Fast forward>>>>>>
Crizzel's P.O.V
Pumasok kaming lahat na magbabarkada sa iisang university at ngayong 2nd year college na kami, medyo madalang na lang kaming magkita. Iba-iba kasi yung course na kinukuha namin at iba-iba na rin ang schedule ng mga klase.
"Zel tara na!" sigaw ni Randel sa labas ng taxi.
Ay oo nga pala! Nasa mall na pala kami. Buti nga at natuloy yung plano na 'to. Sunday ngayon at all free naman silang lahat...kasama si Migz.
Lumabas na ko ng taxi at hinintay namin sa entrance ng mall yung iba.
Simula nung nag-wave sakin si Migz nung araw na yun, hindi na kami masyadong nag-uusap. Kasama pa rin naman siya sa circle of friends ko pero medyo awkward na nga lang kami kapag kaming dalawa lang.
"Ayun na sila! Hi gals and boys!" malanding bati ni Randel sa kanilang lahat.
Kasama nila Jam si Migz at ewa ko, napapangiti na lang ako kapag nakikita kong walang kasamang babae si Migz. Simula kasi nung naghiwalay kami at tuwing nagkakasama ang barkada, hindi na talaga siya nagdala ng ibang babae. At balita ko galing kay Angel ay hindi siya naghahanap ng panibagong girlfriend.
Kumain muna kaming lahat at nagka-ayaan sa arcade.
Nakatingin lang ako kila Jam, Christoff at Nelo na nagsho-shoot ng bola. Paramihan talaga sila at todo suporta naman sa gilid nila yung mga girlfriend nila.
"Oh para sayo" sabi ng tao sa gilid ko. Si Migz pala na may inaabot sakin na isang token. "Laban tayo."
Saglit nga. Laban? Maglalaban talaga kami? Kung sila Jam nga hindi kinalaban yung mga girlfriend nila eh. Tapos itong si Migz, maghahamon sakin?
Teka...hindi niya naman ako girlfriend. Kaya walang problema kung ayain niya ko diba?
Natapos na sila Jam sa paglalaro kaya naman kaming dalawa ni Migz yung sumunod. Nagtaka rin sila nung sinabi ni Migz na magkalaban kami.
Shoot lang ako ng shoot at minsan sinuswerte ako dahil nagkakapuntos! Pero madalas laging sablay!
Nang malapit ng matapos yung oras ay nagsalita si Migz.
"Kapag nanalo ko, papayag ka ng mag-debut ka bukas!"
Nashoot niya yung huling bola bago mag buzzer. Natalo niya ko!!!
"Pano ba yan?" mapang-asara na sabi niya at ngumiti pa.
Ako na mismo yung nagsabi kila mama na ayokong magdebut. Malaki ang gastos at hindi praktikal. Alam ko namang may pera para sa 18th birthday ko pero kung ilalaan na lang nila yun sa ibang bagay tulad ng regaluhan nila ko ng kotse o kaya condo unit. Mas masaya pa diba?
"Madaya ka, alam mo namang mananalo ka eh." naiinis na sabi ko sa kaniya.
"Alam mo naman pala eh. Bakit ka pumayag makipaglaban? Pwede ka namang tumanggi ah."
Badtrip.
"Sige magpa-debut party kayo bukas. Hindi naman ako a-attend."
"Talaga? Pano kung sabihin ko sayong pupunta si Baby Macy bukas sa party? Hahayaan mo bang malungkot yung baby natin?"
"BABY NIYO?!" sigaw ng barkada
"Kumalma kayo. Pinsan ko lang yung tinutukoy niya." pagpapaliwanag ko
"Panigurado namang hindi mo matitiis si baby macy eh. Magkita tayo ulit bukas sa debut mo." mapang-asar na sabi niya sakin at nagpaalam na dahil may klase pa daw siya.
Pagkauwi ko sa bahay ay tinext ko si Tita, yung mommy ni baby macy. Sinigurado ko lang kung may flight nga ba talaga sila papunta dito sa pinas.
Nagreply si tita sakin ng,
"Oo hija uuwi kami diyan, actually flight na nga namin mamayang 6pm eh. Kahit schooldays pa lang ni macy ay pupunta kami diyan para sa debut mo, mapilit kasi talaga yung boyfriend mong si Migz at si Macy kaya napapayag nila ko. Miss na kita hija! Magkita tayo sa debut mo bukas. :D"
at talagang pinlano na pala ni Migz 'to. Pasaway na ex-boyfriend!
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.