Crizzel's P.O.V
"Hoy! Uso naman siguro yung load diyan tsaka wifi diba? Mag-response ka naman!" galit na text ko sa kaniya. Nag-abang ako pero wala pa rin siyang reply. Madalang lang siya magreply sa mga messages ko. Tapos na yung 2 buwan at isang beses lang kaming nag-skype. Ganun siya kabusy? Bakit yung papa niyang si tito Michael, nagawa pang sagutin yung mga email ni papa gabi-gabi? Minsan nga nagbi-video chat pa eh.
"Ms. Gonzales, alam mo naman sigurong bawal ang cellphone sa klase ko diba?" sabi nung teacher kong bakla sakin. Siya na naman? *sigh*
"I'm sorry." tinago ko na lang yung phone ko sa bulsa at nag-pretend na gusto kong makinig sa teacher ko.
*KNOCK KNOCK*
Tumingin kaming lahat sa kumatok at laking gulat ko ng si Migz pala yun!
"Migz!!!!!" sigaw ko at hindi pa ko makapaniwalang nandito na siya. ^_^ Me so happy!
"Ms. Gonzales, kanina mo pa ko nadi-diturb dahil sa behavior mo during my class. Get out!" itinuro niya pa yung pintuan. "Mr. Lim, you may take your seat." Dire-diretso lang ako palabas at hinihintay kong sundan ako ng Migz pero hanggang sa matapos yung period namin sa teacher na yun ay walang Migz na sumunod sa labas. Bahala na nga siya.
Nung uwian na namin ay tinawag ko agad si Randel para sabay kaming umuwi.
"Sorry Zel. May gagawin pa kasi ako eh. Diba andyan naman na si Migz, for sure ihahatid ka niyan sa bahay." Nakangiti pa siya na parang pinapakilig ako sa mga sinasabi niya. Tumingin ako kay Migz na nag-aayos ng bag.
"Naku wag na. Uwi na ko. Bye~" kumaway na lang ako sa kanila at nauna ng lumabas ng school.
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.