CHAPTER 19: Hindi

6.3K 86 7
                                    

Crizzel's P.O.V


Pagkatapak na pagkatapak ko pa lang sa front gate ay may bigla ng tumili——O_O)!  Lumingon ako para makita kung ano ba yung meron.


Si Migz. Dumaan siya sa gilid ko na parang di niya ko nakita.


Parang nung first day lang, wala kong paki nung tinilian siya. Ni hindi ko nga man lang siya nakita eh. Pero ngayon...iba na.


*snap*


"Laway mo." sabi ni Randel at naka-porma pa yung kamay niya na parang sinasalo yung laway ko. 


"Tara na nga lang sa classroom." aya ko


"Crizzel wait!" hinawakan niya yung balikat ko tsaka ko pumikit at inisip na baka si migz 'to. Na baka may paki na siya sakin kaya pipigilan niya ko para mag-usap kami. Diba ganun dapat? "Sorry hindi kita masusundo."


Unti-unti akong dumilat kasi....hindi naman siya si Migz.


"Okay lang Nelo." sabi ko


"Sige. Text mo na lang ako kapag naka-uwi ka na sa bahay ah, para alam kong safe ka. Bye~" nagflying kiss pa siya habang palayong naglalakad sakin. 


"Mukhang mahal ka talaga niya ah. Mahal mo ba?" tanong ni Randel. 


"Male-late na tayo." iwas ko sa tanong niya. 


Naunang pumasok si Randel sa classroom at ako, habang naglalakad ay iniisip ko kung Mahal ko nga ba si Nelo? o pinapaasa ko lang? 


"Aray!" may namunggo ng malakas sakin. Dahilan para matumba ko. Ang sakit ng lupa!


"Napakabagal kasing pumasok." bulong nito at nilagpsan ako. Sa bawat classroom ay may maarteng matatawag. At ayun ang version samin. Tsk. 


To the rescue naman ang mga kaibigan ko at pinagmalditahan naman ni Randel yung babae. Tama lang yan. Pagmalditahan mo hanggang sa ma-verbal abuse. Ang sakit ng pagkakabunggo niya sakin ah!


"Crizzel may dugo!" sigaw ni Avy. 

Tumingin ako sa siko ko at nakita ko ngang may dugo, medyo malaki yung sugat.


"Naman oh. Sino ba nag-iiwan ng walis tambo na sira dito?" dinampot ni christoff yung tambong nakasugat sakin.


"Samahan na kita sa clinic." alok ni faith


"Hindi na. Ako na lang mag-isa. Malapit na rin naman magsimula yung klase eh. Kaya ko na 'to."


*dismissal*


"Gusto mo hatid ka na namin?" sabi ni Jam


"Hindi na. Daplis lang 'to." 


Pagkarating ko sa bahay ay tinago ko yung sugat ko gamit yung panyo. Buti na lang at hindi napansin nila mama. Yari ako. Di ko naman pwedeng sabihin na binangga po kasi ako ng babaeng walang values, for sure aawayin ni mama yung babaeng yun. Ganun naman ang mga nanay.


"Anak..."


Nako yari. Nakita kaya nila?


"May naghahanap sayo sa labas." 


Kapapasok ko pa lang...may bisita na agad ako?


"Kakauwi ko lang at nakita ko yung text sakin ni Randel na nasugatan ka daw. Masakit ba? Malaki ba? Nagamot ba ng maay—-" 


Inawat ko sa pag-aalala si Nelo at pinakalma siya ng konti.


"Okay na ko."


Nag-explain siya sakin kung bakit hindi niya konasundo kanina at kung anu-ano pa yung sinasabi niya pero parang naka-mute yung boses niya. Wala kong maintindihan dahil iniisip ko kung Mahal ko rin ba siya? Ako lang yung laging iniisip niya. Laging inaalala niya.


Ako ba? Siya rin ba yung iniisip ko? Siya lang ba yung inaalala ko? Hindi.

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon