Crizzel's P.O.V
Nagtext sakin si Migz na hindi niya daw ako mahahatid sa bistro. May report daw siyang kailangang ipasa bukas ng umaga kaya naman puyatan ang mode niya.
*Beeeeep*
Napatabi ako sa kalsada ng businahan ako ng isang kotse. Binaba niya yung bintana at nagsalita,
"Sabay ka na sakin."
Susme si Drew lang pala.
Pumayag naman ako tutal mukhang harmless naman siya eh.
Nagtrabaho kami parehas ni Drew at nung tapos na yung pagkanta namin ay nagpresinta naman siyang ihatid niya ko sa bahay namin.
"Teka pano mo nalaman yung bahay namin?" sabi ko. Nasa loob na kami ng kotse at nagmamaneho na rin siya.
"Kasi nga gusto kita." at ngitian ako
Tumingin na lang ako sa bintana para hindi masyadong awkward.
Saktong pagkahiga ko sa kama ko ay tumawag si Migz. Akala ko ba busy siya?
"Hello!" energetic na sabi ko kahit na pagod na pagod ako. Alam ko kasing mas stress siya kasi may ipapasa siya bukas. Kailangan niya ng extra energy galing sakin!
"Kamusta yung pakikitungo ni Drew sayo?" seryoso siya ganyan talaga yung tanong niya sakin? Nagseselos pa rin ba siya?
"Migz kung nagseselos ka, please wag na. Marami na tayong pinagdaan at hindi kita ipagpapalit sa iba, okay?"
Sana naman maging-secure na yung nararamdaman niya dahil sa sinabi ko.
"Baby, hindi ako nagseselos. Gusto ko lang talagang malaman, kamusta ba?"
"Ayos lang naman yung pakikitungo niya sakin. Nag-offer siyang ihatid ako papunta sa bistro at sa bahay ko. Mabait naman siya sak—-"
"Magresign ka na kaya sa trabaho mo? Hindi mo naman ata kailangan ng extra income diba? Tsaka kung kailangan mo man, bakit hindi mo ipataas kila tito yung allowance m—-"
"Migz ano ba talagang gusto mong sabihin?"
"I want you to stay away from him."
See? Yan lang pala yung gusto niyang sabihin.
"At bakit naman po ako lalayo kay Drew?"
"Kasi sinabi ko."
"Migz alam mong hindi ko pwedeng tanggapin yung ganyang rason."
"Gusto niyang agawin ka sakin. Para maiwasan yun, layuan mo na siya hanggang maaga pa."
Sabi niya hindi na siya nagseselos. Eh ano yung sinasabi niya sakin ngayon? Malinaw na pagseselos 'to.
"Hindi ko siya pwedeng layuan dahil katrabaho ko siya. Hindi rin ako pwedeng magresign dahil mahal ko na yung trabaho ko. Migz ganito na lang, para hindi ka na mag-alala sakin, ako na mismo yung magsasabi sayo na kahit gustuhin man akong agawin ni Drew sayo, hinding-hindi ako magpapa-agaw. Kaya kung ako sayo, gawin mo na yang report mo at wag ka ng ma-paranoid diyan, okay? Mahal kita Migz, mahal na mahal."
Narinig kong nagbuntong hininga si Migz sa kabilang linya.
"I love you too baby." at binaba niya na yung phone.
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.