Crizzel'sP.O.V
*Kriiiiiiiing*
"Nag-Bell na !!!!!!!!" sigaw ng mga kaklase ko
Nagbell na nga. Narinig ko naman. Kailangan isigaw?
Badtrip na mga 'to.
"Ano next period natin?" tanong ko kay randel nung nilapitan niya ko
"Tanga! Break na!"
Now I'm stupid. -_-
"Ah tara dun tayo sa kainan! " sabi ni Faith sa'min
Susunod na sana ko sa kanila ng mapansin kong hanggang ngayon ay tulog pa rin si Casanova. Tsk. Hayaan na nga yang malipasan ng gutom.
Tinanggal ko yung tingin sa kaniya ng may lumapit sa kaniyang mga kabarkada niya ata. Bago pa lang siya pero may friends na. Matinde yung isang 'to.
"Oy gising na Lim!" sigaw nung isa sa kania
"Ito na nga! Gigising na!"
Aba. Kung ako kabarkada niyan, baka bugbog sarado sakin yan kung ganiyan lagi ugali. Siya na nga ginising, siya pang galit? Pasalamat nga siya at di siya magugutuman eh.
Nabalik ako sa pangyayari ng hinatak ako nila faith, Avy at Randel. Magaling, pinagkaisahan nila ko dahil pati sila Jam at Christoff ay walang pake sa pagkaladkad sakin.
"Crizzel!!!" sigaw ni Daphnie kaya naman huminto yung tatlo sa pagkaladkad.
Daphnie hulog ka ng langit!
"Crizzel, may meeting daw tayo ngayon sa office."
Sa maniwala man kayo o hindi, kasali ako sa student council. Hindi nga lang president pero at least kasali diba.
Nagpaalam na ko sa kanila at nagpunta na agad kami sa office.
Migz's P.O.V
Inaantok pa ko pero ginising na nila ko. Feeling close. Di ko naman sila kabarkada. Gusto lang nila kong pasalihin sa basketball team.
"Hi Migz!" sigaw nung babae sa gilid ko habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.
Ngitian ko siya at bigla na lang umarte na parang nahihimatay.
"Migz ako rin ngitian mo!"
"Dito sa kanan tingin ka!"
"Mahal kita sagad!"
"Give me some break girls. Nagugutom rin naman ang gwapo." Sabay kindat sa kanilang lahat.
Kung mapagkakakitaan lang ang pagiging mambobola ko, baka milyonaryo na ko ngayon.
*Cafeteria*
"Excuse me! Tabi sabi eh!" sigaw nung babae at hinawi niya yung mga babaeng nakapalibot sakin.
"Hi Baby!" bati nito at tinabihan ako
Daphnie?!
"What are you doing here?"
"I'm visting my baby."
Tsk. Ayoko ng makita yung desperadang babaeng 'to. Di niya pa rin ba tanggap na hindi ako stick to one ? I hate commitments. I hate being called as someone's boyfriend.
"Come closer..." inakto ko pa yung index finger ko na pinapalapit ko siya, sinunod niya naman. "Three words lang daphnie. Sana maintindihan mo agad." tumango siya at binulungan ko "Stay away btch."
Nabigla siya sa sinabi ko pero ngumiti lang ako. Akala niya I LOVE YOU? Asa.
Crizzel's P.O.V
May meeting nga kami pero wala naman si Daphnie. Nasan ba yun?
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.