Crizzel's P.O.V
Nagising ako ng may nakatakip na kumot sa katawan ko, pagkatingin ko sa gilid ay ang mukha ni Migz na natutulog. Ginawa na nga talaga namin 'yun' at wala kong pagsisisi dun.
Makalipas ang ilang buwan...
"Good Morni—-" hindi natapos sa pagbati sakin si Migz dahil dumiretso ako agad sa CR.
"Baby ayos ka lang?" tanong niya sakin sa labas ng banyo
Nasusuka ko every morning at minsan nahihilo na din ako. Tsk. Naiirita na nga ako eh.
"Migz pwede ka ba mamayang lunchtime?" tanong ko habang kumakain na kami ng almusal.
"Oo pwede naman. Bakit inaaya mo ba kong makipagdate?" aba loko 'to.
"Hindi yun. Gusto ko sanang magpacheck-up kasi nga nagsusuka ko tapos minsan nahihilo, tsaka hindi na rin ako nagkaroon ng menstrual period. Dapat dadating yun last week pero wala pa rin."
Pero imbes na mabahala si Migz ay natuwa siya sa mga sinabi ko.
"Hindi kaya buntis ka na?!"
Buntis?!
"Sige, sasamahan kita mamaya. Excited na kong magpacheck-up ka. Bye baby." binigyan niya ko ng quick kiss at lumabas na ng bahay.
Tumawag ako kay mama para sabihin yung kalagayan ko at isang malakas na sigaw yung sinabi niya sakin,
"Anak buntis ka!!!!" Nilayo ko pa yung phone ko dahil sa sobrang lakas. "Ganyang-ganyan ako nung nagbuntis, nasusuka tuwing umaga at nahihilo palagi."
Nagpaalam na ko kay mama at lumabas agad ako ng bahay para bumili ng pregnancy test. Habang naglalakad ako, naiisip kong napakaweird naman kung buntis ako. Isang beses pa lang namin ginagawa yun ni Migz tapos magkakabunga na agad? Pero masaya rin kung buntis na nga ako!
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.