Crizzel's P.O.V
Pagkatapos ng klase namin ay nagka-ayaan na pumunta dun sa bar na pinagtatrabahuhan ni Nelo. Pwedeng underage dun kasi nakapasok nga si Nelo bilang singer eh.
"Migz kung ayaw mong sumama, okay lang naman sakin." sabi ko sa kaniya
"Hindi okay lang naman."
Sa kotse niya kami sumakay ni Angel. Habang nasa biyahe kami ay panay yung tingin ni Angel sa phone niya tapos ngumingit. Siguro katext niya si Nelo kaya ganyan. Pag-ibig~
"Welcome Ma'am , Sir." sabi ng guard pagkadating namin sa Bar. Sinalubong kami ni Nelo at ng iba niyang mga kabanda.
"Crizzel may itatanong lang ako sa'yo." bulong sakin ni Nelo. Bakit ba parang ang seryoso niya naman?
"Sige lang. Ano ba yun?"
"Pwede bang wag dito? Dun sana sa medyo malayo."
Okay?
Nagpaalam ako sa kanila para hindi naman mukhang bastos tingnan. Huminga muna ng malalim si Nelo bago magsalita.
"Ano bang mga favorite ni Angel?"
Yun lang pala yun? Asus. Kinabahan pa ko sa kung anong itatanong nya sakin. Teka....ano nga bang favorite ni Angel? Alam ko burger lang naman yung madalas niyang lunch eh. Pero binibigay niya sa pinsan nya yung kamatis dun sa burger, nakakasuka daw kasi yung mga tomatoes.
"Gusto niya ng burger without tomatoes." sabi ko. Lumiwanag naman yung mata niya at nagpasalamat sakin. Ibang klase rin yung paraan ng pasasalamat niya, nangyayakap!
After nun ay umupo na ko sa table namin at si Nelo naman ay maghahanda na daw para sa performance nila.
"Migz anong gusto mong drinks?" tanong ko sa nakasimangot kong boyfriend kanina pa.
"Tubig."
"Food?"
"Di ako gutom."
Weird.
"Tubig lang kaming dalawa ni Migz. Walang foods." sinabi ko kay Faith kasi siya yung magsasabi sa waiter ng lahat ng order namin.
"Huh? Bakit tubig lang?" -Faith
"Diet kami pareho eh." pabiro kong sagot. Sinamaan naman ako ng tingin ni Migz.
"Bakit tubig lang inorder mo para sayo?"
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.