Crizzel's P.O.V
Maaga kong nagising kasi naamoy ko yung pancake na niluluto ni mama. Nagtoothbrush at hilamos muna ko bago ko bumaba, mahirap na, baka nandun si Migz eh.
Madalas bumisita si Migz sa bahay lalo na't engage na kami. Hala ayan na naman! Kinikilig na naman ako~
"Ma ang bango!" sabi ko kay papa? Teka nasaan si mama? At wala rin si Migz ngayon, himala ata.
"O gising ka na pala anak, ako yung pinagluto ngayon ni mama kasi nag-grocery siya kasama si Migz."
Ahhh kaya pala~
Kumuha ako ng freshmilk tsaka yung chocolate syrup sa fridge namin. Nag-abang lang ako habang naka-upo sa dining table.
Teka...anong amoy yun? Amoy sunog!
"Papa yung pancake!"
Pinatay agad ni papa yung stove at nilagay sa isang binggan yung itim na bagay.
"Gagawa na lang ulit ako an—-"
"Hindi na po. 8AM na at male-late na kayo sa office niyo. Ako ng bahala pa, chef ata 'tong anak niyo!" pagmamayabang ko
"O sige. Maiwan na kita ha."
Umalis na si papa at naiwan ako dito sa kusina. Binuksan ko yung lahat ng cabinet na nasa kusina pero wala kong makitang pwedeng makain. Kaya siguro nag-grocery si mama kasi wala na talagang makakain dito.
Tumingin ako sa pancake na niluto ni papa. Sad to say pero yung sunog na bagay na'to yung almusal ko ngayong umaga.
Buti na lang at may chocolate syrup ako. Nag-grocery naman sila mama diba? Okay lang naman siguro kung uubusin ko na yung syrup na'to.
"Hay salamat~~nabusog din."
Naubod ko yung sunog na pancake, hindi na rin naman masama yung lasa.
"Anak anong ginawa mo?!" sigaw ni mama na kararating lang
"Nag-almusal ng sunog na pancake na gawa ni papa."
Lumapit sakin si mama at biglang dinampot yung bote ng chocolate syrup.
"Hindi ka lang nag-almusal ng sunog anak. Nag-almusal ka rin ng expired!"
HUH?!
Kinuha ko yung bote kay mama at binasa yung expiration date na nakalagay. Three days ng expired 'to!!!!
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.