Crizzel's P.O.V
"Kung naiinis ka sakin dahil pa-fall ako. Mas naiinis ako sa sarili ko kasi yung pa-fall na tulad ko ay unti-unting nahuhulog sayo. "
"Kung naiinis ka sakin dahil pa-fall ako. Mas naiinis ako sa sarili ko kasi yung pa-fall na tulad ko ay unti-unting nahuhulog sayo. "
"Kung naiinis ka sakin dahil pa-fall ako. Mas naiinis ako sa sarili ko kasi yung pa-fall na tulad ko ay unti-unting nahuhulog sayo. "
Nako naman! ANUBA. Matulog ka na crizzel. May pasok ka pa bukas! Maawa ka sa mata mo!
*Knock knock knock knock knock knock knock knock knock* May forever sa pagkatok 'to.
"Mahuhuli ka na sa school mo! Gising na oy!" sabi ni kuya sa labas ng kwarto. May kuya ko, ngayon lang lumabas kasi busy sa trabaho niya.
"Mamaya na!" sigaw ko
"Naghihintay na yung mga barkada mo sa baba. Mahiya ka naman!"
Bumangon ako ng mabilis at sinabing hintayin nila ko, magre-ready lang ako. Minsan talaga ganyan yung barkada ko. Gugulatin ka na lang na manunundo sila sa bahay niyo.
Pagkababa ko ay narinig ko na agad yung maingay na bibig ni Randel.
"Nako napakagwapo talaga. Tas yung abs~~hay nako~~Langit te!"
"Sshhh. Napaka-ingay mo naman ang aga-aga——" napatigil ako ng makita ko si Migz na nakikipagkwentuhan kila Jam.
"Anong ginagawa niya dito?" tanong ko kila Faith
"Gusto mo talagang malaman?" -faith
"Oo naman."
"Kasi, yung bago niyang girlfriend, taga-dito lang pala sa village niyo. Nakasalubong namin sila kaya inaya ni Jam na sabay-sabay na lang tayo pumasok lahat. Wala na rin kasing isyu si Christoff sa kaniya kaya...ayan. Nandiyan siya."
May babae namang biglang sumakbit sa balikat ni Migz at ang sweet sweet nila. Nang makita ako ni Migz ay iniwas niya yung tingin sakin.
"Uy Crizzel andyan ka na pala. Okay lang naman na sumabay si Migz satin diba?" sabi ni Jam.
"Huh? Ah oo. Okay lang naman."
Paalis na sana kami ng biglang dumating si Nelo.
"Mukhang may sundo siya~~" pang-aasar ni Randel at tinutusok-tusok pa ko.
Si Migz naman ay masayang nakikipaglandian sa girlfriend niya. Siguro nga wala lang lahat ng sinabi niya sakin kagabi. Bakit pa kasi ako aasa na nagbago na siya?
"Goodmorning." bati ko kay Nelo habang palapit
"Guys, dito ako sasakay ha." paalam ko sa kanila. Pumayag naman sila at si Migz? Wala siyang pakialam.
***
[cafeteria]
Ka-table namin si Migz at iba na naman yung kasama niyang babae. Sige lang. Ipamukha niya pa saking casanova talaga siya.
"Excuse me lang. May nakalimutan pala kong gawin." sinabi ko sa kanilang lahat na kinabigla nila. Tumambay lang ako sa banyo hanggang sa marinig ko ng magbell para sa next class namin.
Pagkarating ko ng room ay hindi ko seatmate si Migz. Akala ko um-absent siya pero hindi pala.
*vibrates*
"Sunduin kita after ng class mo. See you! :D" -text ni Nelo
Nandun si Migz sa tabi ng girlfriend niya na kasama niya kanina sa lunch at naghaharutan sila. Masaya siya sa pakikipaglandi sa iba. Dapat maging masaya rin ako.
Yung sinabi niya kagabi na, "Kung naiinis ka sakin dahil pa-fall ako. Mas naiinis ako sa sarili ko kasi yung pa-fall na tulad ko ay unti-unting nahuhulog sayo. " ay isang malaking kasinungalingan.
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.