Migz's P.O.V
Pagkapasok namin ng school ay nagsimula na pala yung opening ng Filipino club. Ang bilis naman ng buwan. August na pala agad?
"Nice. Successful ang opening nila Faith!" masayang sabi ni Crizzel. Nakwento niya saking officer ng Filipino Club si Faith at gaya ng nakikita namin sa school, damang-dama ang buwan ng wika.
"Hi Migz!" ekstra ng isang babae at hinawi si Crizzel sa tabi ko, dahilan para mabaklas yung hawak ko sa kamay niya.
"Excuse me. I'm with my girlfriend."
" Parehas lang kami ni Crizzel sa buhay mo Migz, I used to be your girlfriend rin naman ah."
"No. You just used to be my toy and not girlfriend. If you will excuse me miss, I'm with my girlfriend."
Umalis ng mataray yung babae at pagkatingin ko kay Crizzel ay medyo nasa malayo na siya at may kausap siyang babae. Habang palapit ako sa kanila ay namukhaan ko yung kausap niya. Agad kong nilayo yung girlfriend ko sa kaniya.
"What do you want?"
"Oh my god. So ikaw si Crizzel?" tanong ni Sarah
"Huh? Oo ako nga."
"Ano ngayon kung siya? Umalis ka na Sarah. Wag mong hayaang dito pa kita pahiyain." Pananakot ko pero parang hindi tumalab sa kaniya.
"Binisita ko lang naman yung girlfriend mo." lumipat yung tingin niya kay Crizzel "Hi, I'm Sarah. First love ng boyfriend mo."
Nagulat si Crizzel at napatingin sakin. Hihilahin ko na siya para umalis na kami pero pinigilan niya ko.
"Nice meeting you, Sarah. Masaya kong nakilala ang isa a mga past ng boyfriend ko." sabi nito at ngumiti. Mas lalo namang nagalit si Sarah kasi hindi niya nakuha ang gusto niyang reaksyon mula kay Crizzel.
"Past niya nga ako pero pwede ko ring palitan yung present niya at maging future niya ko."
"Okay." sabi ni Crizzel. Kinuyom ni Sarah yung kamay niya at sobrang naiinis na siya sa mga nagiging reaksyon ng girlfriend ko.
"Naikwento niya ba sayong hinalikan ko siya? Kasi kung hindi pa, handa kong ikwento sayo in detailed pa kung gusto mo."
"No need. Nasabi na sakin ni Migz kaya wala kong nakikitang dahilan para sabihin mo pa sakin lahat ng detailed."
"Eh sa gusto kong ikwento. Alam mo, ang lambot ng labi ng boyfriend mo. Masarap siyang humalik at nakaka-adik yung mga mata niya kapag nakikipagtitigan siya sayo habang humahalik." Gustong-gusto ko na siyang sapakin kaso hinawakan bigla ni Crizzel yung kamay ko. "Wala kang reaksyon sa mga sinasabi ko?"
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love! (REVISED VERSION)
Teen FictionTungkol ito sa babaeng true love ng isang lalakeng walang ibang gawin kung hindi paglaruan ang mga bagay na may damdamin. Paano sila naging sila? Aba basa na ate.