrace. At hindi nga ko nagkamali. Nandun si MAcy at busy magkalkal ng cellphone.


Teka, wala naman siyang cellphone ah.


Sinilip ko pa ng mabuti at nakita ko yung lockscreen ng phone. Kaming dalawa ni Migz. TEKA PHONE KO YUN AH!


"Hey..." sabi ko sa kaniya at naka-irap siyang humarap sakin. "What's wrong?"


"How could you date this handsome guy?" pinakita niya sakin yung lockscreen ko.


"Oh well...because i'm pretty?"


"So plain, simple and boring. How come?"


Maldita talaga yung batang 'to eh. Sasagutin ko pa sana ng biglang magring yung phone ko. Muntikan ng mabitawan ni Macy sa sobrang gulat. Buti na lang nasalo ko! SAFE!


Si Migz pala yung tumawag.


"Hi Migz~" nilandian ko talaga yung boses ko para mainis si Macy

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon