CHAPTER 35 : Kneel under the rain

5.7K 74 5
                                    

Crizzel's P.O.V


*Knock knock*


Tsk. Ano na naman ba yun? Inaantok pa ko!


"Anak may pasok ka pa!"


o_O NAKALIMUTAN KO!!!!!


Bumangon ako sa kama at niready yung pampaligo ko. Nako naman 7AM na! Late na late na ko nito!


"Pero hindi ka papasok ngayon anak."


huh? Teka joke ba yun?


"Susunduin niyo si Michael sa airport ngayon. Naka-usap ko na yung school mo at kami ng bahala ng papa mo dun. Dalian mo, 9AM dapat andun na kayo!"


Kayo? Hindi kaya...


"Mamaya lang dadating na si Migz. Dalian mo anak!"


HINDI PWEDE. AYOKO.


Binuksan ko yung pintuan at hinarap si mama.


"Ayoko po. Sorry."


"Pero anak, inaasahan ka ng tito Michael mo."


"May nangyari bang hindi maganda sa inyo ni Migz?" singit ni papa. Yumuko ako at sinabi kong


"Ayoko po talagang pumunta. Sorry po."


Sinara ko yung pinto at nagtalukbong ng kumot.


*Knock knock*


"Anak kung may problema man kayo ni Migz, pag-usapan niyo yan. Responsibilidad niyong alagaan yung relasyon niyong dalawa. Harapin mo yung problema at pumunta ka mamaya ng airport. Ayokong mapahiya sa kumpare ko. Aasahan kita anak." sabi ni Papa at narinig ko yung mga yabag ng mga paa nilang paalis sa harap ng pinto ko.


Sorry papa. Wala na kong responsibilidad na alagaan yung relasyon naming dalawa dahil tinapos ko na lahat kagabi pa.


Nakahiga lang ako sa kama at 8:00 AM na. Paano kaya kung maging propesyonal ako ngayon? I-set aside ko yung problema namin ni Migz alang-alang kay Tito? Sa bagay, pwede rin naman yun.


Ang problema, kaya ko ba?


Kaya ko bang tumayo ng tuwid sa harapan ni Migz na walang nararamdamang kahit ano?


*sigh*


*Knock Knock*



"Anak si Migz naghihintay na sa baba."

The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon