Crizzel's P.O.V
Nakabili na ko ng pregnancy test at sinunod ko yung mga steps kung pano magawa yun ng maayos.
Naghintay ako ng ilang minuto at...isa lang yung guhit. Hindi ako buntis.
May parte saking umasa na baka nga buntis na ko kaya naman nanghinayang ako ng malaman kong hindi pala.
Dumating na yung lunchtime at gaya ng inaasahan ko ay dinaanan ako ni Migz sa bahay. Pumunta kami sa hospital para magpacheck-up. Lumabas na kaya pala ko nagsusuka at nahihilo ay dahil mahina daw yung resistensya ko, madali rin kasi akong tablan ng sakit. Yung tungkol sa menstrual period ko, irregular kasi ako kaya hindi pa dumadating sa inaasahan kong araw.
Sa buong biyahe namin pauwi ni Migz ay napansin kong tahimik lang, siguro pati siya ay nag-expect na baka nga buntis ako.
Kinagabihan ay tumawag sakin sila mama at tinanong kung kailan daw ba yung baby shower ko.
"Ma hindi po ako buntis."
Tumahimik sa kabilang linya at dumaan pa yung ilang segundo bago sila magsalita.
"Ganun ba anak. Wag ka mag-alala, maghihintay kami. Paniguradong darating din yan."
"Sana po ma."
Binaba ko na yung phone at tiningnan si Migz. Nakatulog na pala siya. Ginising ko siya para sana mag-usap kami kung nadismaya ba siya kasi hindi ako buntis pero ayaw niya magising at sobrang sarap ata ng tulog niya.
Tinext ko si kuya para magtanong kung super busy ni Migz sa kompanya.
"Ay buti natanong mo yan. Oo sobrang busy ng asawa mong yan. Kaya ikaw, alagaan mo siya ng mabuti at intindihin mo na lang kung minsan nakakatulog na siya agad."
Ganun pala yung sitwasyon ni Migz. Iniisip ko na baka nakadagdag ako sa stress niya kasi hindi pala ko buntis.
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.