CHAPTER 48 : Baby

4.9K 61 1
                                    

Crizzel's P.O.V


Bago ko pumasok sa room, pumunta muna ko ng locker para kunin yung libro ko.


"Excuse me, nakaharang ka kasi sa locker ko." sinabi ko dun sa lalakeng mukhang iba ata yung course. Iba kasi yung uniform niya eh.


Sa university kasi namin, bawat course ay may ibang uniform.


"Ah Ms. Crizzel Gomez, para sayo!" may nilabas siyang red velvet cupcake mula dun sa box. "Ako mismo nagbake niyan!"


Huh? Teka...pano niya ko nakilala?


"Matagal na kitang gusto at sana tanggapin mo yung nararamdaman ko sayo!"


Hala. Napakadaming maganda sa university na'to, bakit ako pa? Isa pa may boyfriend na ko.


Matagal akong tumingin sa cupcake na hawak niya, mukhang masarap at mukhang bunga ng hardwork niya. Kung hindi ko tatanggapin, parang ang bastos ata.


Kukunin ko na sana yung cupcake ng biglang may ibang kumuha.


"Migz?"


Nako patay.


"Anong pangalan mo?" maangas na tanong ni Migz dun sa lalake.


"D-drew Ramirez." naawa na ko sa lalakeng 'to. Mukhang natatakot na talaga.


"Ramirez? Anong koneksyon mo kay Angelo Ramirez?"


"T-tatay ko po."


"Paniguradong mahal ng tatay mo yung trabaho niya sa kompanya namin. At ayaw mo naman sigurong mawala yung trabahong yun diba? Layuan mo girlfriend ko." pagbabanta ni Migz at inakbayan ako


Kumaripas naman ng takbo yung lalake, dahil siguro sa takot.


"Hi baby—" hahalik na sana si Migz sa pisngi ko kaso umiwas ako. Kinuha ko sa kamay niya yung cupcake na gawa nung Drew.


"Hoy bitawan mo yan." pananakot niya


"Hoy ka rin. At kailan mo pa ko tinawag na baby?" tinaasan ko siya ng kilay kaya naman napakamot siya ng ulo niya.


"Akin na nga yan." kinuha niya sakin yung cupcake at nilagay sa basurahan.


"Hala bakit mo tinapon? Mukha pa namang masarap!"


"Bibilhan na lang kita niyan."


"Pero ginawa mismo nung lalake yun para sakin! As if naman na kayang mong magbake para sakin."

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon